Chapter 13: Egg Part 1

68 4 0
                                    

ELIANA's P.O.V







"Sabi ko diba umuwi na tayo" Tinignan ko ng masama si Andrei pero nginitian niya lang ako at hinila palabas ng kotse niya








"Alam ko namang gusto mo lang umiwas sa kanila e" sabi niya at hinila ako paupo sa bench katabi ng puno









Nasa isa kaming tamabayan na malayo sa bahay at sa school, tanaw mula dito ang city lights sa baba. This is a perfect place para sa mga taong katulad ko na broken









"Thank you" sabi ko at nginitian siya. Nginitian niya lang din ako at ipinatong sa lamesa ang mga binili namin kanina









"Tikman mo 'tong mga binili natin, baka sakaling makalimutan mo si Lucas" sabi niya at inilapit sa bibig ko ang kwek-kwek









Ayoko pa sanang isubo kaso nakadikit na sa labi ko kaya ngumanga nalang ako. Hindi ko muna nginuya kaagad, tinignan ko muna ang mukha ni Andrei, parang natatawa siya sa itsura ko









"Nguyain mo na kaya, baka mabulunan ka!" Sabi niya at sumandal sa upuan









Dahan-dahan kong nginuya ang sinubo niya, harina agad ang nalasahan ko unang nguya palang









"Anong shinashabi mong masharap dito..." Waaaaaaa! Nalasahan ko na! Yung egg sa loob ang kakaiba, ang sarap ng lasa lalo pag may sauce, kaso wala ata siyang dala hmmm









"Diba masarap? Eto pa sauce oh!" Sabi niya at may inilabas sa bulsa niya









"Grabe! Ang sharaaaap! Penge pa ngaaa!" Sabi ko habang namumuhalan. Siya naman tawa lang ng tawa habang sinusubuan ako. Ang ending e, ako ang nakaubos ng lahat ng kwek-kwek








"Gusto ko pa nito Andrei, bumalik tayo sa school sige naaaa!" Sabi ko at nagpa-cute pa sa kanya pero ginulo niya ang buhok ko









"Wala na 'yon ngayon, bukas nalang kakain tayo ulit don, o kaya pag-aaralan ko magluto non para magawan kita" sabi niya at kumindat pa sakin









"Promise mo yan ha! Sige na umuwi na tayo" sabi ko at hinila na siya para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan niya









__________



"Tapos sabi mo pa kanina yuck diba? Tas nung sinubuan kita magsasalita kapa sana kaso mukhang nasarapan kana sa lasa! HAHAHAHA!" Natawa niyang sabi kaya natawa din ako








"E kasi naman, wala namang special sa pagkain na 'yon kaya nagtataka ako na nakain kayo non, yun pala masarap" sabi ko at napakagat ng labi habang iniimagine ang itsura nung kwek-kwek









"Nakita ko pa nga napapikit ka habang ninanamnam mo e!" Sabi pa niya kaya nahampas ko siya









*BEEEEEEP!*






Halos lumabas ako sa windshield ng kotse ng biglang ihinto ni Andrei ang sasakyan niya, buti nalang e naka-seatbelt kami pareho









"BAKIT MO NAMAN GINAWA 'YON!" Inis kong sabi sa kanya, hindi siya nakapag-salita at nakatingin lang sa harap ng kotse kaya napatingin din ako don









"L-lucas...." Sabi niya. Hindi ko pa makilala nung una yung nakatayo pero buti binanggit niya









"Lumabas ka dyan!" Na-shock ako kasi galit yung mata niya habang nakatingin sakin at kay Andrei, akala mo nahuli niya kong niloloko siya, samantalagang siya nga 'yung hindi tapat sakin CHARR!








"Anong problema mo bro? Nakita mo namang nagda-drive ako humarang kapa? Buti nalang mabagal lang ang andar ko kung hindi nabangga na kita!" Inis na sabi ni Andrei at inalis ang seatbelt ko









"Ayos ka lang ba Eli? Wala bang masakit sayo?" Tanong niya habang tinitignan ang mga braso ko, sasagot sana ako na okay lang ako kaso bigla akong hinila ni Lucas palabas ng kotse









"Ano ba Lucas, nasasaktan ako!" Sabi ko at pilit inaalis ang kamay niya sa braso ko. Ilang bahay nalang ang madadaanan namin para marating ang bahay namin









"Bro ano bang problema! Bitawan mo nga si Eli!" Sabi ni Andrei pero tinulak lang siya ni Lucas, gusto ko siyang tulungan pero ang bilis ng lakad ni Lucas









"Anong ginawa niyo bakit ngayon ka lang ha? Saan kayo nang-galing?" Mahina niyang sabi sakin pero may diin, kitang-kita ko rin ang galit sa mata niya. Nagseselos ba siya? Magpapa-party naba ako?









"A-ano. si-sinubuan niya 'ko ng egg niya.." napatigil siya sandali at nabitawan ang kamay ko









"Si-sinubuan ka niya ng egg niya?" Sabi niya at napatingin ng masama kay Andrei na palapit









Tsaka ko lang napagtanto na mali pala ang pagkakasabi ko dahil sa kaartehan ko... Patay na naman tayo dyan!








_________

Don't forget to vote, comment and follow me!

©themidnightsleeper (JustineArciaga)

The Girl He Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon