Chapter 6

3.7K 86 3
                                    

HERNAN

flashback..

"Tangina! Hoy! Magdahan dahan ka naman para sa buhay mo! Gago!!"

Sumilay ang ngisi sa mukha ko ng dinig na dinig ko ang malakas at galit na sigaw sa'kin ni Belle. Medyo malayo na ang kotse ko ngunit dahil medyo nakabukas ang salamin ko kung kaya't narinig ko iyon.

Siya ang unang babaeng nangbulyaw sa'kin. Ang unang babaeng sinabihan ko ng 'I like you'. At ang babaeng una akong sinabihan ng 'I don't like you."

Maraming babae ang nagkakandarapa na makuha ang salitang iyon pero binalewala lang niya.

Kahit sa asawa ko ay hindi iyon narinig mula sa'kin. Our marriage is just a fixed marriage. No love happened between us nor intimate relationships. We're just only a toy for our family for the extension or expansion of each businesses.

We're only a bait to be exactly!

Napabalik ang isip ko kay Belle. Hindi siya mawala sa isip ko. Binabagabag ng presensya niya ang namamayapa kong utak. Ginulo at winasak.

Damn it! She's totally ruined my system!

Unang paglapat pa lang ng mga mata ko sa kanya ay tinamaan agad ang utak ko. Unang kita ko sa mga labi nito ay gusto ko na iyon sunggaban at gusto pa ngang kainin ng buo.

She's not aware or maybe aware that her beauty and innocence made me crazy that surpass in my limitations.

Kanina lang ay gusto ko nang sakmalin ang labi niya at gusto ko nang ilapat ang mga kamay ko sa balat niya ngunit nakita ko sa mga mata nito kanina ang pangamba at takot. Alam ko kung bakit, dahil may asawa akong tao.

Hindi man nito sabihin ay alam kong pinipigilan nito ang sarili na mahulog.

Me and Tanya are not in love with each other. Sinubukan na'min ngunit hindi talaga tumatalab ang mga feelings na'min.

Nagsisex kami ni Tanya at tawag lang ng laman, walang namumuong pagmamahal. Magkaiba din ang aming mga silid. Pinapasok lamang niya ako kapag nangangati ito, of course I had my safety protection.

Alam na alam ko din ang mga ginagawa ni Tanya, pasikreto sa'kin. Pero wala akong pakialam doon. Bahala ito sa buhay niya. Wala naman kaming pakialaman sa isa't isa.

We have our own private affairs. Wala din kaalam alam ang mga magulang na'min doon, except na siguro si Dad. I know he knows our settings.

One year nga kaming nagsasama ni Tanya ngunit sa mga panahon na iyon ay kanya kanya kami ng buhay. Sinadya ko at ni Tanya na iwasan muna ang pagkaroon ng anak dahil hindi naman iyon gusto ni Tanya. At lalo naman na ako.

Career ng babae ang priority nito kaysa bata. Ayoko din na magkaroon ng anak kay Tanya. I'm not her first experienced. May nauna sa'kin.

I parked my car here outside the parking lot of this restaurant where the venue of my meeting with Mr. De Leon.

Bumaba ako at sinarado ang pinto bago naglakad papasok sa loob ng restaurant. Bitbit sa kamay ang itim kong attache case.

Nandoon na nakaupo sa lamesa nito si Mr. De Leon. Ang may ari ng lupang nais kong pagtayuan ng bagong branch ng Mall at Gasoline Station doon sa Cavite. With him is his beautiful Secretary.

Pagkakita nito sa'kin ay agad umasim ang mukha nito, ngumisi ako bago umupo sa harapan nito. Masungit ang matandang ito at hindi basta basta mong mapa oo na magmeet kayo.

His time is valuable. He's always busy.

Nakagawa ako ng paraan para pumayag na makipagkita ito sa'kin. Kung hindi ba naman makukuha sa asal, edi idaan sa dahas. Tsk!

"This is my price for your land, Mr. De Leon." Walang paligoy ligoy kong inabot ang isang folder sa harap nito.

Tiningan ako nito ng masama bago inabot ang folder sa'kin kamay. Sinuot nito ang may grado niyang salamin at binasa ang nakapaloob sa folder.

"Ballpen." Paghingi nito ng ballpen sa kanyang Sekretary, ilang minuto matapos nitong basahin ang dokumento sa folder.

Nakangising kinuha ko ang folder na binalik nito matapos na magsign. Binalik ko ang folder sa loob ng attache case ko bago tumayo.

"Thank you, Mr. De Leon."

Sinalubong nito ang pagtayo ko at masama akong tinitigan.

"Siguraduhin mong ibabalik mo sa'kin ang anak ko, Galvan!" Ngumisi ako bago tinapik ang balikat nito.

"Don't worry about your Daughter. She's in good condition. I'll send her later." Pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko na ito at lumakad palabas ng restaurant.

Hinagis ko ang attache sa gilid ko bago pinasibad ang kotse ko. Dumiretso ako sa hideout kung saan ko dinala ang anak ni Mr. De Leon.

Kalahating oras ng makarating ako sa hideout. Pagkapasok sa loob ay sumalubong sa'kin ang tauhan kong nakaitim ang uniform habang may sukbit na baril sa likurang damit.

"Boss!" Harang sa'kin ng isa kong tauhan. Nangunot ang noo ko ng makita sa mukha nito ang pangamba.

"What?" Nag-alangan pa ito sa sasabihin nito bago napakamot sa sentido nito.

"Nakatakas ang bata, Boss!" Dumilim ang mukha ko kaya sa isang iglap ay tumama ang kamao ko sa panga ng tauhan ko. Bagsak ito sa sahig at pumutok ang labi.

"Mga gago! Bakit hinayaan niyong makatakas ang isang bata! Tangina! Hanapin niyo kundi kayo ang papatayin ko isa isa!"

Dumagundong ang galit kong boses sa buong lugar. Agad nagsitakbuhan ang mga gunggong kong tauhan! Letse!

Bumalik ako sa loob ng kotse at pinasibad iyon ng mabilis. Hindi pa nakakalayo ang batang iyon. Pwera na lang kung nakahingi na ito ng tulong.

Mga walang silbi ang tauhan ko. Isang bata lang ay natakasan pa! Tangina! Mababaril ko sila isa isa!

***
Please votes, comments and share. Thank you.

MAYAMBAY.

Mafia Affair Series #:2- I'm A Mafia MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon