June 30
*4th week of class*
Habang naglalakad, maraming nagpapapicture sa akin sa beach.
"Miss, pwede bang magpapicture kasama ka?"
"Syempre naman",ang palagi kong sagot. Ngiti dito, ngiti doon. Ito ang buhay ko. Nang biglang tumaas ang alon sa dagat at kinain ang buong beach!
Kyaaaaaaaa!! *Splash* •_• . Ang lamiiiig!! Panaginip!? anu ba to? bakit may black na likido sa shirt ko?
"Wahahaha",may narinig akong pamilyar na boses ng lalaking tumatawa habang hawak-hawak ang isang litro na bote ng Coca- cola na walang laman.
"Tadoooooo!!" Pagsigaw ko sa kaniya.
Walangyang Tado. Binasa ba naman ako ng Coca- Cola! hindi basta tubig ha! Coca-cola pa talaga.
"Hahaha! ayaw mong gumising eh, may pangiti-ngiti ka pang nalalaman diyan!"
"Hoy! Kung magfefeel at home ka dito sa payag ko, Aba! Respetuhin mo ang diyosa dito!"
Hindi ko na siya hinintay na makasagot. Naging alarm clock ko na yun simula pa nung first year pero nakakadiri lang talaga ang pampagising nun. Buti nga lang coke lang ang nakuha ko ngayon. Mayroon kasing ipis ilalagay niya dun sa likod ko, at assorted varieties of animal poop. Sabi ko nga, tae talaga way niya, as in LITERAL. Nagpagawa kasi siya ng spare key para sa kanya, incase of emergency daw. Ang alam ko, incase of emerbwiset lang naman ang gamit niya dun. Naligo na ako at nagbihis papunta sa Ruiz Foundation University. Paa ang aking mahiwagang sasakyan dahil nga nagtitipid ako ng pera. Nakapasok lang naman ako sa "diamond school " na to dahil sa offers basta bright ka. Mabuti siguro magpart-time ako sa isang restaurant. Tutal marunong naman ako tumugtog ng piano. Malaki-laki naman ang kikitain ko at maisasabay ko din naman ito sa pag-aaral ko. Magagam--Aray!
"Ano ba!? Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo", Hirit niya.
"Tae! marami akong iniisip eh! Bakit kala mo mapeperahan kita!?"
Palakang nakasakay sa maputing kabayo ang gwapo niyaaaa!! mapeperahan ko nga ang tangang to.
"At sumagot ka pa talaga!?" .
"Well, what's the use of my mouth diba? malay mo, ginawa to para bwisitin ka!" .
"Sh** ka! alis ka nga!"
"Yes, you're highness" at pabiro akong yumuko para mas i-mock pa siya.
Sabay kaming naglakad papalayo sa isa't isa. Ano ba yun? tanga na nga suplado pa. All in one ng mga tae ni Tado ah. Nakakadiri na talaga ako. Tsss. Binuksan ko na ang pinto ng karunungan at umupo na sa trono ko. Choss. Walang bumabati sa akin nang Good Morning kasi nga hindi naman ako sikat at pangalan ko lang ang gumanda sakin.
"Good Morning Jasmine!" Pagbati ni Tado.
nakalimutan ko si Tey-do. Friends pala kami. -_-
"Yo Pare Koy!"
"Narinig mo na ba ang rumors dito?" Pagtatanong niya sa akin.
"Anong rumors, Tado?"
* pak * Bigla niya na lang akong binatukan.
"Aray! Ano ba?"
"Slow mo kasi" pang snob niya sakin.
Paano ba, hindi naman ako hearthrob gaya ni Tado. Sikat siya at palaging updated. Ang pinagtataka ko lang kasi, sa dami ng babae niya, ni-isa wala pa siyang sineseryoso.
"May transfer student dito sa class section natin!" pamamalita niya.
"May aalis pala? Sino?"
* pak * Binatukan niya ulit ako.
BINABASA MO ANG
Two Boys, One Potato
Teen FictionAng love parang charade. Clue dito, clue doon. Kung mahal mo ako, bakit pinapakita mo na hate mo ako? At kung hate mo naman ako, bakit pinapakita mong mahal mo ako? Tss. Andrama ko na. Letsi. Oh well. I'm just a potato. Neither cool nor boring. Neit...