Alice's POV
"Hoy pagong!"
Dagli naman akong napalingon sa direksyong pinagmulan noong taong sumigaw at palakad-takbong nagtungo roon.
"Kahit kalian talaga, ang bagal mong kumilos!" Nakabusangot nitong saad nang tuluyan ko na siyang maabutan sa kanyang pwesto. Napangiti na lamang ako sa kanya at hinila na ito sa kamay upang siya'y makasabay sa aking paglalakad.
"Sorry naman, masyado ka lang talagang mabilis maglakad 'no. Tara na, baka hindi pa tayo makaabot." Tugon ko. Napailing na lamang ito sa aking tinugon at sumabay na sa paglalakad.
"Baka nga hindi na talaga tayo makaabot pa sa birthday ng kaibigan mo. Jusko po, mga babae nga naman. Daig pa ang mga pagong kumilos." Sabay kamot nito ng ulo.
Natawa naman ako dahil sa kanyang inasta at mas binilisan pa ang lakad.
"Ang OA mo talaga, Cedric. Kung ako sayo, dapat magmadali ka nalang sa paglalakad at nang makita mo na agad 'yang crush mo." Pangangasar ko sa kanya na siyang ikinagulat naman ng sistema niya.
"S-sabi nang hindi ko nga crush si Lesley! Ang kulit talaga ng butsi mo." Nauutal nitong bulyaw habang tinutukoy ang kaibigan ko.
"At isa pa, wag mo nga akong pagsasabihan na magmadali. Sinabi ko naman kasi sayo kaninang gamitin nalang natin yung bike ko pero nag-iinarte ka pa d'yang naka-maikling shorts ka lang." Dagdag pa niyang ani.
"E totoo naman talaga! Anong gusto mo, mamanyakan ako?"
"Wala naman silang makikita sayo eh. T*nga."
Napairap na lamang ako sa kanyang sinabi at mas binilisan ang lakad na siyang ikinatawa naman niya.
Ge, tawa ka lang hanggang sa ikamatay mo yan. Ibalasubas ko 'yang bike mo sa mukha mo eh.
"Hoy, wait lang!" sigaw niya mula sa aking likuran nang hindi ito makasabay sa lakad ko.
"Wait mo mukha mo."
***
"Happy birthday!" Ang bati ni Ced kay Lesley. Nginitian naman siya nito at tumango.
"Thank you! Akala ko talaga, hindi na kayo pupunta eh." Natatawang sagot ni Lesley. Napakamot naman sa batok si Ced at nahihiyang nagsalita.
"Pasensya ka na, si Alice kasi ang bagal-bagal kumilos." Tinignan naman ako ni Ced ng masama ngunit nginitian ko lamang siya upang magpigil ng tawa.
Hay nako, Cedric Franco. Kung umamin ka na lang kaya sa bff ko na gusto mo talaga siya. Hindi yung nagpapa-cute ka pa jan, mukha ka namang pinaamong palaka.
Tinawanan na lamang siya ni Lesley at nginitian ako.
"Thank you sa pagbati." Sarcastic niyang saad.
"You're welcome, my dear." Sarcastic ko 'ring sagot.
"Animal ka talaga." Naiiling nitong bigkas na ikinatawa ko naman. Tumalikod na ito sa amin at nagsimula nang maglakad. Sumunod naman kaming dalawa sa kanya papasok ng bahay.
Kitang-kita ang lahat ng mga kalat at ilan pang mga natitirang pagkain sa mahabang lamesa ng kanilang garden. Halatang kakatapos pa lamang ng party nila. Hindi na kami dumiretso pa roon. Sa halip, ay tumungo kami sa loob ng bahay niya.
Tinantsa talaga namin ni Ced na matapos ang party bago kami pumunta dahil sa loob kami mag c-celebrate. Napag-planuhan kasi namin ito noong last week pa nila Lesley kaya naman inorasan naming pumunta sa oras na 5:00pm subalit inabutan na kami ng mga 5:30pm dahil nga sa kabagalan ko.
BINABASA MO ANG
A Titan's Legend
FantasyI'm an ignorant person. I'm the girl who never wander how big the world is. I thought I'm a loser... but that's just what I thought. Because I'm special. And I belong to the race of the titans. I am the chosen one. Yet, I don't know who I rea...