CHAPTER 18: THE ONE BEHIND THE MASK

89 6 0
                                    

AUTHOR POVS


"Bakit ang tagal mo kumilos!?"


Inis na sambit ni Yeji habang nakatalikod sya sa kausap nya at sya ay nakatingin sa trono ni Hoseok.


"Patawad.. prinsesa.. kailangan ko lamang nang ilang oras mo para mapatay sya.." sambit nang isang lalaki.


"Wag mo muna sya patayin.. alam ko na nakita mo na sya.. ngunit wag mo sya patayin.. kailangan ko malaman kung may gusto ba sya sa babaeng kasama nya." utos nito sa lalaki na kausap nya.


"Masusunod.." yumuko bahagya ang ulo nito bilang respeto sa Prinsesa.


"Saan ba sila patungo ngayon?" tanong ni Yeji.


"Sa Tagapamahala nang portal.. si Jin." sagot agad nang lalaki.


"Hm.. magandang taguan para sa katulad ni Heneral at sa taong dala nya." natatawang sambit ni Yeji.


"Gayunpaman.. gumagawa na pala nang lunas ang kapatid ni Jennie.." hindi makapaniwalang sabi nito.


"Oo, si Jisoo.." sagot nang lalaki.


"Bakit hindi nyo sya mapatay!?" inis na sigaw nya sa lalaki.


"Nagkasundo kami ni Jennie na hindi ko gagalawin ang kapatid nya." sagot nya agad.


"Siguraduhin lamang ni Jennie na hindi magiging sagabal ang kapatid nya kung ayaw nya ako mismo ang gagawa nang paraan para kitilin ang buhay ng kapatid nya." inis nya pa rin utos sa lalaki.


"Magtiwala ka kay Jennie.. Prinsesa . Mahal ako ni Jennie at lahat gagawin nya para sa akin." sambit nito.


"Kung gayon sabihan mo sya pigilan ang kapatid nya!" utos nang Prinsesa.


Yumuko ito bilang respeto sa prinsesa.


"Bago ka umalis.. ano pangalan nang babaeng kasama nya.." huling tanong ni Yeji.


"Si Jimin.." sagot agad nang lalaki habang nakayuko ang kanyang ulo.


JIMIN POVS


Ang saya naman! Ang ganda nang bulaklak na nakita ko. Akalin mo yun dati hanggang kwento lang ni Yuna ang itsura nun ngayon nakakita na ako mismo! Ahahahha!


"Ow!"


Muntikan na ako mahulog sa kabayo nang mawalan ako nang balanse nang mapabitaw ako sa pagyakap kay Yoongi. Buti na lamang nasalo agad ako ni Yoongi bago pa ako tuluyan mahulog.


"Salamat.." nakangiti kong sabi sa kanya.


"Bakit ka ba kasi nakangiti ka habang malayo ang iniisip mo!?"


Lha bakit inis sya?


"Wala may naalala lang.." sagot ko.


Pero nginisian nya lang ako. Aba't ano ba problema nito!?


"Kung sino-sino kasi iniisip!" inis nya pa rin.


Aba't –


"Humawak ka nang maigi!"


Hinawakan nya ang dalawa kong kamay at pinalibot ito sa bewang nya.


"Sa akin lang ang pokus mo, naiintindihan!?" parang utos nya pa sa akin.


Bakit ba sya galit!?


Pinatakbo nya na ang kabayo at ako naman nagtataka pa rin sa inaakto nya!


AUTHOR POVS


PALASYO


"Oh, Jungkook.. nandito ka na pala.."


Sambit ni Namjoon nang makita si Jungkook naglalakad paalis sa trono nang hari. Nagbago ang ekspresyon ni Jungkook nang makita ang tiyo nya.


"Bakit ka galing sa trono nang hari?" nagtatakang tanong nya.


"Kinausap ko lang ang prinsesa." sagot naman ni Jungkook.


"Ano ang inyong pinag-usapan?"


Nawala ang ngiti ni Jungkook sa tanong nito at napalitan nang seryosong mukha.


"Tungkol lamang sa heneral." sagot muli ni Jungkook.


"Nahanap mo na ba sya?" takang tanong ni Namjoon.


Hindi ka agad nakasagot si Jungkook. Saglit na natahimik sya ngunit nagbago muli ang ekspresyon nya at ngumiti sa kanyang tiyo.


"Hindi ko pa sya nakikita.." mahinahon na sagot ni Jungkook.


"Ganoon ba.. dalian mo ang paghahanap sa kanya.." utos ni Namjoon.


"Opo!" sagot agad ni Jungkook.


Yumuko ito at umalis na sa harap ni Namjoon.

TWO WORLDS (YOONMIN AU)Where stories live. Discover now