ELIANA's P.O.V
"Sigurado kaba Eli? Bagay talaga sakin 'tong kulay Violet?" Tanong ni Louise at umikot-ikot pa sa harap ko na parang trumpo
"Oo nga! Paulit-ulit ka naman e!" Reklamo ko dahil pang limang beses na tanong na niya sakin 'yon
"Ih! Ano kayang isusuot ni Julius no? Babagay kaya ang tema ng suot ko sa suot niya?" Sabi niya at mukhang nagd-day dreaming na naman kay Julius
Hindi ko na minsan maintindihan kung anong tumatakbo sa isapan niya. She was too obsessed with that Julius
"Ay Eli, kanina nga pala nakita kitang may hinulog na papel sa locker room ni kuya!" Tinakpan ko agad ang bibig niya dahil baka may ibang makarinig
"Pano mo nakita? E wala namang ibang tao don?" Nagtataka kong tanong at hinila siya paupo sa mini-sofa niya
"Kasi naman Eli, bago kapa dumating don nauna na'ko sayo. Naghulog din kasi ako ng sulat sa locker ni Julius, e magkatalikuran lang naman sila ng locker ni kuya kaya 'yon" natatawa nitong sabi at umikot-ikot ulit sa harap ng salamin na parang timang
"Akala ko pa naman walang nakakita sakin, nakakainis!" Bulong ko sa sarili ko at nag-halumbaba
This is so embarrassing! Louise might actually think that I'm crazy over her brother (which is true!)
"Wag kang mag-alala, secret lang natin 'yon dahil kaibigan naman kita" sabi niya pa at nginisian ako, shit! Nakakahiya talagaaaa!
"Magbihis kana nga! Uuwi nako babye!" Sabi ko sa kanya at lumabas na sa kwarto niya, narinig ko pa ang pag-halakhak niya bago ko pa masara ang pintuan ng kwarto niya
Baka mamaya mahalata ni mommy na wala ako sa kwarto ko, siguradong bubungangaan na naman ako non. Tumakas lang kasi ako samin dahil nga grounded ako
"So yayayain mo siyang maging partner mo?" I stop when I heard Andrei's voice coming from the living room. I stopped for a moment and hid behind the wall, knowing that it would be wrong to listen to what others were saying, but I can't
"Oo, susubukan kong kausapin ulit siya bukas. Sana pumayag siya" napatakip ako sa bibig ko. Shit! Boses ni Lucas 'yon! Mukhang ako yung pinag-uusapan nila! Mukhang ako talaga ang balak niyang ayain para sa Friday!
Lumabas na'ko sa tinataguan ko at naka
chin-up na naglakad papunta sa pwesto nil@"Uuwi kana Eli? Baka gusto mong mag-stay muna dito kahit saglit" Andrei approached me with his beautiful eyes
"Nope, kailangan ko na talagang umalis, magb-beauty rest pa'ko. Babye!" Nakangiti kong sabi at nilagpasan na silang tatlo
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed
RomantiekSi Eliana Trinidad o mas kilala bilang Eli ay matagal ng may pagtingin para kay Lucas Buenaventura Lahat ng paraan para mapansin siya nito ay ginawa na niya, pero ni isa ay di bumenta sa lalaki. Meron na kasi itong ibang napupusuan, ang kapatid niya...