Alice's POV
Ipinasawalang bahala ko nalang muna ang aking buhok at naligo na. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng uniform at nagsapatos. Inayos ko rin ang aking sarili at tinirintas ang aking buhok.
Hanggang ngayon ay naw-weirduhan parin ako sa kulay nito ngunit pinabayaan ko na lamang ito at kinuha na ang bag.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba papuntang sala.
Nadatnan ko si mamang nagwawalis at nang makita niya akong papaalis na ay agad niya akong pinahinto.
Kinabahan pa ako dahil akala ko'y hindi nagbago ang kulay ng buhok ko ngunit nang hawiin ko ito ay nagbalik na ito sa pagiging kulay itim.
"Ang sabi sakin ni Lesley, wala raw kayong pasok. Hindi mo ba nakita ang kanyang itinext?" Tanong sakin ni mama.
Kumunot naman ang noo ko at binuksan ang aking phone. Saka ko lang nakita na may message pala siya sa akin.
'From: My leslelengg <3
I told your mom that there's no class today even though there is. I just thought that maybe you need time for yourself. Don't 'ya worry, I get your back sis ;) '
Napangiti nalang ako at tumango kay mama.
"Ngayon ko lang po naalala, wala nga palang pasok... hehehe..." sabay kamot ko sa ulo.
Nagkibit balikat nalang ito at pinagpatuloy na ang pagwawalis. Bumalik naman ako ng kwarto upang makapagpalit na ng damit.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ng babaeng yon pero malaki talaga ang pasasalamat ko dahil naging kaibigan ko siya.
Mabuhay ka, Lesley!
Nang makapag-ayos na ako ay pumunta akong cr. Ni-lock ko muna ang pinto bago humarap sa salamin. Bumalik na sa pagiging puti ang buhok ko ngunit hindi talaga nagbago ang kulay ng aking mga mata.
Brown parin.
Napansin ko rin ang pagputi ng balat ko. Hindi ko alam na may mas-ikakaputi pa pala ang skin tone ko.
Humingang malalim na lamang ako at pumikit.
Pumasok ka sa isip mo.
Pumasok ka sa isip mo.
Pumasok ka sa isip mo.
Naghintay ako ng ilang segundo at muling dumilat. Pero nadismaya nalang ako nang makitang ako'y nasa cr parin.
Paano nga ba ulit ako nakapasok sa utak ko?
Napaisip ako sandali at inalala ang mga nangyari kagabi.
"Aha!" Ang tanging kong nasabi at napaharap sa salamin. Base sa pagkaka-alala ko, napasok ko ang aking utak gamit ang salamin.
Pero teka... akala ko ang sabi ni ateng kamukha ko, ginamit niya ang kapangyarihan niya para makuha ang malay ko papunta sa ulo ko?
Eh bakit hinila niya ako papasok sa salamin? Don't tell me...
"She uses mirror magic?" Di makapaniwalang sabi ko.
Pero mabilis ding nabura ang konklusyon ko at natawa nalang sa inisip.
"Porke sinabihan kang may mga bampira at demonyong namumuhay, naniwala ka na sa mga mahika-mahika na yan, Alice?" Napailing nalang ako at lumabas ng cr.
Feeling ko tuloy, nagbabalik bata ako dahil sa aking mga sinasabi.
Magic? pfft.
Paupo na sana ako sa kama nang mapaharap sa salamin. Napabugha nalang ako ng hangin habang pinagmamasdan ang sarili roon.
BINABASA MO ANG
A Titan's Legend
FantasyI'm an ignorant person. I'm the girl who never wander how big the world is. I thought I'm a loser... but that's just what I thought. Because I'm special. And I belong to the race of the titans. I am the chosen one. Yet, I don't know who I rea...