WARNING!
(Super slight lang)Chapter 5
Divisoria"Andrew!" Sigaw ko sa kababata kong si Andrew na siyang naka tao sa tindahan nila.
"Ara?" gulat din nitong tanong at tumakbo papalapit sa akin. Niyakap ko ito ng mahigpit dahil matagal na din kaming hindi nag kikita.
Wala pang limang segundo kaming mag kayakap ay may naramdaman akong kamay na humawak sa braso ko at inilayo doon.
Ang triplets. Naka kunot noo silang naka titig kay Andrew.
"Andrew sila nga pala ang mga anak ng amo ko sina Callum,Cullen at Corey." pag papakilala ko at tsaka tumingin sa triplets. "Siya si Andrew kababata ko"
"Nice to meet you" inilahad ni Andrew ang kamay sa triplets pero tinitigan lang siya ng mga ito at nilagpasan. Pumunata silang tatlo sa ibang tindahan.
"Pag pasensyahan mo na ah" nahihiya kong sabi kay Andrew.
"Ano ka ba wala yon"
"Teka babalik nalang ako ha susundan ko muna yung tatlo" agad namin itong tumango sa akin.
Natagpuan ko ang tatlo na nasa harapan ng isang tindahang pang babae.
"Bat ba bigla kayo umaalis?" sabay sabay silang napalingon sa akin.
Walang sumagot sa mga ito tumingin sa mga underwear.
"H-Hoy hindi yan nandun ang mga panglalaki oh" turo ko sa likuran nila.
Hindi padin nila ako pinakingan at tuloy lang sa pag pili.
"H-Hoy" tinapik ko ang kamay ni Corey ng itaas pa nito ang isang panty na parang sinusuri.
"Tsk. It's not for us sweetie, It's for you" kumuha pa ito ng ibang panty. Ang dalawa naman ay nasa mga bra.
Uminit nanaman ang pisnge ko ng makita ang mga ginagawa nila.
Ano bang trip ng mga ito at sila ang pumupili ng mga bra ko.
"Bibilhin namin to" sabi ni Cullen sa tindera habang binibigay ang mga napili nila.
"350 ho lahat sir" sabi ng tindera at ibinalot ang mga binili.
"What?that cheap? 350 lang?" nadinig kong sabi ni Corey sa tabi ko.
"Sabi sainyo mura lang dito eh" ani ko. Tuwang tuwa naman ang mga ito kaya't hinila agad ako papunta sa ibang tindahan.
Ako naman ang pumili ng mga damit nito at pinakita ko din sa kanila kung papa ano tumawad.
"Panoodin niyo ko ha" tumango ang mga ito.
"Ate mag kano ho lahat to?"
"1200 lahat neng" sagot ng matandang babae.
"Ha? isang libo nalang ho. Madami naman ho kaming bibili tsaka makaka asa ho kayo sa susunod na balik namin dito ulit kami bibili. Sige na aling ganda" sabay ngiti ng matamis dito.
Bumuntong hininga ang matandang babae ata tsaka ngumit "Oh siya siya sige na isang libo nalang. Gwapo naman yang mga kasama mo" tinangap nito ang isang libong inaabot ko at ibinigay sa mga plastic.
Si Ale ang tanda na lumalandi pa.
"Salamat ate ganda" ani ko at tsaka nag mamalaking ipinakita sa triplets ang pinamili.
BINABASA MO ANG
Montemayor Series #1: The Triplets Obsession
RomanceMontemayor #1 Montemayor Triplets