I went back to my house at si Caelum na ang nag-drive ng sasakyan. Sabi niya ay kukuhanin muna niya ang kanyang gamit sa tinutuluyang apartment bago tuluyang lumipat dito.
"Aquila!"
Papasok na sana ako sa loob ngunit narinig ko nang boses ni Carina. Nandito na pala sya?
"Nakabalik kana pala," gulat na sabi ko at niyakap sya.
She hugged me back. Habang tumatagal ay naririnig ko napapansin kong tumataas baba ang kanyang balikat. Narinig ko rin ang mahinang hikbi niya.
"Anong nangyari?" Naguguluhang kong tanong. Hindi sya sumagot at patuloy lang sa pag-iyak.
Ilang minuto lang ay nahimasmasan na siya. Pumasok kami sa loob at inabutan ko siya ng tubig. Bagsak ang kanyang katawan at mapulang-mapula ang mga mata.
She looks so tired.
"Ano bang nangyari?" Tanong ko muli. Hindi siya sumagot at ipinikit ang mga mata na para bang mayroong inaalala.
"Business," mahinang sabi nito. Sabagay, wala naman na siyang pamilya na poproblemahin. Wala rin siyang love life kaya business ang iniintindi.
"Huwag ka masyadong magpa-stress," mahinang sabi ko dito.
"Sige lulutuan muna kita. Malapit na rin mag-dinner," paalam ko at tsaka pumunta sa kusina.
Nag-prepare ako ng mga sangkap sa lulutuing sinigang na bangus. Habang nililinis ko ang isda ay biglang pumasok si Carina sa kusina kaya napatingin ako.
"Nasaan 'yung charger mo? Pahiram ako."
"Nasa sling bag ko. Dinala ko kanina," mahinang sabi ko. Tumango na lang siya at tsaka umalis na muli.
Bigla kong narinig ang tili ni Carina kaya napatakbo akong 'di oras. Nanlamig ang mga mata ko nang makita na hawak niya ang picture nung ultrasound ko.
"You're pregnant?!" Gulat na sabi nito. Wala sa sariling napatango ako.
Tumili pa ito at tsaka yumakap bigla sa akin. Ang kanyang emosyon ay malayong-malayo kanina na sobrang lungkot. Sa ipinapakita niya ay parang mas masaya pa sya sa nalaman na buntis ako.
"Gosh! Magiging ninang na ako!" Masayang sabi pa nito at pinagmasdan muli ang picture.
"Ito ba 'yung pinoproblema mo lately?" Tanong niya.
"Yes. Sorry I didn't tell you about this kasi—"
"It's okay. I understand. Hindi madali ito," nakangiting sabi nito.
I honestly feel so bad for not telling to her. I feel like poproblemahin niya rin kasi ang problema ko at ayokong maging burden sa kanya. Mas lalo ngayon na medyo alanganin 'yung business niya.
"But who's the father?" She asked out of curiosity.
"One night stand," I shyly said. Her eyes widened and looks so shocked.
"Really? Nakipag one night stand ka ng walang dalang condom?" Gulat na sabi nito na para bang nang-aasar pa.
Oo na! Medyo shunga ako sa part na hindi ako nag-ingat! It's my fault after all for not protecting myself.
"Uh... Yeah."
She asked a lot of questions about my pregnancy. Kamusta na daw ba at kung nagpa-check up na ba ako sa doktor. She even said na dapat mag-shopping kami bukas para sa baby.
"Hindi pa nga natin alam ang gender mamimili na tayo agad," naiiling na sabi ko sa kanya.
"Eh ano naman? Unisex things naman ang bibilhin," she defended.
"Tsaka you know may alam akong magandang crib. Sagot ko na ang crib," masayang sabi pa nito.
Kung ano-anong bagay pa ang sinabi niya sa akin ma gusto niyang bilhin para sa baby. Kulang na nga lang eh pati diaper at gatas sagutin na niya.
"Yung totoo, sino ba ang buntis sa ating dalawa? Mukhang mas excited ka pa sa akin eh," natatawang sabi ko.
"Duh, of course you! But I consider that child as my inaanak and pamangkin at the same time!" Masayang sabi pa nito habang tutok sa naka-charge niyang phone.
Napa-iling na lamang ako at bumalik sa kusina para ituloy ang pagluluto. Iniwan ko na siya doon sa may living room.
Habang nagluluto ay hindi ko maiwasang isipin si Aristotle. Should I call him King Hydrus now?
Napailing nanaman ako at ramdam na ramdam ko 'yung sampal ng pagiging commoner ko kapag naalala ko na ginagalang at nirerespeto siya ng nakararami.
Buo na ang loob ko na itago sa kanya ang pregnancy ko pero sumagi sa isip ko na parang ang unfair naman yata. Siya ang ama at dapat ipaalam ko sa kanya. But how about our safety? Paano kapag nalaman nila na connected kami sa hari? Pati kami baka ipapatay. Ayoko naman na mangyari iyon.
Pinapakulo ko na ang niluluto nang marinig ang pagbukas ng gate. Medyo maingay kasi iyon. Agad akong lumabas dahil alam kong si Caelum iyon.
Naabutan kong nagtatakhang tinignan ni Carina si Caelum na may bitbit na dalawang bag.
"Sino 'to?" Tanong ni Carina at itinuro si Caelum.
"Driver ko," maikling sabi ko.
"Ako nga po pala si Caelum," magalang na pakilala nito kay Carina.
"What's your surname?" Taas kilay na tanong ni Carina.
"Rivas," maikling sagot nito. Kitang-kita ko kung papaano sila nagsusukatan ng tingin na tila ba naghahamon ng away.
Ano bang problema nilang dalawa? Ramdam ko yung tension eh.
"Sure kang Rivas ang surname mo? You look familiar," masungit na sabi ni Carina.
"Yes, I'm Caelum Rivas, ma'am."
"Okay," sagot nito at umalis. Bumalik na sya sa paggamit ng kanyang phone na naka-charge.
Lumapit naman ako kay Caelum. "Tara, dito 'yung room mo," sabi ko at inihatid siya sa kanyang silid.
"Pasensya kana kay Carina ah, ganon lang talaga 'yun. Hindi ka pa niya kasi kilala," sabi ko pa bago tuluyang umalis.
Bumalik na ako sa kitchen at tinignan 'yung niluluto. Tinikman ko ito bago patayin dahil sakto na ang lasa. Nagulat ako nang biglang pumasok si Carina na seryosong-seryoso ang mukha.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ayoko 'yung driver mo."
Napakunot naman ako ng noo.
"Hindi naman ikaw ang nag-hire sa kanya eh, ako," sagot ko dito.
"I just feel like na masama siyang tao," seryosong sabi nito. Wow napaka judgemental. Never kong narinig mamintas si Carina at nagsabi ng mga bagay na ganito.
"Huwag ka ngang magbase sa appearance," depensa ko. Hindi naman niya kilala 'yung tao kaya wala siyang karapatan manghusga.
"Bahala ka. Basta ayoko sa kanya," asar na sabi pa nito.
"Uwi na ko," paalam pa nito. Hinatid ko siya sa labas.
Kunot-noo ko lamang siyang pinagmasdan habang paalis. She was acting so weird for the past few days.
"Yes, I will inform you... She's fine," nabaling ang atensyon ko nang marinig si Caelum na may kausap sa kanyang phone. Naroon sya sa living room at nakatalikod sa akin.
"Caelum?" I called him. He looked at me and shock was written on his face. He turned off his phone and put it in his pocket.
"Yes, ma'am?" Magalang na sagot nito.
"Nothing," nasagot ko na lamang. Hindi naman dapat kasi ako nakikialam sa personal niyang buhay. Kahit sobrang curious ako kung sino 'yung kausap niya ay hindi tama na manghimasok ako. Besides hindi kami close.
"By the way, I already cooked for dinner. Kain na tayo," maikling sabi ko.
"Eh 'yung babae po kanina?" He asked about Carina.
"She already left."
YOU ARE READING
Hydrus
RomanceAquila Belvich is a famous actress, model, vlogger and she also has a business. She had everything that most people wanted to have. But when she came in Tresseria, in just a one snap everything will change. OCTOBER 17, 2021─X