CHAPTER 8: WEREWOLVES

92 7 0
                                    

YOONGI POVS

Napadaan kami sa mga kakahuyan dahil ito ang daan patungo sa bayan ng Dark Oak. Bagay na bagay ang pangalan ng lugar na yun dahil Dark Oak ang mga klase nang puno dito.

"Woah! Ang taas nang mga puno.. nakakatakot sila tignan." Mangha sambit ni Jimin.

Kahit hindi ko nakikita ang reaksyon nya masasabi ko sa tono ng pananalita nya na namamangha sya sa nakikita nya.

Patuloy pa rin ang paglakbay namin. Matagal na rin ng makapunta ako sa lugar ng Dark Oak masyado kasi ako naging abala sa trabaho ko bilang heneral.

"Sabi ko na sayo dapat nakinig ka sa akin na wag –"

May narinig ako dalawang lalaki nag-uusap sa paligid lang.

"Makinig ka sa akin, Jimin. Wag na wag mo huhubarin ang suot mo na damit dahil poprotektahan ka nito upang di ka maamoy na tao ka. Naiintindihan mo?"

Sabi ko sa kanya. Sumunod naman sya agad sa sinabi ko. Suot nya kasing damit ko upang di sya maamoy. Ang tangi maamoy nila ay ang akin at hindi mismo si Jimin.

" Oh, heneral? Bakit kayo naparito sa aming lugar?"

Nagulat ako sa pagdating nang isa sa mga kakilala ko sa bayan ng Dark Oak. Sila pala ang dalawang lalaki naririnig ko.

"Mukhang may kasama ka ata heneral."sambit nang lalaking may hawak na mga kahoy.

"Ahh sya ang.. nobya ko."

Pag-sisinungaling ko.

" Nobya? Ahahah!"

Ano nakakatawa doon? Tss!

" Ano ang pangalan nya, heneral? Mukha pa sya mahiyain."

Tanong nang lalaking may hawak na palakol.

"Sya si Jimin.. aking binibini magpakilala ka." Pagpakilala ko muna.

"Ahh, kamusta kayo? Ako si Jimin."

Ayos! Hindi sya nautal.

" Ohh, maganda syang dilag ngunit hindi sya mapag-ayos nang sarili gayunpaman maganda pa rin sya." sabat pa nang lalaking may hawak na kahoy.

"Salamat mga Ginoo."

Mukhang magaling umarte ang nobya ko ahh.

"Binibini, isa ka bang bampira? At pareho kayong nakatakip?"

Ang daldal naman ng dalawang ito.

"Uhm.. isa syang katulad ko." Pagdadahilan ko.

Tumango naman ang dalawa.

"Nga pala heneral, nalaman namin ang balita tungkol sayo at sa hari? Hindi kami naniniwala sa kanilang mga paratang tungkol sayo."

Hm.. mukhang ipinapakalat na nila ang maling balita sa akin. Nakakainis!

"Tama lang na hindi kayo maniwala sa kanila. Alam nyo na hindi ko magagawa ito sa mahal na hari." Tama naman ang sinabi ko. Buti na lamang may mga naniniwala pa rin sa akin.

"Alam naman iyon, heneral. Wag kayo mag-alala ang pagkikita natin ngayon ay sekreto lamang." Sambit nang lalaking may hawak na kahoy.

"Maraming salamat sa inyong dalawa. Tatanggapin ko itong utang na loob sa inyo. Kami na ay magpapatuloy at kayo din. Mag-ingat kayo!"

Hinampas ko na ang lubid nang kabayo upang magpatuloy na kami sa paglakbay.

"Yoongi, sino sila?" Taka tanong ni Jimim.

"Mga taga Dark Oak sila at mga lobo."

Delikado na ako. Maari matunton ako ng mga kawal ng palasyo.

TWO WORLDS (YOONMIN AU)Where stories live. Discover now