Alice's POV
"Huyy!" sigaw ni Piper.
Nabalik naman ako sa katinuan nang ako'y tawagin niya.
Tinignan ko naman siya at ngumiti. Humawak ako sa tiyan ko at tinignan din niya iyon.
"N-nagugutom kasi ako eh..." pagsisinungaling ko.
Tinuro naman niya ang kanyang ulo at tila may pinapahiwatig. Nakakabasa nga pala 'to ng utak.
Nyemas naman.
"Bawal narin lumabas. May curfew din kasi sila rito. 10:30 ang curfew time at kapag nahuli ka raw ay malaking kaparusahan daw ang ihahatong sayo." pagpapaliwanag niya.
"At saka, 'wag mo ngang ibahain yung topic! Halos i-kwento ko na sayo ang lahat ng nangyari sa talam-buhay ko 'tas wala ka manlang maiikwento?!"
Nanlumo naman ako sa kanyang sinabi.
Mukhang hindi talaga ako makakatas sa kanya ahh.
Sandali...
"Hala! Edi pano pala yung jowa mo?!" Tumingin naman siya sakin at sinamaan ako ng tingin. Inirapan nalang niya ako dahil sa mabilis na pag-iba ng paksa ngunit sinagot naman niya ang aking tanong.
"Walang kami. Edi mahuli siya, kasalanan naman niya 'yon! Ang daming kaartehan, porke magka-roommate lang kami ganun na umasta! Akala mo naman gagapangin ko siya habang natutulog." Bakas ang galit sa kanyang pananalita.
Napailing nalang ako sa kanya at tumayo na. Kinuha ko ang aking bag sa kabilang kama at bumalik sa aking pwesto kanina.
Sinimulan ko nang mag-ayos ng mga gamit at ganoon din ang kaniyang ginawa.
Lumipat na siya sa pwesto ko doon sa unahan. Bale in-occupy namin ang dalawang kama sa kanan.
"Kahit na. Paano nalang kapag nakita siya ng mga taga bantay, baka ikaw pa idahilan 'nun. Unang pasok palang natin dito, may record na agad." sermon ko.
Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya habang kinakamot ang ulo.
"Basta. Hindi ko nalang siya papansinin." Hindi na siya umimik pa pagkatapos.
Pinabayaan ko naman na siya at tinapos na ang pag-aayos ng gamit. Nang mailagay ang lahat sa aparador ay humiga na ulit ako sa kama.
Tumingin ako sa direksyon niya at nakitang pinagmamasdan niya pala ako kanina pa.
Matiim itong nakatitig sakin at tila malalim na nag-iisip. Medyo nailang naman ko sa kanya kaya umiwas nalang ako ng tingin at humarap sa kisame.
"Alice." sambit niya.
Bahagyang nanigas ang aking katawan dagil sa kanyang sinabi.
"Sino ka ba talaga?" Tanong pa niya.
Tumingin naman ako sa kanya at nakita sa kanyang mukha ang pagkalitong ekspresyon.
Inilig ko nalang muli ang aking tingin sa kisame at pumikit.
"I'm a girl." I sighed in defeat.
"Huh?"
"Babae ako. Female. Woman. May ovaries." hindi ko na siya tinignan dahil alam ko naman na ang magiging reaksyon niya.
Narinig ko pa siyang napasinghap sa hangin dahil sa aking sinabi.
"Please lang, sinabi ko na sayo ang pinakasikreto ko. Huwag mo na please ipagkalat." Pakiusap ko.
Tumahimik naman ang buong paligid kaya idinilat ko ang aking isang mata.
BINABASA MO ANG
A Titan's Legend
FantasyI'm an ignorant person. I'm the girl who never wander how big the world is. I thought I'm a loser... but that's just what I thought. Because I'm special. And I belong to the race of the titans. I am the chosen one. Yet, I don't know who I rea...