Chapter 9

8.5K 207 135
                                    

BELLE

flashback..

"Kailangan mong managot sa batas." Ulit ko na biglang kinangisi ni Hernan bago nito hawakan ang panga ko, pinisil niya iyon na kinaawang ng aking labi. Tumiim ang titig niya.

"Hawak mo ba ang batas? Kaya mo ba akong ipakulong?" Nakakatakot na ngisi ang binigay niya sa'kin.

Nangatog ako at nanlamig ngunit ayokong magpahalata. Kahit ang tibok ng dibdib ko na hindi maapuhap sa pagdagundong ay ayokong iparinig sa kanya. Nakakatakot si Hernan.

"Walang kasalanan na hindi napagbabayaran. Lahat ng kasamaan ay may katapusan. Ang bagsak ay sa kulungan. At hihimlay ang makasalanang katawan sa kalupaan. Aagnas at kahit sino ay walang pakialam. Kaya mo bang dalhin ang makasalanang konsensya, sir Hernan?"

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tapang na sabihin iyon sa harap mismo ni Hernan, na amo ko. Lumabas lang iyon sa bibig ko ng walang preno at pag-alinlangan.

Siguro dahil nais kong ipatindi sa kanya na mali ang kanyang ginagawa at ayoko din na ilagay niya sa kapahamakan ang kanyang buhay. Ayoko siyang makulong.

Tinitigan nito ng maigi ang mga mata ko. Parang may hinahanap siya doon na hindi ko alam kung ano. Ngumisi siya bago niya bitawan ang panga ko.

Dumako ang tingin nito sa bata bago bumalik sa'kin.

"Give me the child, iuuwi ko siya sa kanila—"

"Sasama ako!" Maagap kong saad na kinataas ng kilay nito. "Mabuti ng nakakasiguro. Dugtong ko.

"Wala kang tiwala sa'kin?" 

"May tiwala lang ako kung maiuwi ang bata ng ligtas." Seryoso kong sabi. He chuckled before holding my chin. Pinisil niya muli iyon.

"Such a wise woman. I like you, deeply." Pagkasabi niya noon ay inilapit pa niya ang kanyang mukha na kinapigil hininga ko.

Damang dama ko na ang mainit niyang hininga na tumatama na sa bibig ko. Gahibla na lang ang distansya at maglalapat na ang aming mga labi. Pero sabay kaming napatigil ni Hernan ng makarinig ng sunod sunod na tikhim galing kay Yolly at sa bata. Napakalas ako at kunyari ay tumikhim din.

Pero lihim akong kinikilig! Tangina! Malapit na din sana maghalikan ang mga labi na'min ni Hernan pero panira ng moment ang dalawa! Sayang!

Si Yolly ang mag-isang pumasok sa loob ng mansyon kasama ang isang Bodyguard na tinulungan siya sa pagbitbit ng aming mga pinamalengke.

Excuse din ako kase kasama ko naman si Hernan. Lihim akong kinikilig kase masosolo ko ngayon si Hernan. Pero ang priority ko ay ang maihatid ng ligtas si Jenny sa kanyang pamilya.

"Ang galing ng ginawa mo, sir Hernan no? Nanggamit ka talaga ng bata para lamang makuha ang deal na iyon sa kanyang ama?!" Bulalas ko habang nakaupo dito sa tabi niya at siya naman ay nagmamaneho matapos niyang sabihin sa'kin ang kanyang kalokohan kong bakit niya kinidnap ang bata.

Nasa likod si Jenny at busangot ang mukha habang nakikinig lang sa'min usapan. Gusto pa nga niyang maupo dito sa tabi ni Hernan pero sorry na lang siya dahil ako ang inoperan ni Hernan, my love. Haha!

"Nagmamatigas pa kase ang matanda kaya dinaan ko sa dahas at ginamit ang bata. Nauna akong nakipagtransaksyon sa lupa niya at pumayag naman siya presyo pero ilang araw lang ay nalaman kong  mas nais nitong ibenta sa iba ang lupa sa mas malaking halaga."

Mahabang salaysay ni Hernan habang nagmamaneho ito. Kay kisig niyang pagmasdan habang nakaupo siya at hawak sa manibela. Nanunuot dito sa loob ang menthol niyang pabango.

Maswerte ang babaeng asawa niya dahil gabi gabi nitong yakap si Hernan habang natutulog sila. Nadadama at halik nito ang labi ni Hernan, kahit kailan nito gusto. At higit sa lahat ay mahal siya ni Hernan.

Tinamaan ng patalim ang dibdib ko. Sinaksak ng ilang ulit. Tumagos hanggang buto. Dumaloy ang napakasakit na dugo.

Talagang tinamaan na ba ako kay Hernan? Sa isang araw lang, really? Love at first sight ba ito?

Pero noong unang kita ko kay Hernan ay hate at first sight. Siguro galit ako kase na- starstruck  ako? Feeling galit para pansinin? Nagpapansin to be exactly. Para pansinin din ni Hernan ang beauty ko, kahit may sabit na.

Ano kaya kung maging kabet na lang ako ni Hernan? Papayag ba ako na gawing kabet ni Hernan o Papayag ba si Hernan na maging kabet niya ako?

Pero immoral ang pagiging kabet! Labag sa Itaas at lipunan! Ayokong maging kabet lang din ako no! Kahit na mahirap lang ako ay disente pa rin akong babae. Pero kung ayain ako ni Hernan papayag ba ako?

"Belle.." Napakislot ako ng maramdaman ang mainit na palad ni Hernan na humawak sa kamay kong nakadantay sa'kin hita.

Tiningnan ko siya.

"Sir Hernan?" Narinig ko ang pag 'tsk' nito bago gagapin ang kamay ko na kinatigil at tingin ko doon. Pinagsiklop nito ang aming mga palad.

Rumagasa muli ang tibok ng aking puso. Parang lalabas na ito mula sa aking dibdib. E-eto na ba? Gagawin niya na ba akong kabet? Papayag ba ako o magpapakipot muna?

Tangina, Belle! Mag-isip kang mabuti!!

"May boyfriend ka na?" Matiim nitong tanong sa'kin. Pasulyap sulyap sa daan at sa akin. Hinihintay ang aking sagot. Agad akong umiling.

"Wala pa, nbsb.. baka may nais kang ireto sa'kin, Sir?" Napapikit ako sa'kin idinugtong. Minumura ang isip ko kung bakit iyon lumabas sa bibig ko. Napakatabilas ng bibig ko!

Narinig ko ang mahina nitong tawa. Namumula naman sa hiya ang mukha ko, siyempre may hiya pa ako! Jusko!

Unti unting naging seryoso ang mukha nito. Pinisil niya ng ilang beses ang palad ko at nagbigay iyon ng kilabot na pakiramdam sa'kin.

"Gusto kita, Belle. Nagnanasa ako sa katawan mo. Binaliw mo ang utak ko. I want you to be mine. I want to keep you beside me. Would you be my mistress?" Walang paligoy ligoy niyang sabi. Puno ng kaseryosohan ang mukha ni Hernan sa harap ko. Walang halong biro o trip. May kakaiba sa tono ng boses nito. Hindi ko alam kung ano.

Nais kong magalit, magbulyaw, at suntukin ang kanyang pagmumukha dahil sa huli niyang sinabi, lahat ng kaniyang sinabi. Pero pinigilan ko ang aking sarili. Dahil ito naman ang ninanais ko diba?

Kahit biro ko lang iyon na may halong pag-asam ay nabibigla at guluhan pa rin ako sa walang kagatol na pahayag ni Hernan. Iba pa rin pala kung galing na mismo sa bibig niya na nais niya akong maging kabet.

Tangina! Magiging kabet ako?! Ang beauty kong ito ay kabet lang? Kabet lang. Iyon ang dating ng level ko para kay Hernan! His mistress to be.

Anong gagawin ko? Papayag ba ako? Maling mali ang maging kabet ako! Pero tangina! Ibang salita ang dumulas sa bibig ko!! Letse!

"O-okay."

***
Please votes, comments and share. Thank you.

MAYAMBAY.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mafia Affair Series #:2- I'm A Mafia MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon