ELIANA's P.O.V
"What the point of going here kung di ka naman makikipag sayaw?" Pagmamaktol ni Andrei sa harap ko. Kanina pa siya ganyan, tatayo nalang bigla tas tatanungin ako, paulit-ulit lang
"Maghanap ka nalang ng ibang isasayaw, ayos lang ako" mahina kong sabi. Pero iba ang sinasabi ng isip at dibdib ko, mukhang nagkakaisa sila habang sumisigaw ng 'HINDI KAMI NANINIWALA!'
"No I won't!" Sabi niya at naupo ulit sa tabi ko
"Sayang ang tuxedo mo kung di ka naman makikipag-sayaw" walang gana kong sabi habang nakatingin sa maraming taong nagsasayaw sa harapan ko
"Sayang din ang gown mo kung di ka sasayaw, mukhang ginawa talaga para sayo yan tapos di mo manlang gagamitin sa pag-sayaw?" Sabi niya at tumayo ulit sa harapan ko
"Ayoko nga sinabi!" Sabi ko at inirapan siya
"Edi ayoko rin! Mamaya magbago pa ang isip lo at may iba na namang mangyaya sayo tapos umoo ka, hell no!" Sabi niya at naupo ulit
Hindi ko nalang siya pinansin at itinuon ang mata ko sa pares na nagsasayaw sa harapan ko
Mukhang sobrang masaya sila base sa mga ngiti sa mukha nila habang ano ito, sugatan ang puso
"Bakit naman kasi si Lucas pa ang gusto mo? Alam mo namang si Elise ang gusto non diba?" Mahinang sabi ni Andrei pero napatingin ako sa kanya
"Alam mo kasi, naniniwala ako na someday napapansin niya rin na nag-eexist ako sa mundo niya, na ako naman ang magugustuhan niya" sabi ko at ngumiti ng pilit
"E pamo kung hindi? Pano pag di dumating yung panahon na 'yon?" Tanong niya pa. Ramdam ko ang pagdaan ng sakit sa dibdib ko dahil sa sinabi niya
May posibilidad ngang ganon, pero susugal parin ako
Di bale nang maubos ako, kasi pag nakuha ko siya alam kong panalo nako
"E pa'no kung dumating?" Nakangiti kong sabi tsaka binalik ang tingin ko sa mga nagsasayaw sa harap ko.
___________
Hindi ko namalayan ang oras dahil nakatulala lang naman ako sa harap
Maraming nag-aaya sakin na sumayaw pero tahimik lang ako na naka-upo sa upuan at nagmamasid lang.
Hindi ko narin nagawang kainin ang sinerve sakin na pagkain ng crew ng catering
"Gusto mo ba ihatid na kita?" Tanong ni Andrei ng tumayo ako sa inuupuan ko
Lumabas na ang lahat dahil tinapos na ng emcee ang party, malapit na kasing lumiwanag
"No, I'm okay. Parating narin sasakyan namin, tinext ko ka si Dad" tipid kong sagot
"Hey bro, nandito pala kayo" narinig ko ang boses ni Lucas mula sa likod ko, pero hindi ko siya nilingom
"Yes, ihahatid ko kasi si Eliana sa bahay nila" nakangiting sabi ni Andrei at tumingin sakin, hindi ko nalang siya sinita
"But her dad told me na malapit na siya, isasabay nga nila ako e" sabi ni Lucas at mukhang nakangiti pa
"Then, next time nalang Eliana?" Nakangiting tanong sakin ni Andrei at hinawakan ang kamay ko. Aba, nawili?
"Okay." Sagot ko at hindi binawi ang kamay ko. Ang loko naman abot tenga ang ngiti
"Mauna na'ko, goodnight I mean goodmornight" nakangiti niyang sabi at hinalikan ang kamay ko bago umalis
"Ang sweet naman ni Andrei ate, nililigawan kaba niya?" Napatingin ako sa gilid ko dahil nandon pala ang kalaban ko este kapatid pala
"Nope. He's my partner baka kaya ganon" sabi ko at ngumiti sa kany
"Ang cute niyo ate, bagay kayo" sabi niya ng nakangiti, nginitian ko nalang rin siya kahit gusto kong sabihin na 'MAS BAGAY KAYA KAMI NI LUCAS NO!'
Napatingin ako kay Lucas na nakatingin din pala sakin
"Ihahatid ka dapat niya?" Tanong niya sa mababang tono
"Who cares?" Sabi ko at tinalikuran siya. Sakto namang dumating si Daddy kaya lumapit agad ako sa kotse niya
"Goodgirl ba ang mga prinsesa ko?" Tanong ni dad at kiniss kami sa pisngi ni Elise
"Yes dad, hindi nga ko tumayo sa kinauupuan ko the whole time" bulong ko
"Ano yon Eliana?" Nagtatakang tanong ni Dad
"Sabi ko, hindi po ako nakipag-away" sabi ko at ngumiti ng konti
"Okay sakay na kayo" sabi ni dad ng nakangiti at sumakay na ulit sa driver seat
"Okay sa passenger seat ako!" Parang batang sabi ni Elise at tumakbo agad sa passenger seat. Akala mo hindi naka-gown at heels
Binuksan ni Lucas ang pinto sa backseat at hinintay akong sumakay pero inirapan ko lang siya at sa kabilang pinto dumaan
Naging tahimik ang buong ride namin, bukod kay Daddy at Elise na napaka-ingay sa unahan. Tawanan ng tawanan
"Maraming sumayaw sayo" narinig kong bulong ni Lucas sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya
"Wala" sabi ko at sa labas ng bintana nalang tumingin
"Why? I saw Andrei was there the whole time. Hindi kayo nagsayaw?" Tanong niya pa
"Hindi. Hindi kasi ako sinayaw nung inaasahan ko, pero ayos lang naman ako" bitter ang naging tono ko pero di ko nalang pinansin.
Hindi narin nagsalita si Lucas hanggang sa tumigil sa kanila at makababa siya, at syempre mag-kapitbahay lang kami kaya nakauwi narin kami
Nang makababa ako ay umakyat agad ako sa kwarto ko at don nilabas ang luhang kanina pa nagbabadya sa mga mata ko
_________
Don't forget to vote, comment and follow me!
©themidnightsleeper (JustineArciaga)
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed
RomanceSi Eliana Trinidad o mas kilala bilang Eli ay matagal ng may pagtingin para kay Lucas Buenaventura Lahat ng paraan para mapansin siya nito ay ginawa na niya, pero ni isa ay di bumenta sa lalaki. Meron na kasi itong ibang napupusuan, ang kapatid niya...