Chapter 3

3.9K 93 7
                                    

BELLE

flasback..

Nakisabay ako sa pagbati sa pamilyang Galvan habang nakayuko kaming mga kasambahay dito sa gilid at nakahilera.

Sobrang kabog pa rin ng dibdib dahil sa kaba, dahil sa aking nalaman na parang sinampal sa aking mukha.

Hindi pa ako handang mapaalis dito. Ayoko pang maging pulubi sa kalye! At higit sa lahat ay ayokong iwanan si Lilian sa ganoong sitwasyon sa mansyon ng mga Forrester!

Napakainosente pa naman ng bestfriend ko at hindi ko hahayaan na apihin siya doon ng mga bruhang babae doon!

Kung kailangan kung lumuhod sa harap ng Hernan na iyon ay gagawin ko! Alang alang sa'kin kinabukasan at kay Lilian.

Kahit nanggagalaiti pa rin ako sa galit sa ginawa nito doon sa loob ng silid na iyon. Hinagisan ka ba naman ng kutsilyo patalikod ay hindi ka magagalit?

"Hoy!" Napapitlag ako sa pagsiko sa'kin ni Yolly na kinatingin ko sa kanya.

"Ha?" Nakita kong may ngininguso siya kaya natingnan ko iyon.

Isang matangkad at sopistikadang babae na bumababa sa hagdan papunta dito sa hapag-kainan.

Nakasuot ito ng kulay maroon na bestida na hapit sa kurba ng katawan nito at hanggang hita ang tabas, litaw din sa v-neck style ang cleavage nito. Slim ang babae at may maiksing buhok na blonde. Nakamake-up at mapula ang mga labi habang sukbit sa braso nito ang mamahaling bag.

"Sino siya?" Mahina kong bulong kay Yolly, nakayuko pa rin kami.

"Asawa ni Sir Hernan!" Gulat, pagkaawang ng bibig at paglaki ng aking mga mata ang siyang bumalatay sa mukha ko, parang sinampal sa mukha ko ang aking narinig.

"A-asawa?!" Inulit ko pa talaga ang salita na may diin na agad kinasiko ni Yolly sa'kin.

"Hinaan mo nga ang boses mo!" Saglit itong nag-angat at napalinga sa paligid at ganoon din ako. Mabuti at walang may nakakapansin sa'min.

"Asawa ba 'yan ni sir Hernan?" Tumango tango si Yolly. Ako naman ay bumigat ang paghinga.

Nag-angat ako konti ng tingin at ganoon na lang ako natigilan ng makita ang paghalik ng babae sa labi noong si Hernan.

Napayuko agad ako ng akmang babaling sa'kin direksyon ang mukha ni sir Hernan.

"Hindi ka ba dito kakain, Iha?" Narinig ko ang boses ng ginang.

"I'm in a hurry, Mom. Sa office na lang siguro ako kakain. Honey, I'm going!" Narinig ko ang papalayong mga yapak ng heels ng babae palabas ng bahay.

"Iho, kailan niyo pa kami bibigyan ng mga apo? Matanda na kami ng Daddy mo at hanggang ngayon ay wala pang apo. One year na kayong nagsasama ni Tanya at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya buntis." Lumaki bigla ang tenga ko at maiging nakinig sa mga sinasabi ng ginang.

Para bang itneresado akong malaman ang tungkol kay Hernan at asawa nito.

"Mom, let's not talk about that in- front of this foods." Seryoso at pinalidad sa boses ni sir Hernan, nadismaya ako.

Tangina! He's already married at nakikipag— ayokong dugtunan dahil maling mali itong pumapasok sa kokote ko!

I'm not that kind of person, you know..

"Okay, okay." Tinig ng ginang.

"Son, are you going to meet Mr. De Leon?" Tinig iyon ng ginoo. Pati boses nito ay nakakaintimidate.

"Hm." Matipid na sagot na iyon ni sir Hernan, parang tamad.

"Be sure to get the deal with him. It's a big and important business to be closed."

"I know, Dad. You don't need to recall in me." May irita at suplado sa boses ni sir Hernan.

Nag-angat ako konti ng tingin at tiningnan ito pero ganoon na lang ang gulat ko ng makitang nakatitig na ito sa'kin, habang nakatap sa lamesa ang mga daliri nito!

Napayuko agad ako at napapikit.

Tangina! Nahuli pa ako. Baka isipin nitong chismosa ako!

Ano kayang iniisip ng lalaking iyon habang nakatitig sa'kin?

Kanina pa ba niya ako tinitingnan? Nahalata nitong nakikinig ako sa kanilang usapan?

Nakagat ko ng lihim ang aking dila. Tanga mo talaga, Belle!

"By the way, ikaw ba ang bagong kasambahay na ipinadala dito ni mega Elena?" Hindi ko alam kung ako ba o iba ang kinakausap ni ginang pero ng sikuhin ako ni Yolly ay agad akong nag-angat ng tingin.

Nakasalubong ko ang tingin ng ginang sa'kin, kinabahan ako pero agad akong napatango tango.

"O-opo, Ma'am! I'm Rosabelle Relos." Nauutal kong bigkas sa kaba.

"Gawin mo lang ng maayos ang trabaho mo ay walang problema." Seryosong saad ng ginang.

"Yes, Ma'am!" Tinantanan na ako nito kaya napahinga ako ng maluwag.

Dumako ang tingin ko kay sir Hernan at huli ko ang lihim nitong pagngisi habang sumisimsim ng kape niya.

Napairap ako ng lihim. Ano naman ang nginingisi ng lalaking iyon?

"Masungit si madam pero mabait naman iyon. Ganoon din si sir Herman." Bulong sa'kin ni Yolly na agad kong kinatango.

Mabuti naman kung mabait ang mga amo ko hindi katulad doon kay madam Elena na ubod ng sungit at masama pa ang ugali.

Matapos kumain ng pamilya Galvan ay kanya na din kaming ligpit ng kanilang pinagkainan.

Nagpupunas ako ng lamesa ng maramdaman kong may presensya sa likod ko kaya napalingon ako. Napakurap ako ng makitang nakatayo sa likod ko si sir Hernan.

Bigla rin ang pagragasa ng hindi maipaliwanag na tibok nitong puso ko.

Nakapameywang nakatunghay ito sa'kin habang magkasalikop ang mga braso sa dibdib, may ngisi sa kanyang labi na nakakaloko.

Nakatingala ako sapagkat matangkad ito sa'kin. Hanggang ilalim lang 'yata ng dibdib niya ang ulo ko. Naaamoy ko ang menthol nitong pabango na nanunuot ang halimuyak sa'kin ilong.

Matipuno na pangangatawan at tiyak akong madudurog ang mga buto ko kapag niwrestling nito. Kahit may laman naman ang katawan ko ay parang nanliit pa rin ako sa harap niya- ni sir Hernan.

Ano kaya ang pakiramdam na nasa mga bisig niya? Na nakakulong sa loob noong mga braso niya at nakahilig sa kanyang dibdib?

Tangina! Anong pumasok sa kokote ko at nasabi ko ang mga salitang iyon?!

I'm not here para pagpantasyahan ang  lalaking ito. Nandito ako para magtrabaho. Nandito ako bilang kasambahay at hindi bilang tagalandi ng may asawa na. May asawa na!

He's already taken and married! My gosh! Naunahan pa ako!

***
Please votes, comments and share. Thank you.

MAYAMBAY.

Mafia Affair Series #:2- I'm A Mafia MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon