Chapter 27: Real Date

40 0 0
                                    

Eli's POV

"Bakit ba ayaw mo 'kong tigilan Eli? Hindi mo ba talaga nararamdaman na hindi kita gusto?" Inis niyang tanong sakin

"Ramdam ko Lucas. Ever since bata palang tayo, but please. Hayaan mo na'ko, after neto. Pangako, di nako manggugulo sayo kahit kailan" Nanggigilid na ang luha ko habang nagsasalita. Sana naman maawa siya, dahil onti nalang at maglulumpasay nako

"Sige. Papayagan kita na i-date ako ng isang buwan. Pero wala kang pagsasabihan, specially our family kundi malilintikan ka sakin. Naiintindihan mo ba?" Medyo mahinahon na siya, pero may onti paring pait sa pagsasalita niya

"Oo, promise. Wala kong pagsasabihan na kahit na sino" pinahid ko ang luha ko at ngumit ng pagkalaki laki. Nangunot naman ang noo niya at mukhang di nagustuhan ang pagiging masaya ko

"You keep your promise Ellie, after 4 fucking weeks titigilan mo nako, okay? Ayokong mapalapit sayo, I don't even want to see you. But do I have a choice?" Dagdag pa niya at saka tumayo

Masakit para sakin yung mga sinabi niya, pero ginusto ko naman to diba? Malay mo after ng isang buwan mapasakin na siya o kung hindi parin, baka after neto mawala na yung nararamdaman ko sa kanya.

Pero hindi! I am Eliana Trinidad. At wala sa bokabularyo ko ang sumuko, so you'd better prepare yourself Lucas. Cause I'm gonna make you fall inlove with me, sa ayaw at sa gusto mo

Pinanood ko siyang naglakad palayo sakin. Pupunta ata ang Lolo mo sa restroom dahil na-stress sa mga sinabi ko.

Kinuha ko ang phone ko at nagtipa ng mensahe para kay Adrian na nakamasid parin sakin hanggang ngayon. Siguro iniimagine niya na kami ang magka-date ngayon? Well, hindi mangyayari yon!

To: Adrian
You can go now, pumayag narin siya sa wakas. Thanks for your help by the way

Nang masend ko ang mensahe ay agad kong ibinaba ang phone ng mapansin kong pabalik na si Lucas sa table namin.

"By tomorrow, magstart na tayo okay?" Walang choice na tumango nalang siya sabay irap. Siguro kung di lang siya makisig na lalaki, iisipin kong binabae siya, lagi nang iirap e :)

"Do I have a choice? Tss" pahabol niyang sabi at naupo na ulit sa upuan na nasa harap ko.

Kahit masungit siya sakin palagi, siya parin ang pinaka gwapong lalaking nakilala ko. Ang sarap iunat ng nakakunot niyang noo, pati yung labi niyang nakasimangot dahil sa inis sakin.

________________________

Dinadaldal ko lang siya kahit na di naman siya umiimik, di ba siya natatakot na mapanisan ng laway? Nakatingin lang siya sakin, walang kaemosyon emosyon, feeling ko tuloy napipilitan lang siya (Which is totoo naman WAHAHAHA!)

"Alam mo ba, unang beses palang kitang nakita non. Nahulog na'ko sayo, kahit wala kang ibang ginawa kundi ang sungitan at layuan ako. Wala akong ibang nakikita, kundi ikaw lang.." Mahina kong sabi, nakita ko na ngumiti siya ng kaunti or guni-guni ko lang yon?

"Oh tapos? Share mo lang?" Sabi niya at inirapan ako ulit. Nauubos na ang pasensya ko, parang gusto ko ng dukutin yung masungit niyang mata, pero naiisip kong mahal ko nga pala siya, kailangan ko siyang pagpasensyahan

"Naaalala ko pa one time, naglalaro kami ng kapatid mo kasama yung kapatid nung yaya niya, si Mika? Tinulak niya ko nung natalo ko siya sa nilalaro namin, then nung ginantihan ko siya saktong pagdating mo. And sobrang nagalit ka sakin without even asking me kung ano ba talagang nangyari. Pinatahan mo siya kasi umiiyak siya, and iniwan mo kami ni Louise. Sobrang nasaktan ako non, and umiyak ako ng umiyak. Sabi ko makakalimutan din kita. Pero kinabukasan lang din, nakita kita. At yung puso ko, tumibok na naman para sayo.." natatawa kong sabi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Girl He Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon