CHAPTER 07

4 0 0
                                    

Ilang beses kong kinurot ang aking braso para ma-confirm na hindi ako nananaginip at totoo lahat ng nangyayari. Nakatitig ako sa nga vitamins na binili ko at healthy food.

Wala sa sariling napahaplos ako sa aking tiyan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na buntis ako.

Iniisip ko kung paano na lamang ang career ko. Paano ko sasabihin kay madam na buntis ako. Iniisip ko rin kung magre-resign na ako kay madam bilang artist nya. Besides mayroon naman akong source of income dahil may resort ako.

But how about the kid? Paano ko hahanapin si Aristotle at sasabihin sa kanya na dinadala ko ang anak nya?

Nagdadalawang isip pa rin ako kung babalik ako sa Tresseria. Ni hindi ko nga alam kung makikita ko sya ulit doon. Nawala pa naman 'yung phone ko doon kaya hindi ko sya ma-contact.

Isinantabi ko na lamang ang aking mga iniisip at inayos ang pagkain sa ref. Narinig kong nag-vibrate ang phone ko kaya inabot ko ito.

From Orion:
Can we meet later tonight? I'll pick you up.

To Orion:
Sure

Mabilis na lumipas ang oras at gabi na. Nagsuot ako ng black above the knee dress, simple make up at flat shoes.

Saktong-sakto ang pag-aaya ni Orion dahil gusto ko rin syang makausap about something.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang busina niya sa harap ng bahay ko. Lumabas na ako at sumakay sa sasakyan nya.

We went into a fancy restaurant. I just noticed that Orion was wearing a white shirt, tucked it in into a black pants and a pair of shoes.

"I want to thank you," he started.

"For what?" I asked and I was about to take a sip from a wine glass but I just remembered that I'm pregnant so I just put it down again. I grabbed the water and drink it instead.

"It was an honor to work with you," papuri niya sa akin.

"Huwag mo nga akong masyadong purihin, baka maniwala ako," I joked.

"Nope, I'm stating the fact. I was so amazed by your skills in acting. No wonder why many people loves you."

Many people loves me? Bigla ko na lang tuloy naalala si Aristotle. Sana sa lahat ng taong nagmamahal sa akin ay isa sya doon. Well, sinabi naman nya na mahal nya ako pero sobrang complicated lang talaga.

Pinaramdam nya rin naman sa akin na importante ako at sincere sya pero something was missing. Maybe the assurance? He just said that he'll gonna come here pero matatagalan pa.

"Aquila? Are you still with me?" Natatawang tanong ni Orion.

"Sorry I'm thinking of something," I explained.

"It's okay. I understand."

Maya-maya ay nag-serve na ang waiter ng mga pagkain na in-order namin. Nang ilapag niya ang pasta sa harap ko ay halos bumaligtad ang aking sikmura. Ang weird lang but maybe epekto ito ng pregnancy ko.

Ugh! I'm starting to hate this feeling! But not the baby.

Inilayo ko ang pasta at cordon bleu na lang ang kinain.

"I want to ask you something."

Napaangat naman ako ng tingin sa kanya at napahinto sa pagkain.

"What could that be?"

"About the guy in Tresseria... Are you guys dating?" He asked out of curiosity.

I just stared at him for a moment.

HydrusWhere stories live. Discover now