Nakangiting pinagmamasdan ko ang kalangitan ngayon. Totoo nga na maganda ang view dito sa rooftop ng hotel. Mabuti na lang at walang tao dito ngayon at tahimik ang paligid. Tinignan ko ang camera na nakalagay sa tripod at tsaka in-off na. Kanina pa kasi 'yan naka-video.
Pinanood ko ang video at wala sa sariling napangiti.
"Nice sunset." Muntik na akong mapatalon nang may magsalita mula sa gilid. Napatingin naman ako sa nagsalita.
"I-ikaw 'yung lalaki kanina," gulat na sabi ko at tsaka pinagmasdan sya na nakatingin lang ngayon sa sunset. Perfect, alam ko walang perpektong bagay o tao sa mundo but his features were so perfect for me. Sobrang gwapo nya.
"Yep, ako nga," nakangiting sabi nito nang 'di ako nililingon. Napangiti rin ako habang nakatingin sa kanya ngunit napawi iyon nang maalala ang mga katanungan sa aking isip kanina.
"Bakit nga pala parang may tinatakasan ka kanina?" Curious na tanong ko. Malay ko ba kung isa pala 'tong kawatan, takas sa kulungan o mamamatay tao.
"Hindi kasi ako pinapayagan lumabas mag-isa. Kaya tumakas ako," natatawang sabi nito. Napahinga naman ako ng maluwag sa narinig. At least alam ko na safe ako sa kanya dahil hindi siya mamamatay tao o kung ano pa man na involve sa masasamang gawain. At tsaka mukha naman syang mabait.
"By the way, I'm Aristotle... Aristotle Resvel," nakangiting pakilala nya at tsaka inilahad ang kanyang kamay.
"Aquila Belvich," nakangiting sabi ko at tsaka inabot ang kanyang kamay.
"Nice meeting you, Aquila. Hindi ka taga dito, I guess," natatawang sabi nito at tsaka binawi ang aking kamay.
"Ah, yes, this is my first time here," naiilang na sabi ko at tsaka muling tumingin sa kalangitan.
"Can I borrow your camera?" Tanong nito. Napakunot naman ang aking noo bago iabot sa kanya ito.
"Go there," sabi nito at itinulak ako nang marahan.
"Bakit?" Takhang tanong ko.
"I will gonna take a picture of you under the sunset," nakangiting sabi nito.
Ilang beses pa akong napakurap-kurap bago tuluyang nag-pose under the sunset. Nakarinig ako ng ilang beses na pag-click ng camera.
"Ang ganda," nakangiting sabi nito habang tinitignan ang mga litrato.
Na-curious ako kaya sumilip ako sa camera. Wala sa sariling napangiti ako nang makita ko ang kanyang mga kuha. Marunong syang kumuha ng litrato!
"Oo nga! Ang ganda ng mga kuha mo!" Manghang mga sabi ko sa kanya.
Bigla siyang tumingin sa akin kaya naman sinalubong ko ang kanyang mga tingin.
YOU ARE READING
Hydrus
RomanceAquila Belvich is a famous actress, model, vlogger and she also has a business. She had everything that most people wanted to have. But when she came in Tresseria, in just a one snap everything will change. OCTOBER 17, 2021─X