CHAPTER 5

39 31 0
                                    

Alice's POV

"BAKIT AKO NAGING LALAKI?!?" Nagh-hysterical kong sigaw.

Napatakip naman ako ng bibig at mahinang sinampal ang sarili.

Mabilis akong tumayo at sinilip sa baba si mama pero nakita kong humihilik pa ito. Napanatag naman ang aking loob at muling bumalik sa kwarto.

Isinara ko ang pinto at humarap sa salamin.

Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita. Naging lalaki nga talaga ako!

Umitim ang aking buhok ngunit maikli na ito at kasing laki na ng panglalaki kumpara sa dati kong mahabang buhok.

Naging moreno ang aking balat at talagang lumaki ang aking katawan. Nagtalon-talon pa ako at inikot ang katawan.

Hindi nga?!

Napaupo ako sa kama at tinignan ang mga kamay. Saka naman nadako ang aking paningin sa gitna ng aking hita. Hindi kaya...

Dahan-dahan kong binuklat ang aking jagger pants at sinilip ang loob. Namula naman ako sa nakita at mabilis na tinakpan ito. Kumuha ako ng unan sa gilid at pinantakip sa mukha ko saka nagpagulong-gulong sa kama.

Shoot. Hindi na virgin ang mga mata ko!

Napakagat pa ko sa unan at impit na tumili. Kinilig-kilig pa ako sa nakita pero mabilis din akong napahinto at umiling.

Ano ba, Alice. Ang landi mo.

Napatulala pa ko sa kisame ngunit mabilis akong napatayo at tinignan ang oras sa aking phone.

11:45pm.

Hala! Baka iwanan na ako nung barko!

Isinukbit ko ulit ang aking bag sa balikat at tinignan ang sarili sa salamin.

Paano nga ba ako makakabalik sa dati kong anyo? Sandaling nakaramdam ako ng kaba ngunit napailing ako sa naisip.

Hindi naman siguro ako papainumin ni ateng kamukha ko ng ganoong bagay kung hindi naman ako makakabalik sa dati kong anyo.

At isa pa, mundo iyon ng mga mahika. Malamang may mga potion doon na kagaya ng pinainom sa'kin ni ate.

Inayos ko ang aking buhok sa harapan at medyo iginilid. Hindi ako sanay ng may bangs pero na-cutan ako sa aking buhok.

Para tuloy akong kasali sa isang kpop group.

Hinangaan ko pa ang sarili kong mukha nang mahagip ng mga mata ko ang isang libro na nakapatong sa lamesa.

Kinuha ko iyon at tinignan ang cover.

'The Propechy of One T.I.SD.ale - WHO: Vol = 31247590.'

Wala naman akong maalala na binili ko 'to ah? Bukod sa weird nitong title, halatang pinaglumaan na ito dahil sa madumi pa ang cover at sira-sira na. Nagkibit balikat nalang ako at inilagay ito sa loob ng aking bag.

Mas okay nang may pagkaabalahan ako habang nasa biyahe.

Tuluyan na akong lumabas ng kwarto at pumunta sa sala kung saan natutulog si mama. Mahimbing parin ang tulog nito habang nakayakap sa kanyang makapal na kumot.

Ngumiti nalang ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Babalikan kita mama, pangako."

Tahimik kong tinahak ang daan papalabas. Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay hanggang sa makaabot ako sa gate ng aming bahay.

Dahan-dahan kong pinihit ang gate at nang tuluyan na akong makalabas ng bahay ay naglakad agad ako papuntang park.

Hindi ko dinala ang aking phone kaya naman tumingin nalang ako sa aking relo. 11:54pm.

A Titan's LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon