Chapter 13

76.7K 1.4K 376
                                    



Chapter 13
Mama





"Ano ba Luella! Bitawan mo nga ako" pilit ko inaalis ang kamay niyang naka sabunot sa buhok ko dahil mahigpit iyon at sumasakit na ang anit ko.

"Malandi kang babae ka! Akin lang dapat silang tatlo! Nilandi mo sila" dalawang kamay na nito ang gamit niya sa pag sabunot sa akin.

Hinatak ko na din ang buhok nito at hinigpitan din ang pag sabunot doon.

"Hindi ko sila nilandi!" itinulak ko siya kaya napa sandal siya sa pader malapit sa hagdan.

"Aww" napa baba pareho ang tingin namin sa siko niyang may sugat dahil sa pag kaka tulak ko.

"Isusumbong kita sa kanila at tignan natin kung sino ang paniniwalaan nila" nakangisi niyang sagot akin. Parang ka kanina lang ay iniinda nito ang sakit ng sugat pero ngayo'y para itong baliw sa laki ng ngiti.

"Hindi ka nila paniniwalaan Luella. Alam nilang hindi hindi ko magagawa yan" matapang kong sagot sa kaniya.

"Talaga? Sige tignan natin kung paniwalaan ka pa nila pag tapos kong gawin to" Pag kasabing pag kasabi niya noon ay inihulog niya ang sarili niya sa hagdanan sa nasa lukuran niya.

"Luella!" napa sigaw ako sa gulat dahil sa ginawa nito.

Nag sigawan din ang mga taong nasa baba kaya nakuha nila ang atensyon ng mga tao sa labas. Tumatakbong pumasok ang triplets at sila Tita sa loob ng bahay.

Lahat ay napa angat ang tingin sa akin. Naka tayo ako sa pinaka taas ng hagdan habang si Luella ay naka handusay sa baba at walang malay.

Patakbong umakyat si Cullen papalapit sa akin at tsaka ako hinawakan ng mahigpit sa dalawa kong braso.

"What did you do!" nang gigigil niyang tanong sa akin.

"W-Wala akong ginawa. C-Cullen m-masakit" pilit kong inaagaw ang braso ko dahil halos bumaon na ang kuko niya sa sobrang higpit ng pag kakahawak.

"Talagang masasaktan ka sa ginawa mo" Biglang nag tuluan ang mga luha ko dahil sa sinabi nito.

Hindi niya ako pinaniniwalaan.

"Cullen!" tawag ni Callum sa kaniya na ngayo'y naka luhod sa tabi ni Luella.

Binitawan naman ako ni Cullen at dali daling bumalik sa baba. Pinalilibutan nila si Luella at sinusuri.

Dahan dahan naman akong bumaba para tignan din ang lagay nito.

Pag ka baba ko ay nakita ko agad na nakatitig sa akin si Tita at Gov. Seryosong naka titig lang ito sa akin.

"T-Tita" umiiyak kong sabi.

"I'm so disappointed at you Arabella" Madiin ang pag kakasabi nito bago nag iwas ng tingin sa akin.

"Tita wala ho ak-" Naputol ang sasabihin ko ng biglang may sumigaw ng lalaki.

"Luella!"

Napalingon ako sa gawi nito. Isang lalaki na sa tingin ko ay kasing tanda lang ni Gov. Pero parang mas lalong nanlambot ang tuhod ko ng makita kung sino ang nasa likuran nito. Umagos nanaman ang luha sa mga mata ko.

"Mama"

Agad napa tingin ang lahat sa akin pero hindi ko sila pinansin at kay mama lang ibinaling ang atensyon.

"Arabella" halata ang pag kagulat sa mga mata nito.

Kahit sila Tita o ang triplets ay natigilan din.

Montemayor Series #1: The Triplets Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon