Chapter 21: Fight

57 3 0
                                    

ELIANA's P.O.V


"So hindi ka pala namin matatawagan pag nandon kana?" Malungkot na tanong ni mommy kay Elise habang sinusuklay niya ang buhok nito


Nasa sala na kami ngayon at naghihintay nalang sa driver namin, nagpa-gas pa daw kasi sabi ni Dad dahil sa manila sila Pupunta ngayon


"Yes mom, but you can call Yaya Gina instead. My prof won't allow me to use my phone for the whole month in japan, dahil kailangan ko daw mag-focus dahil ako ang pambato ng batch namin" sabi pa ni Elise kay mom



Mukhang magandang balita rin yon para sakin. Pag hindi niya nagamit ang phone niya, hindi siya makakatawag. Pag hindi siya naka-tawag, hindi niya makakausap si Lucas. Hmm! Mukhang mapapa-sakin na talaga siyaaaa!


"Okay. Dahil aalis ka naman na sa friday, kailangan nating magpa-despidida para sayo" sabi ni mom at niyakap siya


"What is despidida mom?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya



"Despidida, a party. Ginagawa 'yon pag merong aalis na pamilya mo, yung mga pupunta sa ibang bansa" sabi niya pa at ngumiti sakin


"So tomorrow evening magkakaron tayo ng party dito sa bahay?" Tanong ko pa ulit. Tumango lang sakin si mommy at tinignan ulit si Elise


"Sa tingin ko mom, hindi na po kailangan ng despidida dahil alam niyo na. Si Elise ay aalis para mag-aral sa ibang bansa ng isnag buwan, at hindi maganda kung puyat siyang darating do'n diba?" Sabi ko pa. Mukhang napaisip naman bigla si mommy dahil sa sinabi ko

_________


Nakangiti ako buong maghapon sa school. Wala akong balak mainis ngayong araw dahil sa, sunod-sunod ang pagdating ng magagandang balita


Alam kong iniisip niyong, masama akong ate, kapatid etc. Pero anong magagawa ko diba?


And besides, Elise don't have feelings for him kaya for sure, wala ring silbi ang panliligaw ni Lucas. At the end of the day, sakin parin ang huling halakhak


To: Lucas

Hi! wanna have some lunch with me? My treat :>

Yon ang tinype ko at agad sinend kay Lucas. Pero magkakalahating oras na, wala parin siyang response


Palabas na sana ako ng room para personal siyang alukin ng lunch kaso biglang dumating ang pinaka-kinaiinisan kong teacher, si Ms Bedeo ang teacher ko sa ESP, Kung sa'n ako palaging bagsak



"Go back to your proper seats!" Sigaw niya kaya nagsihulasan agad ang mga kaklase ko na parang mga langaw na binugaw



"Ms. Trinidad, lalabas ka?" Nakataas kilay niyang tanong sakin. Napatingin naman sakin ang mga kaklase ko


"Yes ma'am" walang gana kong sabi sa kanya


The Girl He Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon