Chapter 2

4.5K 99 13
                                    

BELLE

flashback..

Maaga akong nagising at nag-ayos ng aking sarili habang si Yolly naman ay tulog na tulog at naghihilik pa.

Lumabas ako at tinahak ang kusina. Ngayon ay tatandaan ko na ang papuntang kusina baka sakaling maligaw na naman ako sa silid na iyon.

Collection 'yata ng lalaking iyon ang mga bagay na iyon. And, I know he's a dangerous man. So, I don't want to have a connection with him.

Natigilan ako sa paglakad ng may maalala.

Wait. Empleyado rin siya katulad ko. Bakit naman magkakaroon siya ng mga ganoong uri ng collection?

So it means, hindi pagmamay-ari ng lalaking iyon at talagang naligaw lang din ito gaya ko. At siguro ay collection iyon ng amo kong lalaki o ng anak nitong lalaki.

Huh! May balak pa talagang magnakaw ng lalaking iyon na hindi sa kanya. And worst, baka idamay pa ako sa kalokohan nito. Magsusumbong ito na pumasok din ako doon!

Shit. Baka hindi pa ako nagsisimula dito ay tanggal na agad ako. Saan na ako pupulutin nito. Kawawa naman itong sarili ko at beauty.

Naiiling na ngumiti na lang ako sa'kin kalokohan. But, that was partly true.

Pagdating sa kusina ay tumulong agad ako para sa umagahan ng pamilya Galvan. Iba't ibang klase ng ulam ang inihanda ng family chef, kung saan ay amoy na amoy ko agad ang masarap na bango ng mga pagkain iyon.

And, my stomach is secretly growled.

Hinihiwa ko ang ibang mga rekado nang tumabi sa'kin si Yolly at tinulungan ako.

"Kamusta ang tulog mo?"  Mahina niyang bulong na kinagiti ko.

"Maayos naman." Tipid kong sabi pero ang totoo ay hindi ako nakatulog ng maayos, dala siguro ng aking paninibago sa lugar. Idagdag pa ang munting hilik ni Yolly.

Pero ayokong sabihin iyon sa kanya. I don't want to offend her.

"Mabuti naman." Sabi pa nito at tinuon na ang pansin sa ginagawa.

Matapos ang pagluto sa mga ulam ay dinala na na'min ito sa dining area.

Maingat kong inilapag ang hawak kong tupperware na laman ay hotdog at sausage, nang biglang may isang kamay ang lumusot sa ilalim ng braso ko, malapit sa gilid ng aking dibdib.

Bigla pa akong kinilabutan ng dumaiti ang braso nito sa gilid ng dibdib ko.

"Pahingi." Natigilan ako sa boses at mabilis na nilingon ang taong nasa likod ko, nakadikit sa likod ko.

"Tangina! Hoy! Hindi iyan para sa'yo!!" Malutong kong mura at hiyaw sa mukha nito ng makitang inisang subo nito ang isang malaking sausage sa bibig nito.

Kinapa ko pa ang labi nito pero nginuya na nito ang sausage. Shit! Malaki iyon! Paano nito nakakain ng isang subo lang?!

Umuusok ang ilong ko sa galit at pangamba sa ginawa nitong pagkain ng sausage na para sa umagahan ng pamilyang Galvan.

Lalo pa at lumapad ang pagkakangisi nito na may kasamang pang-aasar. Napadila pa ito sa kanyang bibig.

Aba't! Walang modo talaga ang hinayupak na lalaking ito!

"I'm hungry." Nakakaloko nitong sabi at habang sinasabi niya iyon ay pinasadahan nito ng titig ang katawan ko, na para bang nakakatakam ito sa isang putahe. At may ibig sabihin ang salita nitong binitawan.

"Kung gutom ka ay doon ka kumain sa kusina at hindi dito sa hapag na para lang sa pamilya Galvan! Mahiya ka sa inasal mo!" Galit kong sita sa mukha niya. Naiirita talaga ako sa pagmumukha ng kaharap ko, lalo na ang ngisi nito.

That smirked makes me iritate to the highest level.

This is also my first time I encountered this kind of man. Playful yet a kind of dangerous. And I think he is a secretive person too, maybe it's true.

"Bakit naman ako kakainin doon?" Naghahamon nitong tanong na nakatitig pa rin sa'kin. Parang aliw na aliw din ito sa pakikipag-usap sa'kin.

Tumaas ang kilay ko.

"Eh, saan pa ba kumakain ang mga katulad nating trabahante? Alangan naman sa rooftop! Boy ka dito kaya doon ka sa kusina kumain! Mahiya ka naman kung makaasta kang pagmamay-ari mo ang bahay na ito!" Saglit itong natigilan na para bang may napagtanto pero mahina din itong napatawa, na lalong kinaasim ng mukha ko at sarap sapakin.

"Tangina! Kaya pala ganito na lang ang trato mo sa'kin, huh?" Humalakhak pa ito ng mahina pero umecho ang malalim nitong boses sa paligid.

Natulala ako sa mukha nito. Para itong inosenteng bata na tumatawa sa isang maliit na bagay lang na sobrang nagpasaya na sa kanya.

Parang mababaw lang ang kaligayahan nito. Pero may mga tao talaga na ganoon ang nakasanayan na saya. Madali lang silang pasayahin.

"Good morning, sir Hernan!" Natigilan ako ng marinig ang magalang na pagbati ni Yolly.

Napatingin ako kay Yolly ng yumuko ito para magbigay galang bago nito nilapag ang dalang pagkain.

Nagtatakang napalapit ako kay Yolly at bumulong.

"Yolly, Anong ibig mong sabihin?" Biglang tumahip ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko mawari pero iba ang pagkakaba nito.

"Ang alin?" Nagtatakang sambit nito.

"Ang pagbati mo sa lalaking iyon?" Pagnguso ko na kinatingin nito sa direksyon nakaturo ng aking labi.

Pinandilatan ako ni Yolly ng makita kung sino ang ngininguso ko.

"Si sir Hernan 'yan, ang nag-iisang anak ng mag-asawang Galvan!" Nagimbal ako sa'kin narinig. Natulala at parang binuhusan ng malamig na tubig ang buo kong katawan at hindi makakilos sa sobrang lamig na aking nararamdaman ngayon.

Sobrang kahihiyan at nais kong kainin na ako ng lupa para matago ang buong katawan ko doon.

This is shit! I'm dead. Katapusan na ng maliligayang araw ko!

Mukhang matatalsik na ako ngayong araw! Dahil isang Galvan pala na akala ko ay isang boy lamang ang aking nilalait!

"Rosabelle, umayos ka nandiyan na ang mag-asawa!" Napakislot ako ng hawakan ni Yolly ang braso ko sabay hila sa'kin sa gilid.

Napakurap ako at napatingin sa may edad ng babae at lalaki, ng maupo ang mga ito sa hapag- kainan.

Maputi ang balat ng ginang at makinis ang kutis, maiksi ang itim nitong buhok na bumagay sa maliit nitong mukha. Maganda at parang bata pa rin ang mukha nito at slim pa din ang katawan.

Sa pinakasentro nakaupo naman ang isang matangkad na ginoo. Maputi din ito, maitim ang buhok at pang military ang haircut. Makapal ang kilay at kunot noo, agaw pansin ang matangos nitong ilong, mapula na mga labi at matatag na mga panga. Matikas pa rin ang katawan ng ginoo.

Teka, may kamukha 'yata ang ginoo?

Napatingin ako sa gilid at napatotoo kong kamukha nga ng lalaking iyon ang kanyang ama. Parang pinagbiyak.

Hernan 'yata ang pangalan.

Shit! May kasalanan pa ako at hindi  pa ligtas sa ipapataw sa'kin ng Kapre— este ng Hernan na iyon!

***
Please votes, comments and share. Thank you.

MAYAMBAY.

Mafia Affair Series #:2- I'm A Mafia MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon