ELIANA's P.O.V
"I'm sorry tita ngayon lang kami. Ayaw pa po kasi niya kaninang umuwi" mahinang sabi niya kay mommy habang hawak ang kamay ko
Tahimik na ang bahay dahil gabi na ng maka-uwi kami. Pero ang puso ko nagwawala sa loob ng dibdib ko. Hekew kese neye eng kemey ke eh!
Sobrang lambot ng kamay niya, nakakahiya dahil ramdam ko ang pagpapawis ng akin
"Nako hijo salamat. Pag-pasensyahan mo na yang si Eliana, sobrang pasaway lang talaga niyan" Sabi nito at palihim na tumingin sakin ng masama
"Ayos lang po 'yon tita. Kumain na nga po pala kami ni Eliana, magpapahinga nalang po siya" sabi pa ni Lucas habang naka-ngiti. Sana ganon din siya makipag-usap sakin palagi no?
"Sige na Eliana, umakyat kana sa kwarto mo ihahatid ko lang 'tong si Lucas sa labas" sabi ni mommy at itinuro ang hagdan namin
I was sad because Lucas suddenly let go of my hand, mommy looked at me when she saw it. Parang sinasabi ng mata niya na wag-kang-maharot-dyan with her eyes of course. Even though it was against my will to go upstairs e sumunod nalang ako, Lucas did not bother to look at me. Balik na naman siya sa pagiging masungit niya
___________
"Eliana I am your mother kaya ako nagkaka-ganito! Ayokong isang araw e mapariwara nalang ang buhay mo, gusto ko e habang bata kapa maayos kana" sabi pa nito at naupo sa sofa na malapit sa kama ko
"Sorry mom. Alam mo namang mabilis uminit ang ulo ko, pinag-chichismisan nila ko kaya ko sila nasaktan" mahina kong sabi habang naka-yuko at pinagdidikit ang dalawang hintuturo ko
"Anak, alam kong palaaway ka bata ka palang, pero sana naman mag-matured kana. Pano ka magugustuhan ni Lucas niyan kung ganyan ka palagi ha? Sa tingin mo ba gusto ng batang 'yon sa mga pala-away na babae ha?" She said and raised my head to look at her
"Sorry, hindi na po mauulit" I said even though I knew it wasn't true. My patience is too short so I can't stop even a little annoyance
"I'm gonna give back your phone tomorrow. Gumising ka ng maaga dahil bibili tayo sa mall ng kailangan mo, ang kapatid mo naasikaso na ang lahat nang kakailanganin niya" sabi nito at hinalikan ako sa pisngi bago lumabas ng kwarto ko
Hindi pa'ko inaantok kaya nangalikot muna ko sa cabinet ko at kinuha ko nalang ang diary ko na nakalagay don. Sumampa ako ulit sa kama ko at nagsimulang magbasa ng mga nakasulat do'n
Dear Diary:
Alam mo ba diary, merong bagong lipat dyan sa kabilang bahay. Tapos nakita ko yung bata sobrang gwapo niya kaso inirapan niya ko. Gusto ko siyang maging kaibigan kaso pano kaya? Parang ayaw niya kasi sakin :'(
'Yon ang unang nakasulat sa unang pahina ng Diary ko. Ginawa ko ito ng 6 years old ako, ang sabi kasi ni Mommy kung wala daw akong kaibigan e isulat ko nalang ang lahat ng gusto ko sa isang notebook para kahit papano e gumaan ang pakiramdam ko
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed
RomanceSi Eliana Trinidad o mas kilala bilang Eli ay matagal ng may pagtingin para kay Lucas Buenaventura Lahat ng paraan para mapansin siya nito ay ginawa na niya, pero ni isa ay di bumenta sa lalaki. Meron na kasi itong ibang napupusuan, ang kapatid niya...