"Aquila, mag-iingat ka doon. Alam mo naman ang nangyari sa reyna ng Tresseria, hindi ba?" Paalala ni Carina habang nagda-drive. She offered to drive at ihatid ako sa airport. And today is my flight papunta sa Tresseria.
"Oo naman, malulungkot ang mga Eagles kapag nawala ako," biro ko dito. By the way, Eagles ang tawag sa mga taong sumusuporta sa akin.
"At isa na rin ako sa malulungkot," sabi nito.
"Sa tingin mo, bakit kaya pinatay ang reyna?" Wala sa sariling tanong ko. Base naman sa mga nabasa kong article ay mabait at marunong makisama si queen Hydra kaya paanong nangyari na pinatay sya? At hindi ba kapag parte ng royal family ay mayroong royal guard na palaging kasama? Siguro mga two weeks ago na nang ibalita ang pagkamatay nito.
"We don't know. Kahit naman kasi sabihin natin na mabait ang reyna marami pa ring tao ang naiinis. Hindi ba may mga tutol rin sa pamumuno ng mga Trevia?" Paliwanag nito. Napatango na lamang ako.
"Totoo ba na may anak ang reyna at hari?" Curious na tanong ko. Nabasa ko kasi sa isang article na may anak sila pero itinago sa publiko upang protektahan sa mga nais na manakit sa kanya.
"Yes, totoo 'yun. May isang anak sila na lalaki at balita ko pagala-gala lang ang prinsipe sa Tresseria at nagpapanggap na ordinaryong mamamayan. Ayaw nilang ilabas sya sa publiko para sa kanyang kaligtasan," paliwanag nito.
Kung totoo man ang sinabi ni Carina, ang hirap naman ng kalagayan ng prinsipe. Isipin mo, mahihiwalay ka sa mga magulang mo para sa iyong kaligtasan. Ang advantage lang na nakikita ko doon ay magagawa nya ang kanyang mga gusto. Makakagala nang walang kasamang royal guard dahil hindi naman sya kilala.
"Kaya ikaw, ingat ka sa mga gwapong makakasalamuha mo sa Tresseria ah? Baka 'yun na pala ang prinsipe at 'di mo pa alam," biro nito. Inirapan ko lang sya at tsaka kinuha ang camera sa bag.
"Kung malaman ko na prinsipe pala ang kasama ko, syempre lalayuan ko na. Malaking gulo ang kasasangkutan ko 'pag nagkataon," sagot ko dito. Syempre baka pati ako i-hunt ng mga assassin na gustong pumatay sa kanila.
"Oh, paano, nandito na tayo sa airport. Ingat ka," nakangiting sabi nito. Agad kong kinuha ang maleta at tsaka binuksan ang camera. I need to capture everything because as a vlogger, mahalaga ang bawat sandaling nangyayari sa iyong buhay at 'pag 'di mo 'to nakuhanan ay feeling mo malaki na ang nawala sa'yo.
"Thank you, Carina," sabi ko and I waved my hand. Inayos ko ang pagkakasakbit ng backpack ko at hinila na ang meleta. Sa kabilang kamay naman ay hawak ko ang camera.
Tresseria here I come!
***
"Hey, Eagles! Guess what, nandito ako ngayon sa Tresseria and this is my first step in Tresseria!" Excited na sabi ko at tsaka bumaba na ng plane.
"So ayan, nakikita nyo mahangin dito at ang presko-presko ng hangin. Ang sarap dito," nakangiting sabi ko pagkababa at tsaka dinama ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad palabas at sumakay ng taxi papunta sa hotel na tutuluyan ko for five days.
"Manong, bayad po, salamat," nakangiting sabi ko bago bumaba. Tinulungan nya akong ibaba ang maleta ko at nagpasalamat ako uli sa kanya. Tiningala ko ang mataaas na hotel and I took some video clips for my vlog.
After taking some video ay pumasok na rin agad ako sa hotel at tinungo ang aking room. I also took some video clips sa loob ng room ko and after that I charged my camera. It really sucks when your camera was drained.
I fixed my things bago ako lumabas ng hotel. Maglalakad-lakad muna ako sa labas. Siguro bukas na lang ako kukuha ng video clips dito sa labas. I decided to go in their market, 'di naman 'to ganun kalayo sa hotel na tinutuluyan ko. Good thing dahil walking distance lang rin 'to.
I bought some strawberries, jams at kung ano-ano pa. Tresseria's weather was like in our very own Baguio. Kaya ang mga products dito ay parang kagaya rin ng sa Baguio at idagdag mo pa ang maunlad na ekonomiya dito.
Hindi ko nga alam kung bakit itinutumba pa nila ang royal family eh sa maganda naman ang pamamalakad nila dito. Noon pa kasi naibabalita na sinasadyang patayin ang mga Trevia.
Hindi rin ako nagtagal at napagpasyahan kong bumalik na sa hotel. Malapit an rin kasing magpakita ang sunset and I need to capture that. And the perfect spot for capturing the sunset is on the rooftop of my hotel. Kaya nga 'yun ang nappili ko dahil maganda ang view ng sunset sa rooftop nila.
Naglakad-lakad na ako pabalik sa hotel ngunit biglang may humatak sa akin na lalaki. "Huy, a-anong ginagawa mo?" Takhang tanong ko dito. Hindi nya ako nilingon at hinatak nya ako sa kung saan. Hindi ko alam kung bakit nagpatangay ako sa kanya.
"Hoodie," sabi nito at luminga-linga sa paligid. Kumunot naman ang aking noo sa kanyang inasta.
Ano bang kalokohan ang pinagsasasabi ng isang 'to?
"Pahiram ako ng hoodie mo," muling sabi nito. Nagtatakhang tinignan ko sya. "Bilisan mo," sabi nito kaya natauhan ako. Agad kong ibinaba ang aking mga pinamili at hinubad ang over size na gray hoodie ko at ibinigay sa kanya. Mabuti na lamang at mayroon akong suot na t-shirt. Wala siyang sinayang na oras at agad nya 'tong isinuot.
Baka kapag 'di ko pinahiram ng hoodie ang isang 'to ay patayin ako o kaya naman ay i-salvage at itapon na lang ako sa kung saan.
Napatingin ako sa paligid at nanlaki ang mga mata sa nakita. Nandito kami ngayon sa lugar kung saan walang tao. Kung ano-anong pumapasok sa isip ko na baka gawin nya. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. Baka kung anong magawa ko kapag nagkataon.
He pinned me on the wall and cupped my both cheeks. He tilt his head na para bang hinahalikan ako kaya agad ko syang itinulak.
"Sino ka ba? Anong kailangan mo sa akin?" Asar na sabi ko. Tumingin muna sya sa paligid bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Trust me, I mean no harm," he whispered. Kinuha nya ang magkabilang kamay ko at ipinatong sa kanyang balikat. Kumunot naman ang aking noo nang marahan niya akong isinandal sa pader. He cupped my cheeks and tilt his head kagaya ng ginawa nya kanina.
May narinig akong yabag papalapit at titignan ko sana ngunit pinigilan nya ako. Sinalubong ko ang kanyang mga titig and I gulped.
His hazel eyes are so damn beautiful.
He has a great jaw, pointed nose, pinkish lips and damn. His hazel eyes.
"Patay nanaman ako nito. Nasaan na ba kasi 'yun?" Rinig kong sabi ng isang babae. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang kanyang mga yabag papalayo. Nang masiguro nya na wala na ang babae ay lumayo na sya sa akin at dahan-dahang hinubad ang hoodie ko.
Hindi ko napigilan na mapatingin sa kanya and he really looks so fine!
"Here," sabi nito at tsaka inabot sa akin ang hoddie. Napatitig lang ako sa kanya at tsaka napakunot ang aking noo. "Thank you," muling sabi nito kaya natauhan ako. I blinked my eyes bago kinuha 'yung hoodie sa kanya.
"You're welcome?" Alanganing sagot ko. Tumawa sya ng bahagya bago tumalikod at naglakad papalayo.
Napanganga na lang ako sa kanyang inasal. That guy. Bakit parang may tinatakasan sya kanina? Sino ba sya?

YOU ARE READING
Hydrus
RomanceAquila Belvich is a famous actress, model, vlogger and she also has a business. She had everything that most people wanted to have. But when she came in Tresseria, in just a one snap everything will change. OCTOBER 17, 2021─X