ELIANA's P.O.V
"Sabihin mo na, don't waste my time.." sabi niya habang nakatalikod sakin at nakahawak sa railing ng rooftop. Sobrang mahangin dito sa taas kahit na medyo maaraw pa
"Kasi nung nakaraan naghulog ako ng letter sa locker mo. Hindi mo ba nabasa?" Tanong ko kahit nahihiya
"Saan don? Sobrang daming letter na nakalagay sa locker ko kaya tinapon ko lahat" sabi niya at di parin tumitingin sakin
"Kasi Lucas, inaya kitang maging partner ko nung dance party. Akala ko ikaw ang makakasayaw ko" sabi ko sa mahinang tono at napayuko
"Pero si Elise ang inaya ko, hindi ikaw" sabi niya at tumingin na sakin
"Y-yung naka post sa Instagram mo, diba yon yung bigay ni Lola Corazon?" Sabi ko at tumingin ulit sa kanya
"Yes" mukhang nagulat pa siya dahil naaalala ko pa nung bibugay sa kanya ni Lola 'yon
"K-kay Elise mo 'yon balak ibigay diba? Hindi sakin?" Halos pabulong ko ng sabi at nagsimula ng mamuo ang luha sa mata ko. Pero siya chill na chill parin habang nakatingin sakin
"Yes, kay Elise Trinidad" sabi niya na parang proud na proud pa
"Pero ako ang may gusto sayo Lucas, I mean nagmamahal sayo. Hindi si Elise!" Sabi ko at pinahid ang luha kong tumulo na
"Pano mo nasabing hindi? E magkasayaw nga kami buong gabi" sabi niya at ngumiti pa sakin na parang nang-aasar
"Lucas, mahal na kita.." bulong ko at di na pinahid ang luhang tuloy tuloy ng lumalabas sa mata ko
Nawala ang ngiti niya at naging seryoso na naman ang mukha niya
"No you don't love me" sabi niya at tinalikuran ako
"Mahal kita Lucas, noon gusto lang kita pero iba na ngayon" sabi ko at kumapit sa braso niya. Pero tinaggal niya ang kamay niya at tumingin ulit sakin
"Hindi ako naniniwala Eliana. Bata kapa masyado, laro lang ang gusto mo" inis niyang sabi at tatalikod sana ulit pero pinigilan ko siya
"Hindi 'yan totoo Lucas! Matanda ka lang ng ilang buwan sakin pero hindi nako bata! Alam ko na ang nararamdaman ko sayo noon palang. Bakit ba kasi hindi ka naniniwala sakin" tanong ko at medyo nanlalabo na ang mata dahil sa mga luha
"You know the answer Eliana. Si Elise lang ang gusto ko, hindi ikaw. Ayoko sa katulad mo" sabi niya at tuluyan na 'kong tinalikuran
"Pero mahal na nga kita!" Sabi ko at napaupo na sa sahig. Hindi ko na alintana kahit mukha na'kong batang umiiyak dito sa sahig
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed
RomanceSi Eliana Trinidad o mas kilala bilang Eli ay matagal ng may pagtingin para kay Lucas Buenaventura Lahat ng paraan para mapansin siya nito ay ginawa na niya, pero ni isa ay di bumenta sa lalaki. Meron na kasi itong ibang napupusuan, ang kapatid niya...