CHAPTER 6: A PORTAL TO MY WORLD

128 6 0
                                    

JIMIN POVS

Napapagod na ako kakalakad pero itong isa ni hindi man lang hinihingal at napapagod. Haysst! Tao ako noh hindi katulad nya! Nakakainis!

"Huminto na tayo dito." Angal ko na talaga.

Bakit kami huminto sa gitna nang kalsada? Ano meron dito? Hindi kaya napagod na sya kakalakad?

"Hoy, Jin pagbuksan mo ako ng pinto!"

Sigaw ni Yoongi sa hangin. Ako naman nagtataka sa ginagawa nya kaya napatingin nalang ako sa paligid ko. Grabe kanina lang walang fog na bumabalot sa kalsada pero ngayon kalat na sila tapos sabay mo pa ang malamig na hangin. Ang weird ng paligid.

"Hoy, Dalian mo!"

Sigaw nya ulit sa hangin. Ano ba ginagawa – nito..

Napahinto ako sa pagsasalita..

May biglang liwanag ako nakita sa harap namin at bumungad ang isang pintong asul. Bumukas ito ng kusa at nagliliwanag ito sa loob.

"Hawakan mo ang kamay ko." Sambit ni Heneral Yoongi.

Bakit ko naman – ahh wait! Ikaw ba naman hatakin agad ang kamay mo. Pumasok kami sa asul na pinto at dahil sa liwanag na ito sa loob napapikit nalang ako. Pagbukas ko nang aking mga mata bumungad sa akin ang lalaking may mahabang puting buhok, matangkad, at may suot na traditional clothes.

‘Wow.. he is gorgeous.. I never see a man like him.. woah.. he’s so attractive.’

Tindig palang nya maaakit ka na agad sa kanya. Wow nalang talaga. I like his long white hair.

"Bakit mo naman binulabog ang araw ko, Yoongi!?"

Nginisian nya ito sa inis. Mukha nga syang bagong gising pero ang gwapo nya pa rin.

"Tulungan mo ako." Sambit ni Yoongi.

"At ano naman yun? At saglit sino sya?"

Oh!? Nandito pa pala ako nakatayo sa harap nila. Akala ko kasi parang wala ang presensya ko dahil di nila ako napapansin.

"Sya si Jimin. Kailangan nya nang tulong mo." Tinuro pa ako nang hintuturo nya kahit katabi nya lang ako.

"Napaka ganda mo naman, binibini."

Ohhh kinilig ako sa bandang yan! Nakaka blush naman sabihan ka maganda.

"Tigilan mo nga yan, Jin dahil sa sinabi mo tignan mo sya namumula na."

Bigla ko bintukan si Yoongi nang malakas. Nakakahiya naman kay Jin ang sinabi nya.

"Hello, I’m Jimin.. are we interrupting something?"

"Ohh, No. You are.. human..?"

Oh no! Alam nya? Paano?

"Ahh nga pala kaya malaman ni Jin kung tao ka ba o katulad namin."

"Oo, isa nga akong tao."

Lakas loob ko sagot sa kanya.

"Paano nakapasok ang isang tao sa mundo natin, Yoongi?" Tanong nya.

"Hindi ko alam kaya ikaw ang pinuntahan ko baka alam mo kung paano. Pero hindi naman na kailangan malaman yun kung kaya mo naman sya pabalikin sa mundo nya gamit ang lagusan mo papunta sa mundo ng mga tao" sambit ni Yoongi.

Napakamot ng baba si Jin.

"Hm.. sumunod kayo sa akin."

Ganun nga ang ginawa namin. Alam nyo ang ganda nang lugar na ito. Maraming bulaklak ako nakikita sa bawat paligid at ang presko sa pakiramdam ang lugar nya. Huminto kami sa harap nang portal na sinasabi nila. Wow.. nakakita ako ng portal.

TWO WORLDS (YOONMIN AU)Where stories live. Discover now