Chapter 9

4 0 0
                                    

. ' Walang nurse dito. Binayaran ko para mag off. But don't worry honey, babalik siya. After she dies that is ' .

 (0_0) Andrama pala ng Amy na to? Hahaha! Daig pa si Maja Salvador sa husay. Bravooo—Sandali

... AFTER SHE DIES?!

She..

She..

She..

She..

She..

Sinong she?! She Dean? Ahahaha! Hirap talaga ng buhay. #GwapoProblems Ahahahah!

Author : wow tado! Your mind... it's so brilliant! So amazing! So..

Tado:So?

Author: So..

Stupid -_-

*Going back

_Tado's POV_

Binuksan ko na ang pintuan at nilagay ang note sa bulsa ko. Mukhang wala pa rin ang nurse. Anu ba to. Ako na nga lang ang gagawa. Binuksan ko ang cupboards at kinuha ang mga kinailangang gamit. Nilinisan ko na muna yung sugat niya tsaka ko nilagyan ng Puvidone Iodine at nilapatan ng gauze pad. Medyo natagalan ako sa paggawa ng first aid at hindi ko namalayan ang oras. Tumingin ako sa relo ko at nakitang 6:30 na pala. Pano na to? Maya maya pauuwiin na kami ng guard. Nakaramdam na nga ako.ng pagod pero hindi naman pwedeng matulog dito si BABE ko. Buhatin ko kaya siya at pasakayin sa sasakyan ko? Pero hindi naman siya pwedeng iwan dun sa bahay nila. Mag isa lang siya dun. Natatakot kasi akong habulin siya ng Ex ko at baka patayin na talaga siya ng tuluyan. Hayy nakoo! Susmeyow! Nakakastress talaga si Amy!

Lumapit ako kay Jasmine. Tinitigan ko siya. Tulog mantika talaga to kahit kelan! Kaya nga madali akong nakakapasok sa kwarto niya at nalalagyan ng animal poop yung likod niya eh. Hindi kasi alert. Pero yun din yung dahilan kung bakit palagi ako nandun. Natatakot kasi ako na baka isang araw, pagdating ko dun, wala na siya at nag iisa na lang ako.

Dun na lang muna siya sa bahay. Tutal kilala naman siya nina mama't papa eh. Kinuha ko ang kamay niya *smooch at hinalikan ito. Nakoo. Nakakapagod talaga lahat ng commotion na to. Ingat ko siyang binuhat at pinasakay sa kotse. Nang dumating sa bahay, sinalubong kaagad ako ni Mama.

 "Si Jasmine ba yan?! Oh?! Ano nangyari dyan?" Pagtatanong niya na may halong pagaalala.

 Kilala na nila si Jasmine kasi nga kababata ko siya. Magkakilala din yung parents namin noon. I mean, yung totoong parents niya. Gusto sana i adopt nina mama si Jasmine nun kasi nga napalapit na din yung loob nila sa kaniya kaya lang agad naman siyang kinuha ng best friend nung parents niya. Mabuti naman yung turing nila kaya mayaman talaga yang babaeng yan. Kaya lang, matigas ang ulo eh. Mas pinili pa niyang maging independent at kinuha yung lupang nakalaan sa kaniya at nagpatayo ng payag. Hinayaan naman siya pero nag aalala parin sila sa kaniya. Nung una nga nagpapadala sila ng bodyguard at nurse dahil sa takot nila na balikan siya pero nang malaman to ni Jasmine, nagalit siya kaya hindi na nila pinagpatuloy ang pag hire sa kanila. Alam kong hindi marunong magluto si Jasmine kaya hayun, nag ala katniss na ako ng hungaa geyms at nagvolunteer para ipagluto siya. Noon, in denial pa ako kasi ayokong aminin na inlababesh aketch. Pero ngayon, pumuti man ang uwak at bumerde ang buwan, aalagaan ko siya -- hanggang kamatayan. Echoss. De joke. Totoo yun no! Ako bahala sa kaniya. Bakit ka mo? Papaano.. siya na kasi ngayon ang buong mundo ko.

"Ma, I'll explain later. Hindi ko kasi maiwan sa bahay nito eh. Mag isa lang siya dun. Mas maaalagaan siya dito"

Two Boys, One PotatoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon