Chapter 17
Amusement park"Tito Gio!" sigaw ng tatlo pag labas namin ng bahay at nakita kong naka sandal si Gio sa kotse niya habang inaantay kami.
"Namiss ko kayo ah" yumuko ito sa tatlo at ginulo ang mga buhok. "Ano ready na ba kayo?" tanong niya at tumingin din sa akin.
"Yes ok na" sagot ko.
"Ok let's go"
Tuwang tuwang pumasok sa likod ng kotse ni Gio at tatlo. Inayos ko ang mga seta belt nito bago ako pumasok sa passenger seat.
Sabado kasi ngayon at maagang tumawag si Gio kanina nag aayang pumunta sa isang amusement park dahil gusto niya daw makasama ang tatlo.
As usual wala nanamang tigil sa pag iingay ang tatlo sa kotse. Daldal sila ng daldal at mamaya naman ay kumakanta na.
"I'm excited Mama!" tumatalon talon pa si Kayla ng makababa kami ng kotse.
Umupo ako sa harapan ng tatlo para maging kapantay ko sila.
"Makinig kayo kay Mama. Wag na wag kayo lalayo sa amin ng Tito Gio niyo ha. Pag may gusto kayong puntahan o lapitan sabihin niyo samin.Ok po ba?" tanong ko dahil baka mamaya'y mawala nanaman ang isa sa kanila,malaki pa naman ang amusement park.
"Yes Mama" Sabay sabay nilang sagot.
Kinuha ko ang back pack na dala ko na may lamang gamit ng triplets. Mga towel at extrang damit dahil siguradong pag papawisan ang mga ito.
"Let's go" Aya ni Gio.
Humawak sa mag kabila kong kamay sina Kalil at Kai habang si Kayla ay nag pa kalong kay Gio.
Pumila kami at ipinakita ang mga ticket na binili ni Gio.
Sobrang daming rides at tindahan sa loob kaya nag pababa na si Kayla. Agad kaming hinila ng tatlo papunta isang rides.
"Anak sigurado ba kayo diyan? Baka mahilo kayo" tanong ko dahil sa isang roller coaster kami hinila ng mga ito.
"Yes Mama masaya po yan" nakangiting sagot ni Kai.
Bumuntong hininga ako bago kami pumila kaya natawa nalang sa akin si Gio. Hindi ko alam mung bakit ang hilig sa rides nitong mga anak.
"Ang saya! Mama isa pa! Isa pa!" Sigaw ni Kalil ng maka baba kami.
Isa pa?
Eh halos masuka na nga ako sa hilo.
"Anak iba naman. Wag na diyan doon na tayo sa mga pang bata ha" hinihingal ko sabi.
Ngumuso ito sa akin.
"Pero Mama masaya po eh"
"Anak doon nalang tayo. Ayun oh may bump car hindi ba't gusto niyo yon" tinuro ko pa kung nasaan ito.
Bigla namang nag liwanag ang mukha niya at tsaka tinawag ang dalawa niyang kapatid para pumunta doon
Ipinasok namin sila habang kami ni Gio ay nasa nakatayo lang sa labas.
Tuwang tuwa ang tatlo habang nakikipag laro sa ibang bata.
"Ang cu-cute talaga nila" ani ni Gio habang naka tingin sa tatlo.
"Nag mana ba naman sakin" Tumatawa kong sagot kaya napatawa nalang din si Gio.
Nang makalabas sila'y nag reklamo ang mga ito na gutom na daw sila at gustong bumili ng hotdog.
BINABASA MO ANG
Montemayor Series #1: The Triplets Obsession
RomanceMontemayor #1 Montemayor Triplets