Isang linggo ang nakararaan simula noon pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang lahat. Sinarili ko ang lahat dahil balak ko sanang sabihin kay Carina ang pinagdadaagan ko pero busy sya, nasa Tresseria.
Bumalik muna ako dito sa bahay ko sa Manila. Birthday ni madam Jelly at inimbitahan niya ako. Sino ba naman ako para hindi pumunta. Besides malaki ang naitulong niya sa career ko kaya may utang na loob ako sa kanya.
Nagsuot ako ng red dress. Medyo fitted sya. Hindi pa naman sobrang halata ng tummy ko. Mukha lang akong bloated. Pero napag-isipan kong magsuot ng ibang hindi fitted dress para hindi makita ang tummy ko.
Kapag kasi may nakakita sa aking media doon issue nanaman.
After kong mag-ayos ay nag-drive na ako papunta doon sa hotel na sinasabi ni madam. Doon daw gaganapin ang birthday niya. Pagkarating sa hotel ay sumakay agad ako ng elevator at pinindot ang 7th floor.
"Hey, Aquila," bati sa akin ng mga nadadaanan ko. Nginitian ko lang sila at hinanap si madam. Marami rin invited na actress, models dahil kilalang magaling mag-handle si madam.
"Madam! Happy birthday!" Bati ko dito. Nakipagbeso pa ako at iniabot sa kanya ang paper bag.
"Thank you!" Sagot naman nito at tsaka niyakap ako.
"Kamusta kana? Maayos ka lang ba?" Alalang tanong nito.
"Opo, Madam. Ang saya dahil medyo tumahimik na ang buhay ko," nakangiting sabi ko dito.
Hindi na nagtagal ang pag-uusap namin dahil pinuntahan nya pa 'yung iba nyang mga bisita.
Umupo na lamang ako sa isang table. Nahagip ng mga mata ko si Orion. Akala ko ay iiwasan niya ako ngunit ngumiti siya at kumaway pa sa akin.
"Hey," bati nito. Hinatak niya ang upuan na malapit sa akin at doon umupo.
"About what happened—"
"Aquila, it's okay. I understand. You don't need to explain," he cut me off. I just nodded and tried to think of a topic.
"I'm really sorry," mahinang sabi ko dito. He just pat my head and smile.
"It's okay. Don't worry, I will not gonna force you to like me back. Basta nandito lang ako," sabi pa nito.
"Thank you," nasabi ko na lang sa kanya.
Tatayo sana ako para kumuha ng pagkain kaso bigla akong nahilo. Napahawak na lang ako kay Orion.
"You okay?" Alalang tanong niya.
"Nahilo lang ako," mahinang sabi ko at tsaka umupo muli.
"Ako na kukuha ng food mo," sabi nito.
Umupo lang ako at tsaka minasahe ang aking sentido. Ilang sandali lang ay bumalik na si Orion na may dalang dalawang plate. Bumalik pa ulit siya at kumuha ng water.
"Thank you," nakangiting sabi ko bago magsimulang kumain.
"Masama ata pakiramdam mo tapos nagpunta ka pa dito," mahinang sabi nito. "Maiintindihan naman ni madam 'yung reason mo," dagdag pa niya.
"Ayos lang ako, baka kulang lang 'to sa tulog," palusot ko. Hindi na siya nagtanong-tanong pa at kumain na lang kami.
After ng party ni madam ay balak ko na dumiretso na pauwi. Kinuha ko na ang aking gamit at tinignan kung wala na ba akong naiwan.
"Hatid na kita," offer ni Orion. I just shook my head.
"Dala ko 'yung sasakyan ko," maikling sabi ko dito.
YOU ARE READING
Hydrus
RomanceAquila Belvich is a famous actress, model, vlogger and she also has a business. She had everything that most people wanted to have. But when she came in Tresseria, in just a one snap everything will change. OCTOBER 17, 2021─X