Bell
It's been almost one month since Hernan visited me here. Mahigit isang buwan nadin akong naghihintay sa kanyang pagbabalik dito pero nabigo ako at maski text lang man sakin ay wala akong natanggap. Alam kong galit siya nung tumawag ako pero sana man lang ay kinamusta niya ako dito. Inalam kung ayos lang ba ang kalagayan ko o humihinga pa ako.
Ganun na ba talaga ang pagtingin niya sakin? Matapos makuha ang kanyang gusto ay wala na siyang pakialam? Ganun na ba talaga ako kababang babae?
Hindi ko namalayan tumulo muli ang aking mga luha habang niyayakap ang nag-iisang litrato niyang pinasadya ko pang lagyan ng picture frame. Ito ang litrato niyang yakap yakap ko kapag natutulog sa gabi. Hinahagkan at kinakausap at iniiyakan.
Kahit ganun na ang ginawa niya sakin ay mahal na mahal ko parin siya. Hindi ko rin kayang magtanim ng galit sa kanya.
I can handle the pain pero ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi ko kayang pigilan. Siya parin talaga ang tinitibok nito.
Pinahid ko ang mga luha at pinilit na bumangon upang maghanda ng aking tanghalian. Puting sando at jogging pants ang suot ko nang bumaba ako at nagtungo sa kusina. Itinali ko muna ang mahaba kong buhok bago naglabas ng mga sangkap sa gagawin kong afritada. Hindi naman ako nauubusan ng groceries dahil kada linggo ay may nagdadala ditong mga gorceries at personal kong gamit. Ang lahat ng iyon ay utos mula kay Hernan. Naalala din pala niya ako pero ang makipag-usap sakin ay hindi niya magawa. Idadahilan naman niya ang kanyang asawa.
Napabuga ako ng malalim. Tinapos ko na ang pagluto at kumain. Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasan alalahain ang mga nangyari noon kung paano nagsimula itong affair ko kay Hernan.
Lulan ako ng sasakyan maghahatid sakin sa bago kong pagsisilbihan. Nakaupo ako dito habang humihikbi at inaalala ang kalagayan ni Lilian. Umalis akong hindi nakapagpaalam sa kanya. Agaran kasi akong inilipat ni Mrs. Forrester sa ibang bahay na kakilala daw niya. Ang sama talaga ng ugali ang ina ni Senyorito Nicholas. Alam kong inilipat niya ako para wala nang kakampi si Lilian sa bahay na iyon. Para magawa nito ang gustong gawin kay Lilian na masama. Kasama ang ex-wife ni Senyorito Nicholas na ubod din ng sama ang budhi. Hindi lang pala sila Madame at Selena pati din pala sila Lucy na nagmana ng ugali sa dalawa. Dahil inggit din sila sa mga beauty namin ni Lilian. Kunsabagay, maganda naman talaga kami. Kawawa naman ang Bestfriend ko doon.
Napapahid ako ng aking mga luha ng pumasok na sa loob ng isang magara at malaking mansyon ang sasakyan. Hindi naman pala sobrang layo ang pagitan ng bahay nila Senyorito Nicholas dito. Madadalaw ko pala si Lilian. Malawak ang bakuran na napapaligiran ng mga iba't ibang halaman at mga namumulaklak. Moderno ang bahay at maganda ang pagkakadisenyo.
Binuksan ko ang pinto at agad na bumaba. Umalis nadin ang sasakyan na kinahinga ko ng malalim. Panibagong amo na naman ang paglilingkuran ko. Panibagong mga ugali at patakaran. Sana lang ay magtagal ako dito.
Muli akong napahinga ng malalim at akma na sanang lalakad ng may bumunggo sa likod ko na isang bagay. Napadaing ako dahil ang lakas ng tama nun sa likod ko. Marahas akong napalingon at nanlilisik ang mga matang sinamaan ng tingin ang isang matangkad na lalaking nakatalikod sakin habang nagjojoging at may hawak pa itong barbells sa magkabilang kamay.
"Hoy! Mister! Hindi mo ba nakikita ang dinadaanan mo? Nakakasakit ka ng iba!" Nakapameywang kong sita dito. Mukhang hindi nito narinig kaya marahas kong nakuha ang headset nito sa magkabilang tenga dahilan ng pagtigil nito at unti unting napaharap sakin. Agad akong natigilan ng mabungaran ang gwapong mukha nito. Kahit namamawis iyon ay dumagdag iyon sa kanyang appeal. Pero sinuway ko ang sarili.
BINABASA MO ANG
Mafia Affair Series #:2- I'm A Mafia Mistress
General FictionMafia Affair Series #: 2 Belle and Hernan Story Dahil sa pagmamahal ni Belle kay Hernan ay mas pinili niyang maging mistress ng lalaki. Masakit man sa damdamin na kasama ng mahal niya ang asawa nito ay tinanggap niya. Pero kailan siya magpapanggap...