Chapter 17: Allergy

68 3 0
                                    

ELIANA's P.O.V


"Dahan-dahan lang kasi girl! Wala kang kaagaw!" Sabi ni Louise at tinapik tapik ang likod ko







"Ay, meron pala HAHAHA!" Sabi niya at pasimpleng inginuso ang dalawang nasa harap namin







Di manlang nila napansin na nasamid ako dahil sa paglalandian nila. Parang ang sarap ibaliktad bigla ng lamesa tapos idagan sa kanila. Napaka-sakit nila sa mata!







Nakatingin lang ako sa kanila habnag tuloy-tuloy parin sa pagkain. Hindi ko alintana kahit na nasamid nako kanina







Hindi sila nakain pareho, nagtatawanan lang silang dalawa habang nagku-kwentuhan. Ano wala kayong kasama ha?!







"Easy ka lang Eli, wag mong ipahalata na nagseselos ka. Baka pati ang plato't kutsara makain mo na" bulong sakin ni Louise kaya tinignan ko siya ng masama







"Kanina kapa! Naiinis na'ko sayo!" Gigil kong bulong sa kanya






"Sorry na, sige na kain ka lang" natatawa niyang sabi at kumain nalang rin







"Yah! Tapos nung kumain tayo sa isawan kahapon napaso ka, ang takaw mo kasi hahahaha!" Sabi ni Lucas sa malakas na boses, medyo napapatingin tuloy sa kanya ang ibang tao







Bakit ganyan siya? Napaka sama ng ugali niya. Bakit pag si Elise ang kasama niya sobrang saya niya, tapos pag ako parang gusto na niya agad matapos yung araw







"Oh my gosh Eli! Anong nangyayari sayo?" Napatingin naman ako kay Louise kasi bigla siyang napatili







"Ate your face!" Sabi ni Elise kaya sa kanya naman ako napatingin







"A-anong meron sa mukha ko?" Sabi ko at kinapa ang mukha ko







Shit! May allergy nga pala ako sa hipon!






"Ma'am ayos lang po ba kayo? Tatawag na'ko ng ambulansya!" Sabi nung waiter na biglang sumulpot na naman sa tabi ko







"Let's go Eliana.." sabi ni Lucas at 'di ko namalayan na binuhat niya na pala ako







Parang gusto ko pang kumain ng hipon...


__________


"I'm so sorry Tito and Tita, hindi ko po naalala na may Allergy siya, sorry talaga" sabi ni Lucas kay mommy at Daddy







Nasa ospital kami ngayon, sa pinaka-magandang room ako napunta dahil ang daddy ni Lucas ang doctor na umasikaso sakin







Pero kahit hindi naman ang daddy niya ang aasikaso sakin e hindi ako papayag na mapunta ako sa pangit na hospital room







"It's okay hijo. Mabuti nalang at naagapan agad siya" sabi ni Mommy kay Lucas







"Ate ayos naba ang pakiramdam mo?" Sabi ni Louise sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Gusto kong alisin ang kamay niya pero wala akong lakas







"Basta Mr and Mrs Trinidad, wag kakalimutan na ipainom sa kanya ang lahat ng gamot na nireseta ko sa kanya" sabi ng daddy ni Lucas at nginitian ako


___________

"Etong orange ipaghihiwa rin ba kita?" Sabi ni Louise habang kinakain ang apple na hiniwa niya para sakin






"Wag na, baka kulang pa sayo 'yang mga dala mo" sabi ko at inirapan siya





Linggo na ngayon at nandito parin ako sa hospital dahil kailangan daw akong obserbahan. Kadarating lang ni Louise galing sa kanila, iki-nancel niya muna ang date nila ngayon ni Julius para puntahan ako, gusto ko sanang ma-touch kung di niya lang kinain amg mga prutas na dinala niya para sakin






Naka-upo ako ngayon sa kama habang nag-scroll sa cellphone ko. Tapos na'kong kumain ng lunch at nakainom narin ng gamot, nagpapahinga nalang ako kasi baka mamaya ma-discharge na'ko







"Nasan pala si Lucas?" Mahina kong sabi sa kanya. Buhat kasi ng dalhin niya ko dito kahapon ay di 'ko pa ulit siya nakikita






Masyado niya namang pinaparamdam sakin na hindi niya ko gusto...







"Nandon sa labas, kausap yung kapatid mo" sabi niya at nginitian ako ulit tsaka kinain ang orange nabagong hiwa niya

_________

Don't forget to vote, comment and follow me!

©themidnightsleeper (JustineArciaga)

The Girl He Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon