"5 mins. na lang Ta.....do...." Patulog na sana ulit ako nang biglang nakasinghot ako ng animal poop at may humatak sa likod ng t-shirt ko.
"Kyaaaaa!!" Napaupo ako sa kama ko at napatingin sa kamay niya. Wala namang tae, at malaki-laki rin ang distansya ni Tado sa kama ko. @_@.
"Anyare sayo? wala pa nga akong ginagawa nageexplode ka na"
"Pero kasi, akala ko...." Haaayyyy... ano ba to? masyado na siguro akong nasanay kaya't nakatatak na saking utak ang amoy ng tae. Letche. Parang totoo kasi. Panaginip lang ba yun? Bakit parang amoy na amoy ko?
"Siya nga pala, hindi ka nakapag almusal kahapon kaya't tinapon ko na yung pagkain, panis na kasi yun."
Pagkatapos ay pumunta na siya sa kusina. Sa kabila kasi ng pambibwiset sa akin ni Tado, caring din naman siya at palagi niya akong pinaglulutuan ng almusal. Sa lunch naman, bumibili lang ako ng pagkain sa canteen at magkasama pa din kaming kumakain. Minsan kasama si Amy at mga kaibigan nito pero kadalasan, kami lang talagang dalawa. Sa dinner, magkasama din kaming kumain. Siya kasi ang chef ko dito na libre lang. Siya rin ang naggogrocery para sa ref ko tutal dito rin naman siya kumakain kaya't ginagamit din niya ang sarili niyang pera. Only child din yang si Tado kaya't spoiled ng parents niya pero kahit ganun, hindi pa rin siya yung bratty type. Buti na nga lang at nagdate sila ni Amy kagabi kaya't hindi ko na kinailangang mag-explain kung bakit namumula ako. Bad news lang kasi ako ang nagluto. Hindi ko na lang kinain, ayaw ko mang umamin eh aamin na ako. Mukhang poisonous yung niluto ko, paano ko yun makakain!? Lecheee talaga!! Pshh... San niya ba kasi nakuha ang galing niya sa pagluluto? Naligo na ako at nagbihis at tsaka umupo sa dining room. Oh diba? payag nga ang bahay pero hindi to nagkulang sa kagamitan. "Nagdinner ka ba kagabi?" tanong niya habang hawak-hawak ang nagniningning na kutsilyo.
*gulp* kung sasabihin kong hindi, siguradong nasa headlines na ako ng dyaryo bukas : Babae 15, patay. Pinagsasaksak ng kababata niya!
*gulp ulit* Tumingin siya sa direksyon ko. Napansin niya siguro na tumahimik ako.
"Ah... oo Tado, nagdinner ako" *smile*. Wala namang masama sa white lies dba?
*swak* hinampas niya ang kutsilyo sa mesa. ⊙_⊙ .
"Talaga? ano ulam mo?"
"Ah... eh... Secret!"
*swak*
hinampas niya ulit ito sa mesa. (*゚ー゚). Nahalata na niya! Ang ginawa ko na lang ay pumikit >_< at naghintay. Akala ko sasaksakin na niya ako sa oras na yun at sisigawan ng kung ano-ano kaya naghintay lang ako nang naghintay. Nakapikit pa rin ang mga mata ko at naghihintay.... hintay.... hintay....hintay... 5 mins. na ata at wala pa siyang ginagawa? Binuksan ko ang kaliwang mata ko at nakitang nasa stove na pala ulit siya at nagluluto. Nakakapanibago naman. Pero magandang improvement na rin yun! Yipeeee!! Ang ginawa ko, ni-hug ko na lang siya ng soooobrang higpiitt sa likod.
"Yipee! Hindi ka galit?"
"Ikaw lang naman kasi ang inaalaala ko. Alam mo namang madali kang himatayin diba?" Kalmado lang siya at nagtataka't naninibago na talaga ako to the highest level. Pinakawalan ko siya sa bear hug ko at tiningnan ang mga mata niyang focus na focus sa pagluluto.
*ting*
:O
" Di kaya't nilagyan mo ng lason yan at nakokonsensya ka kaya mabait ka sa akin ngayon Tado?" Wrong move
Tiningnan niya ako na parang *_* .
"AH GANON!? HOY JASMINE KUMAIN KA MAG-ISA MO! KUNG MAY LASON NGA TO, MAMATAY KA SANA!"
+_+
Pagkatapos niya akong sigawan, kumuha siya ng plato at nilagay niya dun ang scrambled eggs with mushrooms. Nilapag niya sa mesa at umalis na. Hindi na siya nag almusal. 〒_〒 Bakit ko pa ba kasi sinabi yun? Haaayyyy. Concerned lang naman sakin yung etchuserang palakang yun. Tsss. Makakain na nga lang.
BINABASA MO ANG
Two Boys, One Potato
Teen FictionAng love parang charade. Clue dito, clue doon. Kung mahal mo ako, bakit pinapakita mo na hate mo ako? At kung hate mo naman ako, bakit pinapakita mong mahal mo ako? Tss. Andrama ko na. Letsi. Oh well. I'm just a potato. Neither cool nor boring. Neit...