Chapter 4

3.9K 94 3
                                    

BELLE

flashback..

"Excuse me, Sir? May kailangan po ba kayo?" Nais kong magtaray sa harapan nitong paninitig ngunit naging magalang ang boses ko.

Kanina pa nito hinahagod ang bawat galaw ko at nakakairita ang ginagawa nito. Dahil hindi din ako maka- concentrate sa ginagawa ko.

Nakakailang din kaya at conscious sa'kin sarili kahit alam kong maganda naman ako. Iba pa rin pala kapag harapan kang tinititigan ng isang gwapong nilalang.

"Nothing. Gusto kong titigan ka lang." Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito.

Tumaas ang kilay ko pero magalang pa rin ang dating ko sa harap nito.

Pinagtitripan ba ako ng lalaking ito? Anong ibig niyang sabihin na gusto lang niya akong titigan.

Did he falling in love with me at first sight— nais kong batukan ang kagagahang iniisip ng utak ko. Oo na, malandi talaga ang utak ko! Haha!

Napailing ako sa mga iniisip ko.

Malandi nga ang utak ko pero hindi naman ang katawan ko. Siyempre, dalagang Pilipina at nandoon pa rin ang Pakipot term.

By the way, hanggang landi lang naman sa isip ko ang lalaking ito dahil taken na at hindi available.

Nga pala, hindi ko din type iyong asawa ni Hernan. Parang naiimbiyerna ako sa totoo lang.

I don't know why but she's some kind of monster or witch for me! Kulang na lang ay itim na lipstick sa bibig nito, matangos na pangit na ilong, black hat at walis tingting, ayon pwede na siyang maglipad .

Haha! Sensya, hindi ko lang talaga bet ang babaeng iyon.

"Sir, bakit mo ko gustong titigan? May dumi ba sa mukha ko o maganda ako?" Tumigil ako sa'kin ginagawa at hinarap ito, buti na lang at walang tao sa paligid.

Malaya akong maglandi! Haha!

Natigilan ito saglit ngunit lumapad din ang pagkakangisi. Talagang napakaappeal ng lalaking ito kapag nakangisi. I know maraming babae din ang nahuhumaling sa karisma nito.

"Bilib ka din sa sarili mo na maganda ka no? Pero totoo naman na kakaiba ang ganda mo." Pinasadahan nito ng titig ang katawan ko, tumigil iyon sa mga hita ko at bumalik muli at nagtagal sa mga dibdib ko, tapos ay sa labi ko.

Hindi ko naman pinahalata na tinatablan ako ng init ng paghagod ng mga mata nito dahil kakaiba ang mga titig na iyon— para bang sasakmalin ako ng mga matang iyon.

"Of course, why not? I'm hundred percent of my self." Nanalo nga ako ng miss Campus noong high school ako at hakot awards pa!

Nais kong idugtong iyon sa kanya pero baka mas bumilib pa siya sa kagandahan ko kaya hindi na lang.

Narinig ko ang mahina nitong halakhak. Tinaasan ko ito ng kilay. Pero ng maalala kong isa pala siyang Galvan ay tumalikod na ako para kunin ang basahan kong gamit.

"Excuse me, Sir. Marami pa akong trabaho!" Lumakad ako at dinaanan ito pero natigilan ako ng maagap nitong hawakan ang braso ko.

Napatingin ako sa kamay nito bago tumuon sa mukha nito ang tingin ko. Kita kong nawala ang ngisi nito at napalitan ng matiim na mga titig.

Kinabahan ako at rumaragasa na naman sa kaba ang tibok ng puso ko.

"I like you." Tatlong salita na nagpatigil sa'kin. Tatlong salita na marami ang ibig sabihin sa'kin. Tatlong salita na simple pero mahiwaga ang dating sa'kin.
Parang magic words, kumbaga.

Mafia Affair Series #:2- I'm A Mafia MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon