Chapter 4

90.5K 1.7K 546
                                    



Chapter 4
Mall


Dumating ang hapon at hindi padin bumabalik ang triplets.Siguro ay sobrang busy ng mga ito. 

Umorder na din ako ng pag kain sa restaurant tulad ng sabi ng triplets dahil hindi pa ako nag tatanghalian.

"Hmm ang sarap" sabi ko ng matikman ang inorder kong pag kain.

"Pwede ba tumahimik ka nga? Kanina ka pa sarap ng sarap dyan first time mo bang maka kain ng burger?"

Nag tataray nanaman ito si Rayzel.

Gutom din ba to?

"Oo eh masarap pala" nakangiti ko nalang ani dito.

Umirap namaman ito at tsaka humarap sa laptop niya.

"What are you doing here?" napapunas ako ng labi ko gamit ang tissue ng madinig ko ang boses ni Cullen.

"Good afternoon Sir" ang kaninang mataray na boses at mukha nito ay biglang numipis at lumambot ang ekspresyon.

Lumapit ito sa triplets at halos ipag undulan na ata ang dibdib niya dahil dalawang butones ma ang tangal dito at kitang kita na ang cleavage niya.

"Anong pang ginagawa mo dito Rayzel? Hindi mo na intindihan ang sinabi ko kahapon? You're fired" malamig nitong ani habang sina Callum at Corey naman ay lumapit sa akin.

"May ginawa ba sayo yang babaeng yan?" tanong ni Corey at kumuha ng french fries sa plato ko.

"Wala sinungitan lang ako" nakanguso ko ani.

"What? At may gana ka pang sungitan si Arabella? Umalis ka na dito ngayon din Rayzel" madiing sabi ni Cullen habang nakaturo sa pinto.

"Pero Cullen yung kaha-"

"Umalis ka na o baka naman gusto mong ipakaladkad pa kita pa labas?" tiim bagang sabi ni Cullen.

"Argh!" Napairap si Rayzel. Kinuha ang gamit at tsaka umalis.

Tapang tapang kanina fired na pala.

Bruhilda din yon eh.

"Sinaktan ka ba niya?" tanong ni Cullen ng maka upo din sa sofa.

Agad naman akong umiling sa kanila.

"Good. Sige na ubusin mo na yan at pupunta tayo mall"

Dali dali ko namang inubos ang pag kain dahil sa pag ka excite. First time kong makakapunta ng mall.

Bata palang ako ay pangarap na pangarap ko ng makapuntang mall kaso si papa...Noong nag high school naman ako naiingit ako sa mga kaibigan ko sa eskwelahan dahil lagi din silang gumagala doon.Hindi naman ako pinapayagan ni tita dahil mas gusto niyang tumutulong ako sa bahay. Ako gumagawa ng lahat ng trabaho doon. Simula sa pag luluto,pag huhugas,pag lilinis at pag lalaba kaya wala na din akong time para mag gala pa.

Hindi na ako nakapag kolehiyo dahil pinag trabaho nalang ako ni tita sa isa sa mga bakery nila. Hanggang sa isang araw ay isama ako nito sa isang restaurant at sinabi may ipapakilala daw siya sa akin. Si Gio, ang anak ng isa sa mga mamayaman niyang kaibigan. Ipinag kakasundo kami ng mga ito na mag pakasal pero hindi ako pumayag. Ayokong ikasal sa taong hindi ko pa naman lubos na kilala at hindi ko mahal.







"Grabe ganito pala talaga dito sa mall? Ang laki at ang daming tindahan" namamangha kong sabi.

"Hindi ka pa nakakapasok ng mall?" tanong ni Corey na agad ko namang inilingan.

Montemayor Series #1: The Triplets Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon