CHAPTER 08

3 0 0
                                    

"Are you out of your mind, Aquila?" High blood na sabi ni madam nang sinabi ko sa kanya na balak kong mag-resign. Aayusin ko na rin ang papers ko para maalis dito.

"Kasikatan mo pa naman ngayon! Bakit naman sasayangin mo ang pagkakataon?!" Dugtong pa niya.

"I have a lot of reasons," I explained and sighed.

"At ano naman 'yang mga reasons mo?!"

Huminga ako muli ng malalim. "Personal reasons," maikling paliwanag ko.

"Sabihin mo sa akin 'yan mga personal reasons mo! Titignan natin kung valid!" Pamimilit nito. Umiling lamang ako at tsaka umiwas ng tingin.

"Hindi ko naman kailangan sabihin sa iyo ang lahat," mahinahon na sabi ko.

"Ako ang manager mo! Dapat sabihin mo sa akin. Sayang naman ang career mo! Ang daming endorsement para sayo tapos ngayon lalapitan mo ako tapos sasabihin na titigil kana?!"

"Madam, I owe you a lot. I'm so thankful na nandyan ka para sa akin pero please, I need a break," mahinang sabi ko.

Pagod na pagod na ako sa lahat ng nangyayari. Feeling ko hindi ko na kakayanin.

Mas lalo pa ngayon na kilala ako ng mga tao, ayokong ma-invade nila ang aking privacy. Marami pa namang chismoso at chismosa sa panahon ngayon.

"Ang akin lang naman, sana sabihin mo 'yung reason mo. Dahil alam mo napamahal ka na rin sa akin. Pero nanghihinayang ako sa career mo, mas malayo pa sana ang maabot mo kung magpapatuloy ka," kalmadong sabi nito.

Sa wakas at kumalma na rin siya. Hindi kagaya kanina na kaunti na lang at bubuga na ng apoy.

"I'm sorry madam, it's too personal po," nakayukong sabi ko.

Kay Carina nga na close friend ko hindi ko masabi ang lahat ng pinagdadaanan ko what more pa sa ibang tao hindi ba?

I'm not yet ready to tell. Ayoko muna na mayroong makaalam na iba. Sa akin na muna 'to habang nag-iisip pa ako kung ano ang susunod na gagawin. Baka kasi kapag sinabi ko sa iba ay sila ang magdesisyon para sa akin. Ayoko ng ganon.

"Sige, nirerespeto ko 'yan kung ayaw mong sabihin sa akin," lumapit sya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. "Basta kapag kailangan mo ng tulong at gusto mong bumalik sa pag-aartista lapitan mo ulit ako. Tutulungan kita," nakangiting sabi nito.

"Salamat ng marami madam," at tsaka niyakap ko siya ng mahigpit.

At doon natapos ang isa sa aking kaligayahan.

In order to protect my baby is to surrender my career as an actress. Sisimula ko na rin na lumayo muna sa social media.

After kong pumunta kay madam ay dumiretso ako sa bahay ni Carina. Sabi nya sa akin kanina ay wala siyang trabaho at mag-stay sya sa bahay nya dahil may gagawin.

"Hi! Kamusta?" Salubong ni Carina na kumakain pa ng saging nang makapasok ako sa loob ng bahay.

"Ayon, wala na 'yung career ko."

Halos mabulunan siya sa kanyang narinig at nanlaki ang mga mata sa gulat.

"Ano?!"

"Bakit naman? I mean anong nangyari? Tinggal ka ba ni madam or what?" Usisa niya.

"Ako ang nagdesisyon doon," mahinahon na sabi ko. I suddenly feel sad, knowing na wala na akong career na babalikan.

"Why?"

"Carina, marami akong dahilan," maikling paliwanag ko.

"Pero hindi mo sinasabi sa akin. Alam mo ba nagtatampo na ako sayo. Alam kong may problema ka pero hindi mo sinasabi sa akin. Ayaw naman kitang kulitin kasi baka need mo ng space at nirerespeto ko 'yun."

HydrusWhere stories live. Discover now