CHAPTER 3

37 31 0
                                    

Alice's POV

"Alicia."

Dahan-dahan akong dumilat at hinanap ang tumatawag sa akin.

... sa'kin nga ba?

Wala akong masyadong maaninag dahil malabo pa ang paningin ko. Pero di rin katagalan nang manumbalik ito kaya naman napatingin ako sa aking paligid. Saka ko lamang napansin ang nasa harap ko.

Sinubukan kong tumayo ngunit nabigo ako dahil sa biglang pagkirot ng aking ulo. Napapangiwi pa ako habang dahan-dahang umupo.

"You're awake."

Napatingin ako sa taong nakatayo sa harap ko.

It's... me.

"N-nasaan ako?" Nilibot ko ang aking paningin at napansing nasa isa kaming madilim na lugar. Malawak ito ngunit walang kahit anong ilaw at talagang itim lang na kulay ang makikita mo. Tanging sarili ko lang ang aking nakikita at ang babaeng katapat ko... na ako rin?

Pero iba siya. Kulay lila ang buhok nito at maputi ang mga balat. Nakasuot ito ng puting bestida ngunit halos hindi mo na ito mamumukhaang kulay puti dahil sa nababadbaran ito ng pulang dumi.

Saka ko lamang napansin na magkaparehas kami ng suot.

Wait... dugo?

"I sent you here." Her intense silver eyes glimmers as she speak right to me.

"S-sino ka ba? At bakit magkamukha tayo?" Naguguluhang saad ko.

The girl smiled and looked at the other direction. "I told you, it's not important."

Nanlaki ang mga mata ko at naglakad papalapit sa kanya.

"I-ikaw yung kanina—no. Ikaw yung babaeng nakikita ko sa salamin at laging tumatawag ng Alicia sa akin... hindi ba?" Tanong ko. Bakas sa boses ko ang pagkaseryoso kaya naman ay sinagot niya agad ako.

She turned back her gaze to me and smirked. "You're right."

Naningkit ang mga mata ko habang siya'y pinagmamasdan.

Hindi ako makapaniwalang siya iyon. Ang layo kaya ng boses niya ngayon kumpara noong nasa bahay ako.

Masyadong mature na ngayon ang boses niya. Nung una ko kasing marinig ang boses niya, parang batang babae. Pero hindi ko naman aakalaing ka-edad ko pala.

Automatiko akong napatingin sa gawi niya nang makarinig ako ng isang matinis na tawa.

"I apologize for making my voice different. Kailangan kasi kitang mapaniwalang mabuti ako." aniya.

Napahinto naman ako at tinitigan siyang mabuti.

"So hindi ka mabait?"

"No—what I mean is, baka hindi mo ako pagkatiwalaan dahil sa boses ko. Truthfully speaking, alam ko namang medyo maautoridad ang aking boses kaya naman binago ko ito at nagboses bata. Though, I didn't know that you will be scared because of it." She sighed.

Mabilis naman akong napailing sa sinabi niya.

"Hindi naman sa ganoon. Natakot lang talaga ako dahil bigla nalang may magsasalita kahit wala namang nakapaligid sa aking tao. Sino ba namang hindi matatakot kung may naririnig kang mga bagay-bagay na ikaw lang ang nakakarinig. Akala ko nga, nakainom ako ng drugs kaya ito nangyayari sa'kin." dahilan ko.

"Pero... paano mo nalamang iniisip ko 'yon?"

Tinignan naman niya ako at ngumiti. Pero nawala rin iyon maya-maya at umiwas ng tingin.

Inikot ko ang aking paningin ngunit wala talaga akong makitang kahit anong liwanag. Bumalik ang aking tingin sa kanya na ngayon ay nakayuko lang.

"So... nasaan tayo?" Panimula ko. Tumingin naman siya sakin at sumagot.

A Titan's LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon