Chapter 6: Sana ako nalang

71 6 0
                                    

ELIANA's P.O.V

"You really look like your mom Eliana" sabi ni Tita Alexa habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa

Tapos na niya kong ayusan. Suot ko na ang gown na nabili namin kanina sa Botique Shop ni Tita Denise (kapatid ni Dad) pati ang heels. Inayos niya rin ang buhok ko tsaka nilagyan ng clip palibot sa buhok kong tinali niya into bun


Sobrang sarap sa pakiramdam ng suot kong gown, magaan lang siya at di mainit. Ano kayang magiging reaksyon ni Lucas pag nakita niya kong nakaganto? Hindi niya pa kasi ako nakita na nagsuot ng gown o kahit anong dress, palaging pantalon, short, shirt at uniform lang ang isinusuot ko


"Mukhang excited na siyang maisayaw ni Lucas" narinig kong bulong ni Dad kila mommy at tita kaya biglang uminit ang mukha ko


"Lucas? Yung gwapong anak ni Lisa?" Nakangiting tanong ni tita kila mommy at tumingin sakin


"Y-yun nga po tita.." nahihiya kong sabi sa kanya. Natawa naman silang lahat sa reaksyon ko




"Mom? Ready na po ba si Ate? Nandito na po si Manong Ronaldo, ihahatid na po kami sa School" sabi ni Elise mula sa labas ng kwarto ko. Saved by her




[After 30 minutes]


Mas lalomg gumanda ang school namin ngayon dahil sa mga dekorasyon. Meron ding mga ilaw sa gilid at smoke na nanggagaling sa machine. Marami na ring tao sa loob kaya medyo kinakabahan nako




"Ate mauna na'ko ha? Nandyan na kasi yung mga friends ko e" nakangiting sabi ni Louise at lumakad na papasok





Tumingin-tingin muna ko sa paligid bago tinahak ang red carpet papasok. Naka-chin up ako as usual habang dahan-dahang lumalakad. Lahat sila ay napatingin sakin, ngayon lang kasi nila kong nakita na nagsuot ng heels at gown, well nagsusuot naman ako ng heels kaso laging kapartner sa jeans





'Look at her, bakit ang ganda niya lalo ngayon?'

'Look at her curves, bwisit bakit hindi ganon ang sakin!'

Narinig kong bulong ng mga senior girls sa gilid. Napa-ngisi nalang ako, mamatay kayo sa inggit





___________

Nang makita ko ang lamesang nakalaan para samin ng mga friend ko charr! (Si Louise nga lang pala ang friend ko) ay lumakad ako agad palapit do'n




"You look so stunning Eli!" Sabi ni Louise habang naglalakad palapit sakin. Nakasuot siya ng ballgown na kulay darkblue at silver na heels





"Ikaw din Louise!" Nakangiti kong sabi, habang tumitingin sa paligid





"Sabi sa Julius si Eli yung nakita ko kanina sa gate e!" Dumating si Julius at Andrei na nagbabatukan. Nakasuot sila pareho ng Tuxedo na kukay itim at gwapong gwapo sa mga ayos nila




Tumingin ako sa likod nila dahil baka kasama na nila si Lucas pero hindi pala





"Hinahanap mo si Lucas?" Nagulat ako ng lumapit sakin si Andrei at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko nalang siya pinansin at itinuloy ang pagtingin-tingin. Baka mahagilap ko si Lucas, malapit ng magsimula ang event, siguradong tatanungin na niya 'ko




"He's not here. Nakapila na siya, hinihintay yung kapareha niya" sabi niya sa mababang tono kaya napatingin ako sa kanya. Magsasalita pa sana siya kaso biglang may nagsalita sa mic




"Everyone, please fall in line. The event will start in 5 minutes, thank you" tinalikuran ko nalang siya at lumakad papunta sa pila





Nakita ko agad si Lucas sa unahan kaso maraming tao kaya hindi ako makasiksik, kainis!




"Alcantara Julius and Buenaventura Louise" narinig kong sabi ng Emcee. Napangiti naman ako, natupad din ang pangarap ni Louise

"Alcantara Carter James and Valderama Claire.." nagsimula ng umusad ang pila kaya wala ng harang masyado sa daan ko





Lalapit na sana ko kay Lucas kaso may biglang tumulak sakin kaya napahawak ako sa pader at muntikan ng tumumba





"Sorry po Ms" sabi nung lalaki at tumakbo palayo. Wala akong oras makipag-away ngayon kaya hindi ko nalang siya pinansin. Inayos ko muna ang suot ko na mesyo tumagilid at tsaka naglakad dahan-dahan palapit kay Lucas





"Buenaventura Lucas and Trinidad....." Nakipagsiksikan nako ng malapit sa kanya dahil dumami na naman ang tao na nakakalat





"Excuse me, ako na ang susunod" sabi ko at tinulak ang mga ayaw umalis sa harap ko. Malapit na malapit nako kay Lucas at abot kamay ko na siya kaso....





"Elise..." Napatigil ako sa kinatatayuan ko at napatingin nalang sa kanilang dalawa, na masayang tinatahak ang red carpet





"And now my baby's dancing, but he's dancing with another girl" bulong ng kung sino sa tenga ko, kaya lalo akong nalungkot



"Buenavista Andrei and Trinidad Eliana" hindi ko namalayan na ako na pala ang tinawag, kahit masama ang loob ko ay hinawakan ko ang kamay ni Andrei at tinahak namin ang red carpet.




Tanaw ko mula sa nilalakaran ko ang dalawang taong importante sa buhay ko, pareho silang nakangiti sa isa't-isa at di alintana ang dami ng tao sa paligid






"Sana ako nalang.." mahina kong bulong

_________

Don't forget to vote, comment and follow me!

© themidnightsleeper (JustineArciaga)

The Girl He Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon