CHAPTER 12: SUMPA

99 6 0
                                    

AUTHOR POVS


"Ba-bakit ako!?" nag-aalala na may halong pagtatakang sambit ni Jimin sa dalawa.


"Dugo lamang nang tao ang magpapalabas sa akin sa kagubatan na ito. Iyon ang sinumpa sa akin nang kapatid ko. Heneral.. kapag hindi ako nakalabas rito.. wala ang lunas mo."


Napatingin si Jimin kay Yoongi. Nag-aalala ang mukha nito sa kanya. Ngunit.. tumango si Jimin at ngumiti kay Yoongi ibinibigay ang permiso nya na kunin ang dugo nya.


"Wag ka mag-alala Jimin isang patak lamang nang dugo mo ang kailangan ko." sambit ni Jisoo kay Jimin. Nakatingin lamang saglit si Jimin sa kanya.


"Ayos lang sa akin. Gawin mo na." sagot ni Jimin.


Gustuhin man pigilan ni Yoongi ang gagawin ni Jisoo ngunit may permiso na ni Jimin gawin kaya't hindi na sya nagsalita pa. Lumapit si Jisoo kay Jimin at tinusok ang kanyang wand sa hintuturo ni Jimin. Nang tumulo ang isang patak na dugo nya ay may lumabas na malakas na hangin sa paligid at nawala ang palibot nang hamog sa paligid.


"Salamat. Dahil sa pagtulong nyo sa akin bibigyan kita nang gantimpala Jimin." sambit ni Jisoo kay Jimin. Ngumiti sa kanya si Jisoo.


" Anong.. gantimpala?" nagtatakang tanong nito.


"Alam ko na hindi ka pumasok sa loob nang lagusan.. lumabas ka sa lawa nang buwan." sambit ni Jisoo.


"A-ano?" biglang nagtaka si Jimin sa sinabi nitong lawa nang buwan.


"Ang lawa nang buwan yun ang pangalan nang lawa na naging lagusan mo." sagot sa kanya ni Yoongi.


"Hinahanap mo ang lalaki para sayo, tama?" paninigurado ni Jisoo.


"Oo!" sagot ni Jimin.


"Bago ko sabihin."


Pumitik ang daliri nya at napunta na silang tatlo sa tahanan ni Jisoo. May kalakihan ito, may mga pananim sa likod nang bahay, at mayroong pagkukuhanan nang tubig.


Napatingin sa paligid sila Jimin at Yoongi sa mga bagay na nakikita nila sa bahay nito. Nakita nila ang mga boteng may laman nang mga hayop at mga kakaibang kulay na laman nang mga bote.


"Sa nakikita nyo.. tama ang iniisip nyo. Gumagawa ako nang lason at lunas. Isa akong itim na mangkukulam. Subalit, may kabutihan rin naman ako. Gumagamot ako nang may sakit yun ang kinabubuhay ko." pagpapaliwanag ni Jisoo sa dalawa nang mapansin ang pagtingin nila sa palibot nang bahay nya.


'Maari ko ba matanong kung gaano ka na katagal nakakulong rito?" tanong ni Jimin.


"Hm.. bago mangyari ang paglason sa hari.. mga.." napa isip si Jisoo.


"Anim na buwan."

TWO WORLDS (YOONMIN AU)Where stories live. Discover now