ELIANA'S P.O.V
"Bakit naman kita tutulungan? E tinulak mo nga ko palayo sayo kahapon" sabi ko at tsaka siya inirapan
"But that was an accident. I didn't mean it to hurt you" sabi niya na mukha namang sincere siya pero hindi ko pwedeng ipakitang sumasang-ayon ako sa rason niya.
Kung wala lang siya sigurong kasalanan sakin ngayon e nangisay ngisay nako sa harapan niya dahil sa sobrang kilig, kaso hindi naman pwede, dahil galit ako. Oo galit ako! (We? Di nga?)
"Kahit ano pang sabihin mong dahilan, itinulak mo parin ako. Kaya ikaw na ang gumawa ng paraan para mapalapit ka kay Elise. Goodluck nalang sayo!" Sabi ko at tinalikuran na siya. Napangiti naman ako habang naglalakad, ngayon ko lang nagustuhan ang pagsusungit ko :')
_______
Pagtapos ng huli kong klase e masaya kong niligpit lahat ng gamit ko at ipinasok lahat sa loob ng dala kong backpack.
Nagpalit kasi ako kanina ng bag dahil di naman talaga ako sanay na gumamit ng handbag, medyo nagtalo pa nga kami ni mommy habang pinapakita niya sakin ang mga resibo ng mga bag na binabalewala ko daw.
Haler?! School po ang pupuntahan ko, hindi kung anong party o kung ano pa man na kailangan mag display ng designer bag. Tsaka hindi comfortable pag ganon.
Tinignan ko ulit ang mensaheng na-receive ko sa iisang number na kahit kailan e hindi manlang nagreply sakin. Pabebe kasi ang lolo niyo XD
Ayon sa kanya e, susunduin niya daw ako ngayon at tulungan ko siyang mapasagot si Elise. Akala naman niya talagang gagawin no yon ha?
'Ano kayang ginagawa ni Lucas sa labas ng room natin?'
'Oh my god! Seryoso? Nandyan siya?'
'Nako girls mauna nako, nandyan na pala si Lucas. Mukhang ihahatid nako samin'
'Gaga! Ako ang ihahatid niyan samin!'
'Hoy mga ambisyosa! Ako ang ihahatid niyan!'
"HOY! MANAHIMIK KAYO, KUNG AYAW NIYONG IHATID KO KAYO SA PAGLILIBINGAN NIYO!" Napatahimik naman ang apat na malalandi kong kaklase. Mga echosera! Akin lang si Lucas no! Inirapan ko muna silang apat bago ako naglakad papunta sa may pinto, with my very sexy walk.
Nakita ko agad si Lucas sa labas ng room. Nakasandal siya sa pader katapat lang ng pinto, habang naka-pasok ang kamay niya sa isang bulsa at ang kabila naman e nakahawak sa backoack niya na isa lang ang nakasuot. Meron din siyang earphones sa tenga, at ang buhok niya? As usual, mukhang di sinuklayan pero bagay na bagay sa kanya!
Nagkatinginan muna kami bago siya lumapit sakin. At dahil may pagka-maarte akong nilalang e inirapan ko siya at tsaka naunang maglakad
"Eli! What's wrong with you?" Sabi niya at hinawakan ang braso ko
Napatigil ako at hindi agad nakaharap dahil sa sobrang pagkakilig. Ramdam ko ang kung anong saya bigla sa puso ko, at ngayon ko lang narealize na, totoo pala ang butterfly sa stomach lalo kapag kinikilig ka sa tamang tao, parang any moment e susuka ako ng rainbow sa sobrang kilig!
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed
RomanceSi Eliana Trinidad o mas kilala bilang Eli ay matagal ng may pagtingin para kay Lucas Buenaventura Lahat ng paraan para mapansin siya nito ay ginawa na niya, pero ni isa ay di bumenta sa lalaki. Meron na kasi itong ibang napupusuan, ang kapatid niya...