CHAPTER 6

39 30 0
                                    

Alice's POV

"S-sino po pala kayo?"

Napalingon ako sa gawi ni Heather nang siya'y magtanong.

"Ali—"

"Ali?" Tumingin siya sakin para kumpirmahin kung tama ba ang kanyang pagkaka-rinig.

Mabilis naman akong napailing at siya na ang hinila ko.

"I mean, alika na. Paandar na ang barko kaya pumunta na tayo sa sarili nating mga kwarto." Pag-iiba ko ng usapan.

"Pero kuya, ano po bang pangalan niyo?" Pagpupumilit niya. Napakamot nalang ako ng ulo at nag isip-isip ng pangalan ng lalaki.

Ano bang pwede? James? Prince? Jefferson?

"Kuya?" Tinawag niya ulit ako kaya naman napasalita ako.

"S-steve. Steve ang pangalan ko." Napapikit nalang ako at bumuntong-hininga.

Oh, ayan na. Tandaan mong mabuti ang bago mong pangalan, ha Alice? Huwag nang magpaka-sira dyan at baka makahalata pa ang kasama mo.

Tumingin nalang ako sa kanya at ngumiti. Napa-ahh naman siya sakin at tumango-tango.

"Steve... okay! Ako po si Jane, nice to meet you!" Pagpapakilala niya. Hindi naman ako sumagot pero nagnod nalang ako.

"Anong room number mo?" Tanong ko.

Tumingin naman ito sa kanyang palad bago sumagot. "208 po." aniya.

Pasimpleng sinilip ko ang aking palad at nakakamanghang may lumabas nga na numero.

210.

Tinignan ko ang mga pintong nadadaanan namin.

108...

109...

Ginamit namin ang hagdanan nang hindi namin makita ang numero ng aming kwarto.

Pagkataas ay saka lang namin nakita ang aming mga silid. Magkatabi ang kwarto namin ni Heather dahil alternate ang istraktura ng barko.

208 sa kanan, 209 sa kaliwa, at 210 ulit sa kanan.

Nangunot pa ang noo ko nang maalalang magkasabay lang naman kaming pumasok ng barko ni Heather. Diba dapat 209 ako?

Nagkibit balikat na lang ako at ipinasawalang bahala na lamang.

Nauna ng pumasok ng kwarto si Heather at muli pang nagpasalamat kaya naman nginitian ko nalang siya.

Pagpasok ko ng kwarto, ay talagang namangha ako sa laki. May isang kama sa loob, sa kaliwa naman ay may pinto. Papuntang banyo 'ata yon. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang isang pakete ng mga pagkain sa gilid ng lamesa.

Aba, hindi naman nila siguro sinabing maninirahan na ako dito ano?

Sinara ko na ang pinto at sumalampa agad sa kama.

Ganito ba talaga kalaki ang isang kwarto kada barko? Ahh... oo nga pala, gawa ito sa mahika.

Tumingin ako sa aking relo ngunit napagtantong nakahinto lang ito. Siguro ay hindi ito gumagana dahil baka magkaiba ang oras ng aking mundo kumpara sa kabila.

Tinanggal ko nalang ito sa aking kamay at inilagay sa bag ko. Humarap ako sa kisame at sandaling nagmuni-muni.

Hindi pa sumisilay ang araw ngunit marami nang mga pangyayaring naganap.

Ang libro, si kuya, at si Heather.

Napakagat labi pa ako nang maalala ang sinabi sakin ni kuya kanina.

A Titan's LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon