Akala ko naman ay seryoso niyang sasagutin ang aking mga katanungan pero hindi pala. I did not asked him about that since it seems like he is not comfortable about it and I respect it.
Maybe he is also protecting himself kaya iniiwasan niyang maglabas ng too much information about him.
"How about you, what do you do in life?" He asked me back.
"Kahit ano," natatawang sabi ko. Pagkatapos nito ay sinimulan ko na ang pagkain ng sisig.
Nabalot ng katahimikan habang kami ay kumakain.
"Anong name ng king dito sa Tresseria?" Basag ko sa katahimikan. Bigla siyang nasamid at marahang uminom.
"W-why you ask?" Gulat na response niya.
"I'm just curious."
Naalala ko kasi na I already searched the name but I already forgot. Tinanong ko na rin sa kanya para mayroon kaming mapag-usapan.
"King George Cygnus Trevia."
Napansin ko na medyo nag-iba ang aura ng kanyang mukha. Medyo naging seryoso ito kaya napalunok na lamang ako.
After that ay muli nanaman kaming nanahimik. Ako naman ay walang maisip na topic.
Kakakilala pa lang namin ubos na agad ang topic. Ang malas.
Napansin kong nagva-vribate ang phone nya na parang may tumatawag. Tinignan niya ito at pinatay. Maya-maya ay nag-vibrate muli at pinatay nanaman. Napansin kong medyo kinakabahan ang kanyang mukha at luminga-linga sa paligid.
"After we eat, is it okay kung ihatid na kita sa hotel?" Tanong nito.
"Sure."
"Sorry ah, I'm planning to take you somewhere pero next time na lang," nanghihinayang niyang sabi.
So hindi lang pala dinner ang gagawin namin ngayon? May iba pa pala syang pakulo?
"Don't be sorry, I understand."
Kahit hindi ko alam kung ano man ang kanyang emergency ay nauunawaan ko naman ito.
After namin kumain ay naglakad na kami pabalik sa hotel. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na pagmasdan ang kanyang mukha. Napansin kong kanina ay parang kinakabahan siya ngunit ngayon ay parang malungkot siya.
Sinalubong niya ang aking tingin sa kanyang mga mata. His eyes cannot tell a lie. His eyes looks so sad. I suddenly became so curious about his life. But syempre I preferred not to ask because I respect his privacy.
"Thank you so much sa dinner," nakangiting sabi ko bago hinanap ang susi ng room sa aking maliit na sling bag.
"I'm the one who must thank you," he said while smiling.
I frowned.
"Why me? Ikaw nga 'yung nanlibre ng dinner eh," I said while chuckling a bit.
YOU ARE READING
Hydrus
RomanceAquila Belvich is a famous actress, model, vlogger and she also has a business. She had everything that most people wanted to have. But when she came in Tresseria, in just a one snap everything will change. OCTOBER 17, 2021─X