Chapter 8

3.8K 89 2
                                    

BELLE

flashback..

Ang nais sana na'min ni Yolly ay palihim na ipasok ang batang babae sa loob ng aming silid. Ngunit paano na'min iyon gagawin kung may unipormadong mga kalalakihan ang nakabantay sa labas at loob ng gate?

"Y-yolly!.. May mga Bodyguards?!" Agad kaming napatago sa gilid ng poste, hila ko ang batang babae na gising na ng makababa kami sa taxi ni Manong. Todo hingi ng paumanhin ang matanda sa aberyang nangyari.

"Gaga Belle! Ngayon mo lang naisip iyon?!" Natigilan napatitig ako kay Yolly ng marinig ang matinis niyang mura. Ngayon ko lang kase narinig ang mura nito at inis. Maski nga ito ay nagulat din sa inasal.

Tumaas ang kilay ko. Namula ang mukha nito pero ngumisi ako.

"Yolly, ikaw ba iyan?!" Mahina kong tawa na kinaasim ng mukha nito.

"Ikaw kase nagmumura din kaya nadala ako sa'yo. At isa pa ay naiinis ako sa'kin sarili kung bakit pumayag sa gusto mong dalhin ang batang ito!" Ngumisi ako at nagpeace sign sa kanya habang hinahagod ko ang likod nito.

Ngayon ko lang din naisip na may Bodyguards pa lang nakatalaga sa kabahayan ng pamilya Galvan.

Napatingin ako sa batang babae na nakabusangot ang mukha at magkasalikop ang mga braso sa dibdib habang nakatingin sa akin. Nakataas pa ang kilay.

Aba't! Ang taray ng batang ito ah! Ako pa talaga ang pinagsusupladahan!

Tinaasan ko din ito ng kilay.

"Problema mo, gurl?" Gusto kong matawa sa'kin sarili ng sabihin iyon kase parang ate ang asta ko ng sabihin iyon sa kanya.

"I want to go home! I need to wash my self!" Nagkatinginan kami ni Yolly sa pagtataray nito at kita na'min ang pag-amoy nito sa kanyang damit. "I smell like—" Ngumiwi ito. Eeww!!"

Ngumiwi ng todo ang mukha nito. Asim na asim ang mukha na para bang nababahuan na ito sa suot na damit. Hindi ko din alam na maldita pala ang batang ito.

Spoiled brat, ika nga!

"Saan ka ba nakatira, bata? Sino at nasaan ang pamilya mo? Naglayas ka ba sa inyo?" Sunod sunod kong tanong sa kanya. Natigilan naman ito at parang may iniisip.

"I was kidnapped by some ugly monsters! Balewala nitong sabi na kinatinginan na'min muli ni Yolly.

"Nakilala mo ba kung sino ang kumidnap sa'yo?" Tanong ni Yolly. Nakita na'min ang pagtango tango ng bata. Ibig sabihin ay nakilala nito ang kanyang kidnapper!

Akma akong magtatanong ng biglang  may pumarada na kotse sa aming gilid. Muli kaming nagkatinginan ni Yolly ng makilala ang kotse.

"Belle, bakit nandito si sir Hernan?" Mahinang pagsiko sa'kin ni Yolly. Nagkibit balikat naman ako.

"Hindi ko alam. Malamang ay uuwi na o may nakalimutan." Tipid kong sagot habang nakatitig sa krystal na bintana sa may driver's seat.

Maaga pa naman para iuwi na nito o sadyang inagahan lang nito ang pag-uwi. Hindi ko masagot dahil hindi ko naman alam ang schedule nito at wala akong planong alamin. Maliban lang siguro sa personal niyang life, interesado ako! Hundred percent.

Bumukas ang pinto sa driver's seat at nagmamadaling lumabas si Hernan. Kasabay noon ay kinalabit ako ng bata na kinatingin ko sa kanya sabay tago nito sa'kin likuran, nagtaka ako.
Nakaturo ang kamay nito sa harapan.

"He's the kidnapper!" Nangunot ang noo ko ng makitang tinuturo nito ang direksyon ni Hernan. Pati si Yolly ay naguguluhan din.

Si Hernan ang kidnapper ng batang ito?! Tangina! Niloloko ba kami ng batang ito? Sa gwapo ba naman ni Hernan ay kidnapper ito? Mayaman naman siya e bakit pa siya mangingidnap ng isang bata? Letse!

"Hoy, bata! Huwag ka ngang magbintang! Sa gwapo ba naman ng lalaking iyan sa palagay mo ay kidnapper?" Naiinis ko nang sabi sa bata habang nilingon ito. Panay naman ang tingin nito sa harap at pakurap kurap na ngiti na parang kinikilig. Namumula pa ang pisngi.

Anong problema ng batang ito? May sa tupak ba?

"He's handsome. I have a crush on him!" Tangina!! Ano daw?!

"No. He's mine! Sa akin siya at ako lang. Bawal ka pang umibig dahil may gatas ka pa sa labi. Mag-aral ka muna, gurl! Inchindi?" Mataray kong pagpangaral sa kanya ng mahimasmasan ako sa sinabi ng batang ito. Kaloka.

Nakasimangot na inirapan lang ako nito bago bumitaw sa'kin.

"Saan niyo napulot ang batang iyan?!" Dumadagundong ang isang malalim na boses na sabay na'min kinalingon sa harap.

Nakasalubong ko ang nakasalampok na kilay ni Hernan habang matiim ang mga titig niya sa'kin. Dumako sa mga hita ko ang titig nito kung saan nangungunyapit na nakatago ang bata sa'kin likuran.

Nakataas ang kilay kong pinameywangan si Hernan. Pansin ko ang magulo niyang buhok, wala sa ayos ang damit na tanging polo na at nakabukas ang ilang butones nun kaya nasisilayan ko ang dibdib nito na kinalunok ko ng lihim.

Parang haggard ang mukha nito pero napakagwapo pa rin niya tingnan.

"Kilala mo siya, sir Hernan?" Sinalubong niya ang tanong ko. Napakurap ako ng makalapit siya sa harap ko, agad kong nalanghap ang menthol niyang pabango.

Kumislot na naman sa akin ang hindi dapat mag-react! Tangina!

"Saan niyo siya napulot?" Ang sungit ng pag-ulit na tanong niya at hindi man lang tinugunan ang tanong ko. Makapulot na words ay wagas na parang isang bagay lamang.

Bakit ba atat na atat si crush alamin kung saan na'min 'napulot' ang batang ito? Totoo ba na kinidnap nito ang bata kaya atat na atat siya? Ano naman ang dahilan niya para gawin iyon e mayaman naman siya. Pwera na lang siguro kung naghihikaos na.

"Muntik na siyang mabunggo ng sinasakyan naming taxi noong mahimatay siya. Totoo bang kinidnap mo siya?" Walang paligoy ligoy kong usisa na lalong kinasalubong ng mga kilay nito. Natulala na naman ako sa mapupula niyang labi, sarap sakmalin ng halik.

"Ano naman kung totoo? Ibigay mo sa'kin ang bata." Tangka nitong kunin ang bata mula sa'kin likod ng humarang ako at ramdam ko din ang mariing pagkunyapit sa'kin ng bata.

Nagbabanta ang mga tingin ni Hernan sa'kin. Puno iyon ng panganib. Kinabahan ako ngunit hindi ko iyon pinahalata sa kanya.

"Tangina, sir! Nangingidnap ka na ng bata? Kailan pa? Bakit? Leader ka ba ng isang sindikato na nagbebenta ng mga bata para pagkuhanan ng mga organs?!" Sunod sunod ang paghingal ko dahil sa aking sinabi. Nandoon ang galit at inis dahil sa kaalamang ito.

Hindi ko nais marinig na sasabihin niyang isa nga siyang Leader ng sindikato na nagbebenta ng mga bata. Ayokong marinig na isa siyang masamang tao na maatim magbenta ng mga inosenteng bata.

Kahit crush ko siya ay hindi ko palalagpasin ang kasamaan niyang ito. Kailangan na maireport ito sa mga pulisya. Kailangan na managot sa batas si Hernan Galvan!

***
Please votes, comments and share. Thank you.

MAYAMBAY.

Mafia Affair Series #:2- I'm A Mafia MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon