Alice's POV
Ilang minuto ang lumipas bago kami tuluyang makaabot sa isla.
Papasok palang kami nang mas mapagmasdan ko ito ng malapitan.
Pa-kuweba ang istraktura nito at talagang kapansin-pansin ang pagiging malumanay ng klima sa loob.
Kung titignan man ay akala mo'y hindi ito pinapasukan ng kahit anong lamig na nanggagaling mula sa labas.
Nang tuluyan kaming makalapit ay may kung anong pwersa na tila nakakapag-pabigat ng pakiramdam. May ilang mga napaupo sa sahig, napasandal sa pader, ngunit may iba namang mga hindi tinablan. Tila sanay na sila sa ganitong pangyayari.
Nawala rin naman ito pagkalipas ng ilang segundo kaya naman pinakalma ko na ang aking sarili.
Bumitaw ako mula sa pagkakahawak sa railings at umayos ng tayo. Tinignan ko ang aking katabi at binigyan naman ako nito ng isang ngiti.
Tila pinapahiwatig na ayos lang siya.
Hindi rin nagtagal nang kami'y pababain na. Isa-isa kaming pinababa sa barko pero bago kami palakarin ay may pinasuot silang mga bota sa amin. Hindi ko pa maintindihan kung bakit kailangang magsuot nito ngunit agad ko rin naintindihan nang makatapak ako sa lupa.
Malagkit. Malapot. Iyon ang unang tumatak sa aking isip simula nang makatapak ako sa lupa.
Kaya naman pala kami pinagsu-suot ng mga bota.
Pinapila nila kami sa isang gilid at sabay-sabay na pinalakad. Medyo napapangiwi pa ako dahil sa init na nagmumula sa lupang tinatapakan namin.
Bakit ba mainit dito? Kung sa labas nga ay sobrang lamig, dito naman sa loob ay halos i-prito ka na dahil sa sobrang pagkainit ng lupa.
Konti nalang talaga at maba-bash ko na itong kabilang mundo.
Di-kalauna'y nakasabayan narin namin ang mga ibang tao mula sa kabilang barko. May ilan pang nag iinarte kaya naman minsan ay napapairap nalang ako.
Maglalakad na nga lang, ang dami pang satsat.
Napadako ang aking tingin sa harap at sinilip kung saan ba kami pupunta. Mula sa malayo ay nahagipip ng aking mga mata ang isang malaking hagdanan.
Ginamit namin iyon upang makaakyat at laking pasasalamat ko nang malamang hindi ito malapot gaya kanina kungdi isang matigas na semento.
Nang makaakyat ay tumumbad sa akin ang isang napakalawak na arena. Makikita mo ang ilang mga nagkalat na mga taong nakasuot ng white cloak at may iba pang mga naka-face mask. Kung titignan ay aakalain mo talagang mga scientist sila pero... hindi ba?
Tumigil kami sa pinaka-gitnang area at pina-assemble muli ang aming mga pila. Isa-isa kaming tinatakan nung babaeng naglilibot pati narin ang taga-ibang mga barko.
Tumingin ako sa itinatak ni ate sa aking wrist at nakita ang nag-iisang letra na 'T.' Ganoon din ang letrang nakapaskil sa mga kasama ko nang ito'y pasimple kong tignan.
Siguro ay para makilala nila kung anong barko ang sinakyan namin.
Nang matapos ay umakyat sa isang malaking stage ang isang lalaki na naka-cloak din. Tinanggal muna nito ang kanyang mask bago ito magsalita.
"As you can see, this place is as hot as hell but I assure you that this is not it." He smiled.
Nag simula na siyang mag-announce ng kung ano-ano nang siya'y pagmasdan ko. Binata pa lang ata siya dahil sa paraan niya ng pagkilos at pagsasalita. Malaki ang katawan at di mo naman maipagkakait na mayroon siyang itsura. Kulay berde ang buhok nito at kapansin-pansin din ang kanyang pagiging dark green na mga mata.
BINABASA MO ANG
A Titan's Legend
FantasyI'm an ignorant person. I'm the girl who never wander how big the world is. I thought I'm a loser... but that's just what I thought. Because I'm special. And I belong to the race of the titans. I am the chosen one. Yet, I don't know who I rea...