_Jasmine's POV_
*knock knock*
"Tita, si Jasmine po to" Mahinang pagsigaw ko.
"Jasmine!? Oh sige. Pasok ka na dito", pagsagot niya.
Kahit boses niya pa lang, halatang nasiyahan talaga siya na makikita niya ako. Binuksan ko na ang pintuan at hindi ko pa na process sa utak ko ang mga nangyari ay nakahug na pala sakin si Tita Lyn.
"Haay bata ka! Namiss kita nang sobra sobraaa! " sa sobrang higpit ng hug niya aakalain mong mamatay na talaga ako. Hindi sa hug ha! Hindi ako ganun kalupit. Sa amoy niya. Kyaaa! ╥﹏╥
"Tita.. I missed you too.. P.. Pero.. Naligo ka ba??" Napahinto sa paghug si tita Lyn at napaisip. "Parang... Hindi pa ata eh. Oo nga no. Makaligo na nga muna! "
"Tita wag! "
"Anong wag? Maliligo lang ako no! Batang to"
"Tita naman eh! May pabitin effect pa kayong nelelemen! Lagyan lang ng perfume okay na yan! I need to know kung ano ang sasabihin mo. Pulees? "
"Yuck. Diri mong bruhang ka. +_+"
"≧∇≦TITAA! "
Afterwards:
"So ganito kasi yun. I want you to finally live with us. Hindi ko kasing mapigilang nag alala sa kaligtasan mo eh. Nandun nga si Tado pero hindi naman 24/7 nakabantay yun sayo at nag aalala din kami para sa kaniya", pag eexplain niya.
"Pero yung lugar kasi na yun mahalaga sakin eh. Yun na lang yung tanging natira sa lahat na kayamanan nina Mommy't Daddy"
"Andiyan parin naman yan eh. Pero dito, safe ka. Hindi yung araw araw nag aala Katniss Everdeen ka dun sa survival skills mo"
"Tita, matagal na yun. At tsaka, ayoko naman nakasagabal dito" , pagrereason out ko.
"Hindi ka naman sag--"
Alam kong pag pinatapos ko siya sa sasabihin niya, patitirahin na niya ako dito. De joke lang. Tinatamad lang kasi akong magtype. Ayaw niyo yun!? Andrama kaya. Daming echoss. Gusto niyo may luha pa? Mga readers na to. Syadong demanding. Hayyy
*going back
Natapos na kaming mag argue ni Tita Lyn. Survive! Buti na lang naconvince ko pa siya. Lumalakad lakad lang ako hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa living room nila. Malaki din ang living room nina Tads eh. Mayroong garden sa labas gamit ang sliding door, mga ornaments at sa loob naman, ang tiles ay nacocover ng maroon colored carpet at mayroon itong dalawang glass chandelier sa bawat section kasi nahati ito sa dalawang section. Yung isang section, may mga China cabinet at mga antique na babasagin at isang Piano set at ang pangalawang section ang main section talaga kasi nandito yung white sofa at flatscreen TV. Nakita ko si Tado nakaupo sa Piano ng lolo niya. Matagal tagal na din itong hindi nagagamit. Si Paren Tads kasi hindi naman mahilig sa instruments eh. Wala kahit isa sa pamilya niya ang mahilig tumugtog ng piano. Naalala ko pa nun, palagi akong tinuturuan nung Lolo niya kasi nasisiyahan ako kapag tumutogtog nun. Meron din kaming Piano dati. Pero mula kasi nung namatay sina Mommy, mas pinili kong mawala lahat na nagpapaalala sakin tungkol sa kanila. Nang tumira ako kina papa naman, ai! Sila pala yung isa sa mga bestfriend nina mommy at daddy. Kasama si Tita Lyn. Pero dun ko na lang piniling tumira. Mayaman kasi sila Tads eh. Marami akong naalala. Similar kasi ang mommy niya sa mommy ko at nalulungkot naman ako tuwing magkasama si silang mag ama ni Tito Jeph. Kaya mas pinili ko na lang kina papa't mama. Wala kasi silang anak at welcome naman daw ako. Kaya hayun. Pero bumuklid din naman ako nung 15 na ako kasi nga gusto kong puntahan ang tanging yaman na hindi ko pinabayaan. Yun yung lupa na tinitirhan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Two Boys, One Potato
Novela JuvenilAng love parang charade. Clue dito, clue doon. Kung mahal mo ako, bakit pinapakita mo na hate mo ako? At kung hate mo naman ako, bakit pinapakita mong mahal mo ako? Tss. Andrama ko na. Letsi. Oh well. I'm just a potato. Neither cool nor boring. Neit...