BELLE
flashback..
Nakasakay na kami ngayon ni Yolly sa taxi pahatid sa village kung saan nakalagak ang mansyon ng pamilyang Galvan. Kumain muna kami ni Yolly sa jollibee bago kami sumakay dito.
Nagutom kaming dalawa dahil sa dami din ng aming mga pinamili. Idagdag pa na siksikan sa loob ng Palengke kung kaya't natagalan kami sa pagbili dahil maraming pila.
"Ay bata!!" Napapitlag ako sa matinis na hiyaw ni Yolly, kasabay noon ay ang biglang pagpreno ni Manong driver, buti na lang at nakaseatbelt ako dito sa harap kaya hindi subsob ang mukha ko.
"Anong nangyari? Ayos ka lang, Yolly?" Tiningnan ko si Yolly na hinihimas ang noo nito bago tumango sa'kin. Natingnan ko din agad si Manong na tulala habang nakatitig sa labas ng salamin sa harap.
Napatingin ako doon at ganoon na lang umawang ang bibig ko ng makita ang isang batang babae na nakahandusay sa sahig.
"Jusko!!" Hiyaw ko sa kaba at takot sabay takip ng aking bibig ng malaman na nakabunggo ng bata ang aming sinasakyan.
Gumana ang katinuan ko at mabilis na kinalas ang aking seatbelt at agaran na lumabas ng taxi. Mabilis kong dinaluhan ang bata na medyo malayo naman ang distansya sa taxi.
Lumuhod ako upang tingnan ito. Dinama ko ang pulsuhan nito at naramdaman kong mahina ang pulso nito. Wala siyang sugat o dugo sa katawan, malamang ay nahimatay.
Napapikit ako at nagpasalamat na hindi nakabunggo ang aming sinasakyan at buhay ang bata.
Dumilat agad ako sa gulat ng biglang may humawak sa'kin kamay.
"H-help me po!.." Paos na bigkas ng bata at nakadilat ang mga matang nagmamakaawa sa'kin. May dumi ang mukha nito at tumatabing ang mahaba nitong buhok sa kanyang mukha. Makinis at mamula pa ang balat nito at halata na parang anak mayaman ito. Maganda din ang suot nitong bestida na bulaklakin.
Ilang sandali ay nahimatay muli ang bata kaya agad ko itong dinaluhan.
"Manong! Tulong po!" Paghingi ko ng tulong kay Manong driver na kita kong napakurap ito bago lumabas ng taxi nito.
Pinasan niya ang bata at pinasok sa loob ng taxi nito. Pinaliwanag ko kay Yolly ang nangyari na tulala pa rin.
Dinala na'min sa pinakamalapit na ospital ang bata. Mabuti na lang at kami pa ang tao kaya madaling nasuri ang bata kung may natamo ba siyang damage o hemorrhage.
Napahinga ako ng maluwag ng sabihin ng doktor na wala naman siyang may natamo at kailangan nito ng pahinga.
Nakisama din si Manong sa loob ng ospital dahil cargo de konsensya daw nito kung may mangyari sa bata. Natakot din siya kanina dahil akala niya ay talagang nakabunggo siya ng bata at mabuti na lang ay hindi.
"Belle, ano nang gagawin na'tin sa bata? Ligtas naman siya at nabawasan na ang perang dala na'tin ng dahil sa pang-ospital niya." Nanghiram ako sa dalang pera ni Yolly na sukli sa budget pang malengke na'min.
Umabot din iyon ng isang libo dahil sa pang x-ray na ginawa sa bata.
Napaisip naman ako kung saan na'min dadalhin ang bata dahil wala naman kaming alam kung saan ito nakatira o sino ang mga magulang nito. Wala din kaming alam kung ano ang nangyari sa kanya kung bakit nahimatay ito sa gitna ng daan. Tumakas ba ito o naglayas sa bahay.
Nagkatinginan kaming tatlo sa loob ng taxi ni Manong habang ang bata ay nakatulog na.
"Maliit lang ang bahay ko at may tatlong anak." Pagpaumanhin na sabi ni Manong.
Napatitig ako sa batang babae. Hinaplos ang puso ko sa inosente niyang mukha. Kawawa naman.
"Patuluyin na muna na'tin siya sa mansyon." Mahina kong sabi kay Yolly na kinalaki ng mga mata nito.
"Belle, baka magalit sa atin ang pamilya Galvan oras na malaman nilang nagpatuloy tayo ng hindi nila kilala. Malalagot tayo!" Kinakabahan na saad ni Yolly.
Alam ko iyon pero hindi kaya ng konsensya kong iwan na lang kung saan ang batang ito. Baka mas mapahamak pa siya. Nasa siyam o sampo ang edad nito at babae pa naman kaya hindi ko maatim na pabayaan ang batang ito.
Hinawakan ko ang kamay ni Yolly.
"Aakuin ko ang responsibilidad, Yolly. Makokonsensya ako kapag pinabayaan ko ang batang ito. Saglit lang naman ang pananatili niya hangga't malaman ko kung saan siya nagmula." Seryoso kong pagkakasabi na tiningnan ang bata bago si Yolly.
"Dalhin na lang na'tin siya sa presinto at ireport ang nangyari. Sila na ang bahalang maghanap ng mga magulang ng batang iyan." Agad akong umiling sa kanya.
Naisip ko na rin iyon pero hindi ako panatag, lalo pa at bata. May tiwala naman ako sa mga pulis pero hindi talaga kaya ng konsensya kong iwan lang basta doon ang batang babae.
Mas panatag ako kung ako mismo ang magbigay sa kanya sa kanyang pamilya. Kahit hindi ko alam kung saan sila hahagilapin.
Sa lawak ba naman ng Pilipinas. Paano na lang kung taga Mindanao ba ito o sa Visayas o dito sa Luzon.
Napabuntong hininga ako ng malalim. My decision was final.
"Desidido na akong sa akin muna ang bata, hanggang mahanap ko ang pamilya nito." Tinitigan ako ni Yolly bago siya bumuntong hininga at tumango. Ngumiti ako sabay yakap sa kanya. "Salamat, Yolly."
"Sasabihin ba na'tin kila Madam?" Umiling ako.
"Huwag. Hindi naman tatagal ang bata at itago na lang muna na'tin siya sa ating silid." Baka kung sabihin na'min sa mag-asawang Galvan ay baka palayasin pa nila ang bata at alam kong magagalit sila sa desisyon kong ito at ako ang palayasin, pati pala si Yolly ay dinamay ko sa ginawa ko.
Naisip ko rin, paano kaya kung miyembro ng isang sindikato ang batang ito at umaakting lang para magmanman sa mansyon ng sa ganoon ay maireport nito sa mga miyembro at ng maisagawa ang pagnakaw? Or worst ay gumawa ng kasamaan at damay lahat ng tao na nasa loob ng mansyon?
Ang tanga kong mag-isip pero kung maglandi ay magaling ako, ganoon?
Nga naman, mas masarap kaya ang maglandi kaysa stress na 'yan, lalo na kapag kay Hernan! Haha! Tangina!
Tinampal ko ang aking noo dahil kung saan na lumilipad ang utak ko. Mas importante ngayon ang kinakaharap naming problema ni Yolly. Mas ako dahil ako ang nagdecide kaya sa akin nakaatang ang malaking problema.
"Belle, siguraduhin mong sagot mo ako kapag nagkaaberyahan ha?!" Pagbabantang saad ni Yolly na agad kong kinatango tango sa kanya.
"Oo, sagot kita, Yolly. Akong bahala sa'yo!" Pagmamalaki ko kahit ang totoo ay todong takot at kaba ang nananaig dito sa dibdib ko.
Pero wala naman sigurong problema na hindi malulusutan? Problema lang iyan, walang isip. Ako may utak.
***
Please votes, comments and share. Thank you.MAYAMBAY.
BINABASA MO ANG
Mafia Affair Series #:2- I'm A Mafia Mistress
General FictionMafia Affair Series #: 2 Belle and Hernan Story Dahil sa pagmamahal ni Belle kay Hernan ay mas pinili niyang maging mistress ng lalaki. Masakit man sa damdamin na kasama ng mahal niya ang asawa nito ay tinanggap niya. Pero kailan siya magpapanggap...