*Klik* Tunog ng kamera pagkalabas ko ng bahay.
"Hoy damo, ano ba yan?! Mukha akong zombie dyan oh! " Pagtataray ko.
"Very good Ms. Rodriguez! You are truly intelligent! " Sarcastic na sagot niya.
"(-_-) Ano na naman ba ang gusto mong mangyare!? "
"Yung sa obituary kasi wala pa tayong picture eh kaya't napag-isipan kong humanap at nahanap ko yung perfect piece pagkalabas na pagkalabas mo" pa-inosente niya pang sinabi.
Bwisiiiittt! Pasalamat na lang ako kasi nga't Sabado na. Hindi ko na siya kelangang makita pa bukas. Paalis na sana ako nang biglang-- ⊙_⊙
Ehmegeed! may nakita akong sobrang gwapo na bersyon ni Tado!
si Tado nga! pero sobrang gwapo niya! as in! With jet black hair and brown eyes, pinormahan niya pa ng ka echosan ang sarili niya ng black leather jacket and nude colored skinny jeans with combat shoes.
*tulo laway* "Jas, wag niyo naman akong kalimutan. Ako yung pangatlong member sa Beauty and The Beast" Hirit niya habang pasimpleng lumalapit sa akin at hinila bigla ang kamay ko "Tara na" ang sabi niya.
^ω^ "Go Lets Tadooo!! " Ang sigaw ko naman.
"Amp, ano to? Fairytale?! Ang Kokorny niyo pareho" , Pang-iinterupt ni Chrono.
Bigla namang kinuha ni Chrono ang kabilang kamay ko sabay sabing "Tara na" at ngumiti pa.
"Bitawan mo nga si Jasmine Chrono! "
"Bakit sayo ba siya? Eh mas gwapo pa nga ako sayo eh!"
"Yabang mo ah! show off nga tayo!"
"Sige ba! "
"One-on-one Basket ball, Chrono wala nang ayawan!"
Ano to?! Away bata at ako pa talaga ang sa gitna!?
"Hoy mga Tae! Ayusin niyo nga may kelangan pa tayong ayusin"
"Wag kang mag alala Jas, natapos ko na ang Obituary ni Chroniee Vilanuevee", Pang aasar ni Tado.
"Hahaha, ano ba yan Bean!? Tsk tsk, next time kasi pag gumawa ka ng obituary, komunsulta ka sa EXPERT! Like me ba!? "
"Boys boys boys! Kung hindi pa talaga kayo tumahimik makakatikim kayo ng Taeng binudburan ng asiiinnnn!! " Sigaw ko.
Sila : \( ˆoˆ)/\(ˆoˆ )/
*clap* Nag apir sila sa isa't isa
"Parang masaya ata yan ah! " sabay nilang sinabi. ⊙_⊙
"Mga tanga, magsialisan nga kayo dito! "
(╯3╰) At silaaa pa talaga ang nakasama ko. Haixtt Pisti! Nauna na lang akong lumakad sa kanila at pumara na ng taxi.
"Taxi!? Ang cheap naman! " Hirit ni Chrono.
Kumuha siya ng Cp niya at tsaka nagdial sabay sabing, "yes, I need it NOW" at wala pang isang minuto ay dumating na ang isang pulang Ferrari na ubod ng ganda.
"Pshh. Pasikat mo pre! " Hindi nagpatalo tong si Tado. Kumuha din siya ng Cp niya at tsaka may pinindot na button. Hindi na siya nag call pero may dumating na isang Black Mercedes Benz na halatang pinakabagong product nila. Huwaaaw! :O .
"Hinahamon mo ba talaga ako Mr. Bean? "
"Hahaha! pinagsasabi mo Chrono?! Halata namang ako ang panalo sa puso ni Jasmine eh! "
*silence*
⊙_⊙ ---- ako
⊙_⊙ ----- Chrono
.⊙_⊙ ----- Tado.
Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Tado.
"Paki - ulit nga Tado, Ano yung sinabi mo? " Pagtatanong ko.
"Hoy Mr. Bean! Sayo na yang Tokwang yan! Sino ba may sabi sayo na gusto ko siya, ha!?
" >_< Ano ba tooo? "Ah, so wala ka palang gusto sa kaniya? Better. Mas mabuting dito ka na lang kasi magdedate pa kami" Kinuha ni Tado ang kamay ko at naramdamang kong uminit ang magkabila kong pisngi ⁄(⁄ ⁄•⁄ω⁄•⁄ ⁄)⁄ . Nang hinila ni Tado ang kamay ko, napatingin ako kay Chrono. Nagkatinginan kami pero tahimik lang siya at agad na umiwas sa akin. Maya-maya lang nakarating na kami ni Tado sa Mercedes Benz niya at binuksan ang pintuan para sakin. Nag gesture siya na pumasok na ako sa loob. Nakakapanibago siya. Tiningnan ko Si Tado sa kaniyang mga mata at napaisip: Si Tado pa rin ba to? Yung loko kong pare koy na mahilig sa tae? Habang nag-iisip pa ako, nilapit ni Tado ang kaniyang mukha at nilapit sa taenga ko sabay bulong, "Huwag kang mag-isip ng mali. Hindi kita gusto Jas, mahal na kita" ⊙_⊙ *gulp*. Pagkatapos ay tinitigan niya ako para siguro makita ang reaksyon ko sa sinabi niya.
*Pokerface* ---- Ako
-_-# ------ Siya
Letsii. "Bagong trip mo naman ba to Tado? " pagtatanong ko.
"ANO?! WAG MONG SABIHIN PATI ANG SINABI KO HINDI MO PINANINIWALAAN!? " Ay? nagalet ata ≧∇≦ .
"Sigee na! Papasok na lang ako! " Papasok na sana ako nang may naramdaman akong humawak sa kabilang braso ko na pumipigil para makapasok ako. Tiningnan ko kung sino ang humawak sa braso ko. Chrono.
"Hindi kita hinahawakan dahil gusto ko, amp! Huwag kang umasa Tokwa! ayoko lang talaga na masayang ang oras mo sa walang kwentang tao tulad niya kaya... " tumingin siya kay Tado "... tinatanggap ko na ang hamon mo sa basketball! ". Nag smirk si Chrono at nag-deal silang dalawa.
"Ang mananalo ang siyang makakuha ng premyo" Premyo?! ⊙_⊙ "Pagkain ba ang Premyo niy---"Rawr. Raaawrr. Rawoorrr, Hirit ng tyan ko. Tumingin sila pareho sakin at gumanito oh: -_-||.
"Patay-gutom ka talaga Tokwa! " Hirit ni Chrono.
"Eh, sa nagugutom ako eh! Ano naman sayo? "
"Halika, pasok muna tayo sa loob, ipagluluto kita" Casual na sinambit ni Tado. Wala na akong narining na humirit pa kasi pumasok na ako sa loob. Duh, alangan naman maririnig ko pa yun dba? nasa labas pa kaya sila, ano yun Power Rangers?! Umupo na ako sa dining table at excited na hinintay na makapasok si Tado kasi nga namiss ko na ang mga luto niya. Pumasok si Tado at tumuloy agad sa kusina. Yipee! Pero parang binagsakan naman ulit ako ng takot nang makita kong sumunod sa kusina si Chrono. ⊙_⊙
Bago pa siya pumasok, humirit na ako ng tanong sa kaniya, "Hoy Damo! naliligaw ka ata? Kusina yan hindi CR! "
"Pshh. Alam ko! "
"Oh, ba't di ka pa lumiliko? "
"IPAGLULUTO KITA! OH ANO? MASAYA KA NA?!
To be continued...
BINABASA MO ANG
Two Boys, One Potato
Teen FictionAng love parang charade. Clue dito, clue doon. Kung mahal mo ako, bakit pinapakita mo na hate mo ako? At kung hate mo naman ako, bakit pinapakita mong mahal mo ako? Tss. Andrama ko na. Letsi. Oh well. I'm just a potato. Neither cool nor boring. Neit...