CHAPTER 8

29 30 0
                                    

Alice's POV

"Welcome to Luminous University!" Bati nung isang babaeng receptionist na lumapit sa'min.

Pinagbuksan niya kami ng gate at isa-isa naman kaming pumasok mula roon.

Nilibot ko ang aking paningin at pinakiramdaman ang paligid.

Trees...

Fountains...

Kung titignan ay halos palibutan na ang kastilyo ng mga halamang nagkalat. May isa rin malaking fountain sa harap ng front gate.

Believe me or not  pero ito talaga yung literal na mga nakikita niyo sa isang litrato ng kastilyo.

Huminto kami sa paglalakad nang makarating sa pinaka-pinto ng kastilyo. Tumignin ako sa tuktok nito at talagang mapapatingala ka dahil sa taglay nitong taas.

Gaano ba kalaki ang lugar na 'to para gawing paaralan?

Kumatok lang ng tatlong beses yung receptionist  at automatikong nagbukas na ito. Mabagal lang ang bukas nito pero ganoon pa man ay pumasok na kami.

Medyo siksikan pa dahil may ibang nagmamadaling pumasok kaya naman hinila ko pabalik si Heather at nagpahuli nalang sa pila.

Nasira na tuloy yung ayos ng linya.

Nang maubos ay saka lang kami pumasok. Pagkatapak palang sa unang palapag ay halos manginig na ang aking katawan dahil sa bigat nitong aura na dinadala.

Napakapit naman sa laylayan ng damit ko si Heather habang minamasdan ang loob ng lobby.

Inikot ko rin ang aking paningin at napansin ang kalakihan nito kumpara sa eskwelahan namin dati.

Jusko po, kung ikukumpara ko kasi ang lobby ng paaralan ko at sa lobby nila, halos i-triple na sa laki ang lawak nito.

Take note, sa isang kilalang unibersidad ako nag-aaral.

Hiyang-hiya naman 'ata ang paaralan kong pinapasukan ano?

Medyo may kadiliman ang loob ng eskwelahan at tanging mga nakasinding kandila lamang ang nagsisilbi naming ilaw sa loob. Lumingon ako sa aming likuran nang magsarado nalang mag-isa ang malaking pintong pinasukan namin.

Ang high-tech naman ng paaralan na 'to.

Muli akong tumingin sa babae nang ito'y magsalita ulit.

"Before you can go to your respective dormitories, I will just clear things out." She said with a serious tone.

"There are three tests in order to qualify you as one of us. First, was to identify your bloodline to make sure that you really have the blood of our kind and if you already manifested your abilities." She stated.

"And the second one, is that no living creature from the other world can withstand the force accumulating this area. In other words, you cannot live in here because your body won't resist the pressure that the world is giving." She said.

"Unless, you have our blood flowing inside. I'm pretty sure you know what I already mean, right?" she smiled.

Sabay-sabay naman kaming tumango at hinayaan lang siyang magsalita pa ng kung ano-ano.

Ewan ko kung bakit pero talagang nac-creepyhan lang ako tuwing ngumingiti siya.

Hindi ko naman sinasabing nakakatakot siya kapag ngumingiti ha? ibig ko lang naman sabihin, sa bawat ngiti niyang binibitawan ay tila nangangahulugan ito ng kung anong malalim.

Napakurap ako bigla nang tumingin siya sa akin.

"Right?" she smiled.

Hindi ko alam kung ano yung tinutukoy niya pero tumango nalang ako at nag-aktong naiitindihan ang sinasabi niya.

A Titan's LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon