BELLE
flashback..
"Sir Hernan, mamalengke po kami ni Belle!" Biglang sabat ni Yolly, na parang kinikilig pa ang boses.
Nakatayo kase sa harap na'min ang isang napakagwapong model ng tuxedo. Taob din sa kanya ang mga artistang lalaki sa tv.
He's wearing a black tuxedo with the matching of his necktie and black leather shoes. His inner is white polo. The only accessories he have is his rolex watch. Nakagel pa ang buhok at matatag ang tayo.
Sobrang gwapo ng nilalang na ito! Lalaking lalaki. Tulo laway at makalaglag panty! Shit! Tinatablan ako ng karisma nito!
But no way! He's a married man!
May nakaunan na. May nanalo na. Hanggang pantasya ka na lang, Belle!"Let me bring you in your destination." Habang sinasabi niya iyon ay nakatitig naman siya sa'kin!
Nailang ako sa mga titig nito kaya agad akong nag-iwas ng tingin at baka kung hindi ako makapagpigil ay aambahin ko ito ng matamis kong halik, hanggang sa makalimot itong may asawa pala siya!
"Talaga, Sir Hernan?! Belle, tara na!" Agaran naman na pagpayag ni Yolly at hinampas pa ako. Mababakas sa kanya ang kilig at saya nito. Habang ako ay pagkailang.
Lumakad si Hernan papunta sa nakaparadang isang brand new model ng mercedes benz, kulay black din.
Umingay iyon ng may inilabas na key si Hernan. Binuksan nito ang ikalawang pinto kaya agaran akong hinila ni Yolly papunta doon.
"Salamat, Sir!" Kinikilig na sabi ni Yolly ng mauna siyang pumasok sa loob. Susunod na sana ako ng biglang iharang ni Hernan ang kanyang braso sa dadaanan ko.
Nagtatakang tiningnan ko siya. Nakatitig na ito sa'kin, pero lumandas iyon sa'kin bibig bago pasadahan ng titig ang buhok ko. Nangunot ang noo.
"I'm not your driver. Sit with me." Naamoy ko ang menthol sa hininga nito. Ang lapit ng kanyang mukha kaya rumaragasa na naman ang tibok ng puso ko.
"A-akala ko ba ay driver ka at hindi ako marunong magmaneho." Wala sa sariling pagkakasabi ko dahil totoo naman na hindi ako marunong magdrive. Magdrive kay Hernan ay siguro kaya ko pa— sa kama!
Tanginang landi ng isip ko?!!!
He chuckled.
"That's not what I meant. Sit beside me in the driver's sit." Namula ako sa'kin sinabi. Sabay iwas ng tingin.
Nga naman, Belle! Tanga mo!
Inuuna mo ang landi sa isip kaya nawawala na ang tino sa utak mo. Mag-ayos ka nga, Belle. Palawayin mo si Hernan kahit may asawa na—
Lihim kong nakagat ang aking dila.
Sinara ni Hernan ang pinto pero bago iyon ay nakita ko pa na tumango at ngumiti si Yolly bago tuluyan sumara ang pinto, saktong may tumatawag sa cellphone ni Hernan kaya agad niya iyon kinuha at sinagot.
Ako naman ay kumabila para buksan ang pinto sa gilid at pumasok sa loob. Hindi ko makita si Yolly sa likod dahil may nakaharang.
Napabuntong hininga ako bago umayos ng upo ng makitang papasok na dito sa loob si Hernan. Nag-iwas na agad ako ng tingin ng bumukas ang pinto at umupo siya sa may manibela.
Kinakabahan na naman ako, lalo pa at magkatabi kami dito sa loob. Parang ang sikip na ng paligid at kay init kahit aircon naman dito sa loob.
Ilang minutong katahimikan kaya mas natense ako, dahil alam kong nakatitig ang presensya niya sa'kin. Nakatanaw lang ako dito sa bintana.
Naalerto ako bigla dahil naramdaman ko ang paggalaw ni Hernan palapit sa'kin. Jusmiyo!
Hahalikan na ba ako ni Hernan?! Is he determined to claim my V?! Oh no! I'm not ready for this!
Napapikit na ako ng maramdaman siyang nasa likod ko na.
"Seatbelt." Napabalikwas ako ng dilat sabay lingon ko kay Hernan, pero wrong move! Tumama ang ilong ko sa matangos niyang ilong.
Nagkatitigan ang aming mga mata. Gahibla na lang ang distansya ng aming mga labi. Kay init at bango ng kanyang hininga. Dama ko din ang marahas niyang paghinga. Damang dama ko na rin ang pagragasa ng puso ko sa bilis nito.
Naduduling na din 'yata ang mga mata ko sa pagkakatitig sa mga mata ni Hernan, pero siya ay balewala lang.
"You're a crazy woman but desirable.." Paanas niyang sambit habang nakatitig pa rin sa mga mata ko, may paos sa boses nito. Nagpipigil.
Kinilabutan ako. Umakyat ang pagnanasa sa katawan ko. May nabuhay na hindi dapat pumukaw sa himlayan nito. Bumibigat na din ang paghinga ko. Pero may konting respeto pa ako sa sarili ko, naitulak ko siya ng malakas dahilan para mapalayo siya.
"S-sorry, sir Hernan!" Pagdiin ko sa pangalan nito. Narinig ko ang marahas niyang paghinga bago kinabig ang manibela at binuhay iyon.
Napapikit ako at tinuon ang pansin sa labas. Nakakahiya ang ginawa ko pero iyon ang dapat kong gawin.
Hindi ko nakalimutan na may asawa na itong tao. Jusmiyo! Muntik pang maghalikan ang mga labi na'min.
I know from the first meeting of us that Hernan looks is something special that can caught my attention, easily.
He's a catching eyes. Totally package of a true man. However, there's something in him that my instinct says, he's a dangerous man.
Alam ko iyon. Base sa nakita kong mga collection nito ng mga baril, armas at kutsilyo. Hindi lang iyon simpleng collection kundi tinatago sa oras ng pangangailangan.
"Don't be sorry. It's my fault to fall." Narinig ko at ramdam kong may ibig sabihin ang huli nitong sinabi ngunit hindi ko na iyon binigyan pansin ng pinausad na nito ang kotse.
Ang bilis na'min makarating ng Palengke, idagdag mo na mabilis ang pagpapatakbo ni Hernan sa kotse nito na parang wala ng bukas.
Nais ko siyang bulyawan at bigwasan ngunit nagtitimpi na lamang ako sa'kin kinauupuan habang mahigpit ang kapit sa upuan, baka ako pa ang mapatulog ng kamao nito kapag nainis sa'kin.
Nauna nang bumaba si Yolly ng makalabas ako at saktong kakaapak ko pa lang sa semento ay humarurot na ang kotse ni Hernan.
"Tangina! Hoy! Magdahan dahan ka naman para sa buhay mo!Gago!!" Naipon ang lahat ng pagtitimpi ko sa aking hiyaw sa papalayong kotse ni Hernan. Alam kong hindi na ako nito naririnig kaya ayos lang.
Pagkagulat naman sa mukha ni Yolly ang nakita ko ng tingnan ko siya.
"B-belle! Minumura mo ba si sir Hernan?!" Hindi makapaniwalang bulyaw naman sa'kin ni Yolly.
Ngumiti ako sa kanya sabay tango. Mabuti na lang talaga at may harang kanina sa loob ng kotse ni Hernan kung wala ay tiyak na nakita ni Yolly kanina ang muntikan naming paghalikan ni Hernan.
"Nakakabuwisit kase ang pagpapatakbo niya kanina ng sobrang bilis. Paano na lang kung madisgrasya tayo, aber?" Nakapameywang na bulalas ko sa inis.
Tumango tango at nakisang-ayon naman sa'kin si Yolly. Dahil sobrang takot din daw nito kanina.
Pumasok na kami ni Yolly sa loob ng Palengke at namili ng aming mga kailangang bilhin, dala ang listahan.
***
Please votes, comments and share. Thank you.MAYAMBAY.
BINABASA MO ANG
Mafia Affair Series #:2- I'm A Mafia Mistress
General FictionMafia Affair Series #: 2 Belle and Hernan Story Dahil sa pagmamahal ni Belle kay Hernan ay mas pinili niyang maging mistress ng lalaki. Masakit man sa damdamin na kasama ng mahal niya ang asawa nito ay tinanggap niya. Pero kailan siya magpapanggap...