CHAPTER 2

40 31 0
                                    

Alice's POV

"70 pesos, ma'am." sabi nung cashier.

Binigyan ko naman si kuya ng 70 at kinuha na ang aking tinapay at milk in-can.

Kumuha ako ng pwesto sa gilid at doon na nag almusal.

20 minutes nalang kasi at magsisimula na ang klase kaya naman pumunta nalang ako sa isang convenient store para naman doon nalang ako kakain.

Mayroon pa naman akong 10 minutes para maubos itong kinakain ko. Magb-bike nalang ako papasok.

It's been a week now since the incident in Lesley's birthday. At tama nga siya, stress lang talaga ako that time.

Mabilis kong tinapos itong tinapay at uminom agad ng milk. Malapit ko na sanang maubos ang gatas kong kinakain nang bigla nalang may tumapik sa aking iniinom. Dahilan upang matapon ito.

Tinitigan ko lang ito at napakuyom.

Lumingon ako upang tignan ang mamang nakahood at sinamaan ito ng tingin. What the heck?

"Ano bang problema mo?" giit ko.

Gulat naman itong napatingin sa akin at bigla nalang napaatras.

"Y-you..." Di makapaniwalang saad niya.

Kumunot naman ang noo ko at sinubukang silipin ang mukha niya ngunit hindi ko talaga makita dahil sa suot niyang hood.

Nagulat nalang ako nang bigla siyang dumiretso palabas ng store kaya naman sinundan ko siya.

"Hoy, kuya!" Habol ko.

Mabilis naman itong tumakbo kaya sumakay agad ako sa aking bike. Nang malagpasan ko siya ay mabilis kong ipinarada ang bike sa tabi at hinarangan siya.

Tinulak naman niya ako pagilid at nilagpasan ako.

Dahil sa labis kong galit ay hinarap ko siya at tinanggal ang hood.

"Shit." He bursted out.

Nang magtama ang aming mga mata ay natulala nalang ako sa aking nakita.

White and red threads. The first thing that caught my attention.

Tila nagkonekta ito sa aming mga mata. I don't know how to explain it clearly, but all I can say is that it is becoming more visible as before as the time passes by.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan at napahawak sa aking dibdib.

Para akong hinuhugutan ng hininga dahil sa mga nangyayari.

My sight started to blurry and my heartbeat kept on pumping fast.

Napahawak ako sa pader at naghabol ng hininga pero maya-maya'y napaupo nalang ako.

Ang sakit. Ang sakit sa dibdib. Hinimas ko ito ngunit wala namang nagbabago.

'Alicia.'

The voice started to echo inside my mind.

Natigilan ako nang marinig muli ang boses na'yon. My eyes got watery as I thought of the things happening to me.

Ano na naman ba 'to?

'Alicia.'

"Shut up."

'Alicia.'

"I said, shut up!" I frowned.

'Alicia.'

Tumahimik nalang ako at hinintay na mawala ang boses.

Pero kasabay ng pagtigil ay ang paghina rin ng katawan ko.

A Titan's LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon