I'm here at my resort, visiting at tinitignan kung maayos pa ba. Itong resort at isang restaurant ko na lang ang pagkukuhanan ko ng income since wala na akong trabaho. May ipon rin naman ako pero tsaka ko na lang gagastusin, pag walang-wala na talaga ako.
Balak ko sanang yayain si Carina dito para makapag relax sya kaso nga lang may emergency sa business nya at nagpunta sa Tresseria.
From Orion:
Hey, where are you? Can I visit you?To Orion:
Nasa resort ako. Medyo malayo sa manila. Ikaw bahala kung gusto mo pumunta.Napagpasyahan ko na magikot-ikot muna rito since wala naman akong gagawin.
"Hi, madam Aquila. Kamusta na?" Tanong ng isang matanda na isa sa mga care taker nitong resort.
"Maayos naman po," sagot ko at tsaka ngumit ng bahagya.
"Mukhang blooming po kayo madam ah, tsaka medyo tumaba po kayo ng kaunti," puna ng isa pang trabahador.
Bigla tuloy akong napahahawak sa aking tiyan. Halata na ba masyado ang pagbubuntis ko?
Umalis na agad ako doon at pumasok dito sa maliit na bahay ko sa resort. Agad akong tumingin sa salamin at pinagmasdan ang aking tiyan.
"Unti-unti ka nang nagpapakita," mahinang sabi ko at hinimas ng bahagya ang tiyan ko.
Naalala ko na hindi pa pala ako nagpupunta sa OB simula noong nalaman ko na buntis ako. Masyado akong na-busy kakaisip kung ano ang gagawin ko sa aking buhay.
Agad akong nagpa-sched ng check up dito sa OB. Nagbihis na ako at madaling nagpunta doon.
"Good morning Mrs. Belvich," bati noong doctor kaya napangiti na lamang ako ng mapait.
Mrs. Belvich? Duh hindi pa nga ako kasal at iniwan ng ka-fling ko mrs. agad? Laking sampal naman non sa akin.
Ikinalma ko ang aking sarili at bumati na lang sa kanya pabalik. "Magandang umaga rin."
Nagtanong-tanong siya kung kailan ang last period ko at ano ang mga nararandaman kong symptoms. Pinaalalahanan niya rin ako kung ano ang mga bawal na pagkain at hindi pwedeng gawin kapag buntis.
"The baby is eight-week old," nakangiting sabi nito at habang nakatingin sa monitor.
Bigla na lamang akong napaluha sa sobrang saya. "The baby is also healthy at walang problema," dagdag pa niya.
Sa kabila ng saya na aking nararamdaman, bigla na lamang kumirot ang aking puso.
Aristotle...
Kung alam niya na magkakaron na kami ng baby matutuwa rin kaya siya? Mararamdaman rin niya kaya 'yung labis na saya na nararamdaman ko?
Ang dami-daming tanong sa aking utak ngunit pinilit kong ilisya ang mga iyon. Napakasakit kasi.
After kong magpa-check up ay lumabas na ako ng clinic. Nakakita ako ng mga babaeng malalaki na ang tiyan, mga 5-8 months na sa tingin ko. Kasama nila ang kanilang mga asawa.
Bigla na lamang akong nakaramdam ng inggit. Sana ako rin may kasama at katuwang. Sana kagaya rin nila ako.
Iniwas ko na lang ang tingin at tuluyan na ngang umalis doon. Ang hilig-hilig ko talagang saktan ang sarili ko.
Para mawala ang stress ay bumili ako ng kwek-kwek sa tabing kalsada. Bigla na lang kasi akong nag-crave. Lahat ng sama ng loob ko idinaan ko na lang sa kain. Kahit papaano ay nabawasan naman 'yung stress ko.
From Orion:
Dito na ko sa resort mo. Nasaan ka? Wala ka dito.Nagmadali akong ubusin 'yung kwek-kwek at tsaka nagmaneho pabalik sa resort.
"Hi," bati ko kay Orion pagkakita ko sa kanya dito sa resort.
"Pizza," sabi nito at iniabot ang isang box ng malaking pizza.
"Nag-abala ka pa. Salamat," maikling sabi ko at tsaka kinuha iyon.
"Bakit nga pala napapunta ka rito? Anong sadya mo?" Tanong ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa isang lamesa at sinisimulan ko nang kainin 'yung pizza na binigay nya. Napapansin ko na lagi akong gutom ngayon. Epekto siguro ng pregnancy.
"Aquila I want to tell you something," he said in a serious tone. Napatigil ako sa pagkain ng pizza at tsaka tumingin sa kanya.
"I like you."
I blinked a lot of times. Hindi naman ako nagkamali sa pagkakadinig ng kanyang sinabi ano?
"Sorry, I don't feel the same way," direstsong sabi ko.
"I knew it," mahinang sabi nito. He even chuckled bitterly.
"I mean, don't get me wrong. You're a nice guy, you have the looks, you're famous and also charming. But sorry, I like someone else."
Ayoko naman na paasahin na lang sya basta-basta. Never kong gusto na magbigay ng mixed signals sa isang lalaki dahil baka umasa tapos hindi ko naman kayang ibalik 'yung nararamdaman nya.
Boys have feelings too. Ayokong maging paasa dahil alam ko kung ano ang pakiramdam ng pinapaasa.
Ehem, Aristotle.
"I understand," he said and stood up. "I'll go now," dagdag pa nito.
"I'm really sorry, Orion."
I feel like I need to apologize dahil alam kong sa sinabi ko ay nasaktan sya.
"I understand. But can I ask who is this guy that you like?" He asked out of curiosity.
I gulped and looked away.
"Is this the guy from Tresseria? 'Yung nag-viral na kasama mo?" He suspected.
I just nodded slowly and sighed.
"Sabi na eh," dagdag pa nito at tumawa ng mapait.
"Sige, alis na ako," pahabol niya. I waved my hand and bid my goodbye.
I just watched his car hanggang sa hindi ko na matanaw pa iyon. Maybe he got hurt so much and I understand him.
Nandito ako sa may rooftop nitong bahay ko dito at nakatanaw sa mga puno na nililipad ng hangin.
Hindi pa rin sobrang nagsi-sink in sa akin na wala na 'yung career ko. Parang feeling ko na paggising ko ay pupunta pa rin ako sa taping o hindi kaya mayroong photoshoot.
Totoo nga na kaya mong i-give up ang lahat para sa kaligtasan ng importanteng tao sa buhay mo. Napahimas ako sa aking tiyan.
"Alam kong worth it naman 'yung kapalit, hindi ba?" Wala sa sariling sabi ko dito.
Pilit kong pinag-iisipan kung pupunta ba ako sa Tresseria at hahanapin sa Aristotle doon at sasabihin sa kanya na may responsibilidad sya na naiwan sa akin. Pero paano? Nawala 'yung phone ko kaya wala na akong contact sa kanya.
Napahilot na lamang ako sa aking ulo. Sumasakit nanaman 'yung ulo ko sa sobrang pag-iisip. Hindi ko na talaga alam ang aking gagawin.
Nagbalik lamang ako sa realidad nang may biglang kumatok sa pintuan. Binuksan ko ito at nakitang isa sa mga staff dito sa resort.
"Madam, food po," sabi nito. Pinapasok ko sa loob 'yung tray na may kasama pang newspaper.
"Salamat," huling sabi ko sa kanya. Nginitian nya lamang ako at umalis.
Bigla akong natakam sa leche plan at tsaka kinain na ito. May kasama pang buko juice kaya medyo na-relax muli nang aking utak. Medyo matagal-tagal na rin simula noong kumain ako ng mga ganito. Dati kasi puro ako diet dahil ayaw kong pangit akong tignan sa mga photoshoot.
Habang umiinom ng buko juice ay binuklat ko 'yung newspaper. Nabuga kong bigla ang iniinom at nanlamig bigla ang aking mga kamay sa nabasa.
Pinisil ko ng bahagya ang aking braso para masiguro na hindi panaginip lahat ng nangyayari.
King Hydrus Aristotle Resvel-Trevia is the new ruler of Tresseria.
YOU ARE READING
Hydrus
Storie d'amoreAquila Belvich is a famous actress, model, vlogger and she also has a business. She had everything that most people wanted to have. But when she came in Tresseria, in just a one snap everything will change. OCTOBER 17, 2021─X