"... Permission to stay in this University".
"Tsk, wala naman akong magagawa kung pinagpipilian sa ating dalawa ang itatransfer eh pero if that's the prize you dare, so be it".
_Jasmine's POV_
Matapos kong kumain, agad akong lumakad papunta sa RFU. Tumungo agad ako sa basketball court at malayo pa ay nakakarinig na ako ng bolang nagbabounce against sa sahig ng court. Pumasok ako at nakitang hapong hapo na silang dalawa. Tumingin ako sa score board at nakitang mas nalamangan ni Tado si Chrono ng one point. Patuloy pa sila sa paglalaro at inagaw naman ni Chrono ang bola at gumawa ng Three-points shot. Ngayon nalamangan naman ni Chrono si Tado. Mahigpit ang laban nila.
Ano kaya ang prize? Ba't parang magpapatayan talaga sila para dito? Umupo ako dun sa bleachers at pinanood sila. Pareho sila ng expression. Pareho silang desperate at focused, ni hindi man lang nga nilang namalayan na dumating na ako sa sobrang focus nila. Sa tingin ko pagkain tong premyo '(*∩_∩*)′ ho ho ho. Im such a Geniuusss! Mukhang matagal pa to. Madali kasi akong maantok kapag sports ang pinapanood. Makahiga na nga muna sa bleachers. Pipikit ako pero hindi ako matutulog! Praamis! ^o^ . Humiga ako sa bleachers at pumikit. Maginaw dito pero okay lang, keribels ko to! 5 mins. lang naman na pikit ee. Agad din akong mumulat! Praamis!
-----------------------------------------------------------------------
Naramdaman kong may lumatag ng tuwalya sa akin kaya nakaramdam ako ng relief. Anlamig kaya!
"Pano ba yan, you lost the match. We started and ended fair so kailangan mong sumunod sa usapan", dinig ko. Mukhang nag uusap sina Chrono at Tado. Nakatulog ba ako nang matagal?
"... Sorry pero kailangan mong magsakripisyo" sakripisyo? Ayokong imulat ang mga mata ko. Mukha kasing seryoso tong usapan nila.
"Mag -usap tayo sa labas. Please. "
*swoosh* Rinig ko nang bumukas ang pintuan at narinig ko rin ang mga footsteps nila na tila bang lumalabas na sa court peri hindi ko narinig na sinara nila ang pintuan. Medyo malayo na siguro sila kaya unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Kaninong tuwalya kaya to? Napatingin ako sa dulo ng tuwalya at may nakaburdang initials : CH. V baka kay Chrono. Inamoy ko ito. Hmmm. Maamoy mo ang bango ng lavender sa tuwalya niya at halatang hindi niya ito ginamit. Pinahiram niya lang sa aking nang hindi nagagamit? Ano yun Katangahan? Pano naman yung pawis niya? Ano ba naman yan?! Haistt. Lumabas ako ng court kung saan ko huling narinig ang mga footsteps nila. Nang makalabas na ako, nakita kong nag shake-hands silang dalawa. Napatingin sa akin si Chrono. Halatang nagulat siya. Tumalikod naman si Tado at kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat pero agad naman itong napalitan ng ngiti.
"O andito ka na pala Jas! Tapos ka na bang magpahinga? Napasarap ka ata sa kakakain eh! Ang baboy baboy mo talaga! " pang-aasar niya.
-_- " Eh ano naman sayo kung baboy ako? "
"Hala ka Tado, ginalit mo siya! Hahahaha" Hirit ni Tado mismo. Pshh sinsayang lang ni Tado ang laway ko. Napatingin ako kay Chrono.
"Tinitingin tingin mo!? " cold siya. Sobrang cold niya ngayon. Napanganga lang ako.
"Ahh.. Wala. Tatanungin ko sana kung sino yung nanalo sa--"
"Sa challenge ba? Ano naman sayo?! For your information Ms Rodriguez, it's none of your petty business", pang iinterupt ni Chrono.
Ms Rodriguez? Petty business? "Chrono, nagtatanong lang naman ako dba? Bakit ba ganon ka, ha!? May nagawa na naman ba akong mali sayo?! Sabihin mo nga sakin! " Hindi siya yumuko, tinitigan niya ako diretso sa aking mga mata. Nakakatakot siya. Hindi ko siya kilala. Hindi ito ang Chrono na kilala ko.
BINABASA MO ANG
Two Boys, One Potato
Teen FictionAng love parang charade. Clue dito, clue doon. Kung mahal mo ako, bakit pinapakita mo na hate mo ako? At kung hate mo naman ako, bakit pinapakita mong mahal mo ako? Tss. Andrama ko na. Letsi. Oh well. I'm just a potato. Neither cool nor boring. Neit...